Fog & Dew 14

103 12 0
                                    

Claude's Point of View:

Nang matapos na ang klase namin para sa araw na iyon ay agad na akong nagpaalam sa lahat ng mga kaibigan ko, hindi para umuwi kundi dahil naisipan kong tumingintingin na ng maaari kong maisuot para sa Senior High Ball na inanunsiyo ni Sir Archy. Nagmamadali akong lumabas ng Senior High Building, napag-alaman ko din kasi na may mga malapit na shop ng secondhand na mga damit o ukay-ukay sa paaralan namin kaya naman 'yon ang target kong puntahan.

Una kong pinuntahan ang pinakamalapit na store ng damit, ang totoo ay mukhang hindi nga secondhand ang mga tinda nila doon dahil sa ang mamahal pa din ng presyo, hindi ko din kasi pwedeng basta-basta gastusin ang allowance na nakuha ko sa scholarship ko dahil sa nakalaan 'yon sa mga maaaring gastusin ko sa pag-aaral ko, tulad ng projects at requirements.

Agad akong lumabas ng unang store na pinuntahan ko, at agad na naglakad papunta sa susunod. Ang sumunod na store na napuntahan ko ay nakakatuwang puntahan dahil sa ayos nito na para ba akong nasa loob ng isang kwarto dahil sa ayos nito. Pero tulad ng nauna ay parang hindi din secondhand ang mga damit doon dahil sa mahal din ang presyo kaya agad na din akong lumabas.

Sa paglabas ko mula sa ikalawang store ay napabuntong hininga na lang ako, bago muling nagsimula sa paglalakad. Sa paglalakad ko ay siya namang biglang buhos ng malakas na ulan, kaya dali-dali ako naghanap ng masisilungan. Nakisilong ako sa labas ng isang coffee shop, nang sandaling 'yon bigla kong inalala si Nick Patrick dahil sa baka sinumpong na naman siya ng phobia niya, iniisip ko na sana ay nakakatulong talaga sa kanya ang stress ball na ibinigay ko sa kanya.

Sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan ay hindi ko din naiwasan na malungkot, oo nga at itinuturing kong kakampi ko ang ulan, pero madalas kasama ko siya kapag may pinagdadaanan ako, tulad na lang ngayon, siguro alam ng langit kung gaano ko pinoproblema ang gastos para sa susuutin ko. Sa iba siguro ang babaw ng problema ko na 'to pero sa isang tulad ko na tanging sarili ko lang ang aasahan ko, mahirap, sobrang hirap at pressure para sa akin 'to. At nang sandaling 'yon ay mas lumakas pa ang ulan, at may kasama pang malakas na hangin na para bang may bagyong paparating.

Sa lakas ng ulan na may kasamang hangin ay may pagkakataong nababasa na din ako dahil sa pag-anggi dahil na din sa kasama nitong hangin, at napayakap na din ako sa sarili ko no'n dahil sa nagsisimula na akong ginawin. Hanggang sa madinig ko na tumunod ang bell sa pintuan ng coffee shop hudyat na may nagbukas nito, at napatingin ako dito.

"Pumasok ka na muna dito sa loob, mababasa ka na at giginawin ka sa lakas ng ulan at hangin diyan." ang alok ng lalaking siyang nagbukas ng pinto, maaliwalas ang mukha nito at sa ngiti pa lang nito ay masasabi ko nang mabait siya. Nakasuot siya ng kulay brown na apron na may logo ng coffee shop na iyon.

"Pero wala po kasi akong oorderin." ang nahihiya kong tugon.

"Ano ka ba hindi kita pinapapasok para umorder lang, kanina ka pa diyan at halatang ginaw na ginaw ka na. Kaya pumasok ka na dito." ang malumanay na sabi ng lalaki at nakangiti akong tumango sa kanya bilang tugon.

"Salamat po." ang nahihiya kong sabi bago ako tuluyang pumasok sa loob. Pagkapasok ko sa loob ng coffee shop ay agad na isinara ng lalaki ang pinto, ang ganda sa loob ng coffee shop na 'yon kung titignang mabuti ay tatlong istilo ang pinagsamasama para sa interior nito, Filipino, European, at Korean style.

"Pwede kang maupo kung saan mo gusto. Huwag ka nang mahiya okay?" ang sabi ng lalaki at tumango ako sa kanya at agad akong naupo malapit lamang sa entrance kung nasaan kami dahil sa wala naman din akong oorderin.

"Salamat po ulit." ang sabi ko bilang pasasalamat.

"That's okay. Mukhang matatagala bago tumila 'yang ulan kaya dumito ka muna kaysa nandoon ka sa labas na giginawin ka ng sobra at baka magkasakit ka pa." ang sabi ng lalaki, at nagpaalam din ito na aalis na muna siya saglit para asikasuhin ang customer ng cafe nila.

Rain.Boys VIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon