Claude's Point of View:
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip nila Marty at Nick Patrick para magkagano'n sila sa isa't isa. Hindi sa dahil nag-iinarte ako, dahil kung sa ibang tulad ko siguro mangyari 'yon, na malamang may nagkakagusto sa isang tulad ko, malamang sa malamang sobrang saya na nila. Pero hindi ako gano'n, hindi ko kayang maging masaya para sa sarili ko kung alam ko naman na may masisirang pagkakaibigan nang dahil sa akin. Nasa ganoon akong pag-iisip habang naglalakad ako papapunta sa Senior High building, nang biglang may bumusina na sasakyan at huminto sa tapat. Sandali akong napahinto sa aking paglalakad pero dahil hindi ko naman kilala ang sasakyan na 'yon ay muli akong naglakad.
"Claude, sandali lang!" ang nadinig kong pagtawag sa akin at agad ko namang nilingon ang tumawag sa akin. At nakita ko si Inno na bumababa sa napakagarang sasakyan na iyon. Sandali niyang kinausap ang driver ng sasakyan at pagkatapos ay agad na umalis ang sasakyan habang siya naman ay nakangiting patakbo na lumapit sa akin.
"Good morning Claude!" ang masayang bati nito sa akin na hindi naaalis ang ngiti nito. Wirdo para sa akin na makita siyang gano'n dahil noong una kaming magkatabi ay halos pwede na siyang ipalit na emoji para sa poker face.
"Gu-gu-good morning din sa'yo Inno." ang tugon ko.
"I'm glad na nakita this morning." ang sabi ni Inno na hindi pa din nabubura ang ngiti, pero kung tutuusin ay mas bagay sa kanya na ganoon siya, mas maaliwalas at mas mukhang approachable siya.
"Bakit naman? I mean may kailangan ka ba sa akin today?" ang usisa ko.
"Ah wala naman, I am just a fan of this sign thing, alam mo na 'yung hihingi ng sign to prove or decide on something." ang tugon niya.
"Sign? Ano namang sign ang hiningi mo?" ang tanong ko.
"Hmm, I ask for a sign kung ipu-pursue ko ba na ligawan ka or not. Sabi ko kapag nakita kita today, liligawan kita if not I will stop." ang sabi niya.
"Pero hindi ba parang decided na 'yung sign na 'yon? I mean from the very start alam mo na ang sagot, magkikita at magkikita talaga tayo today dahil magkaklase tayo." ang sabi ko pero muli siyang nangiti nang madinig niya iyon.
"Exactly! I ask that sign, kahit parang tanga lang. Pero it is clear now Claude na desidido akong ligawan ka. I know hindi lang ako ang nagkakagusto sa'yo, I will not pressure you as well, ang akin lang do not say no to me na ligawan ka, hayaan mo akong patunayan sa'yo ang sarili ko." ang sabi ni Inno at hindi na ako nakaimik pa dahil sa hindi ko alam kung paano ko siya tutugunin pa.
"Okay, I will take your silence as a yes." ang sabi niya at pagkatapos noon ay niyaya niya na ako na sabay na kaming pumunta sa magiging unang klase namin sa araw na 'yon, wala na kong nagawa at naitugon pa kundi isang pilit na ngiti at tango.
Pagdating namin sa loob ng classroom ay agad na kaming humanap ni Inno ng mauupuan, naupo kami sa bandang gitna kung saan bakante pa ang limang upuan, kasabay nang pag-upo namin ay ang pagdating ni Marty na agad na napatingin sa direksiyon namin, at napansin ko agad ang pagbaling niya ng tingin kay Inno at sinalubungan niya ito ng kilay. Naglakad si Marty palapit sa direksiyon ko at nginitian niya ako.
"May nakaupo na ba sa seat na 'to?" ang tanong ni Marty habang nakaturo siya sa upuan na nasa aking kaliwa.
"Wala pa naman, sa tingin ko lang ha?" ang tugon ko sa kanya.
"That's good, at least magkakatabi tayo." ang sabi niya. Inilagay ni Marty ang kanyang bag sa upuan, at sakto naman ding magkakasabay na dumating sila Nick Patrick at ang Sailor Warriors. Tulad ni Marty ay agad silang napatingin sa direksiyon ko, nakita ko din na tila may ibinulong si Jupiter kay Nick Patrick bago sila lumapit sa amin.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys VII
Teen FictionRAIN.BOYS VII [Teen Fiction|Yaoi|BXB] "Sa tuwing umuulan nakakaramdam ako ng matinding takot at lungkot. Para sa akin tanging masasamang alaala lang ang dala ng ulan. Kung pwede lang, kung may kapangyarihan lang akong patigilin ang ulan ginawa ko na...