Fog & Dew 26

60 14 1
                                    

En.Pi's Point of View:

Hindi ko na maalala pa kung ano ang mga nangyari matapos kong yakapin si Claude noon sa isa sa mga comfort room na noo'y ginagawa pang building sa unibersidad na pinapasukan namin dahil ang mahalaga lang sa akin noon ay alam kong ligtas siya. Ang sumunod ko na lang na natatandaan matapos 'yon ay nagkamalay na lang ako sa loob ng isang hospital room pero nabigla ako na makita si Claude na hawak ang aking kamay at nakatingin lang siya doon pero nagsimulang gumuhit sa aking mga labi ang ngiti nang madinig ko ang kanyang mga sinabi. Hinayaan ko lang muna siya na sabihin ang mga gusto niyang sabihin at nang tumigil siya ay doon na ako nagsalita.

Nang makita niya akong may malay na ay hindi ko maiwasan na bahagyang matuwa sa kanyang naging reaksiyon dahil tinampal tampal niya pa ang kanyang sarili para lang masiguro na hindi siya nananaginip o namamalikmata lang. Pero hindi matatawaran ang saya na nararamdaman ko noong pumayag siya na maging tunay na partner ko, at nang yakapin niya ako, 'yung mga sandaling 'yon hindi man nasunod ang plano ko na romantikong pagtanong sa kanya ay sobra pa din ang saya na nararamdaman ko.

Magkayakap pa din kami noon at ninanamnam ko pa ang mga sandaling 'yon nang biglang may marinig kami pareho na umubo, at agad kaming napatingin sa direksiyon ng pinto ng silid na iyon, at nakita namin sila Dada at ang buong barkada na nakatayo at tila ba nanonood ng isang teleserye pero hindi maikakaila din sa kanila ang tuwa sa reaksiyon nila. Dahil naman doon ay mabilis na bumitaw ng yakap sa akin si Claude at kita sa kanyang mukha ang pamumula nito.

"Pasensiya na kung naistorbo namin ang moment niyo ha?" ang sabi ni Dada Luke na nakatingin sa akin at dahil doon ay hindi ko na din naiwasan na hindi mahiya.

"Pa-pa-pasensiya na po... huwag po sana kayo mag-isip ng hindi maganda..." ang nahihiyang sabi ni Claude na nakayuko at kulang na lang ay makipagpalit na sa pulang krayola dahil sa pamumula.

"Ano ba kayo para naman kayong others. Tsaka masaya kami na maabutan ang pagtatapat niyo ng nararamdaman niyo sa isa't isa." Ang sabi ni Venus na halatang kinikilig nang mga sandaling 'yon.

"Hindi din naman namin expect na makikita namin kayong may sweet moment, ang alam kasi namin walang malay 'yung isa diyan." ang sabi naman ni Marty at ngumisi sa akin.

"Tama 'yon, bumalik kami kasi nagkataong may mga nakalimutan kaming gamit dito sa room, kaso pagbalik namin nakita na namin ang moment kaya tumahimik na lang kami." ang sabi ni Dada Luke. "Tsaka, Claude..." ang pagtawag ni Dada sa atensiyon at pagkatapos ay lumakad siya palapit dito.

Nang makalapit si Dada Luke kay Claude ay nabigla ako at gano'n din si Claude nang bigla siyang yakapin nito. "Welcome to the family! Masaya ako na nandiyan ka para sa anak namin, kay En.Pi., hiling ko lang ay sana'y maging masaya ang relasyon ninyo. At huwag kang mag-alala dahil pwede mo din kaming ituring na mga magulang mo, pwede mo na din kaming tawaging dada." ang sabi ni Dada Luke.

"Ma-ma-maraming salamat po..." ang nahihiya pero ramdam kong masayang tugon ni Claude.

"At ikaw naman En.Pi. siguraduhin mo lang na hindi mo papaiyakin itong si Claude dahil kung hindi yari ka talaga sa aking bata ka." ang banta ni Dada Luke nang bumitaw siya sa pagkakayakap niya kay Claude at hindi naiwasan na matawa ng lahat dahil doon.

"Dada, ano ba namang klase na bilin 'yan siyempre naman po hinding hindi mangyayari na saktan ko physically, mentally, verbally, or emotionally si Dew. I promise to take good care of him and I will love him with all my heart." ang sabi ko bilang tugin at tumingin sa akin si Claude at sapat na akin na makita ang matamis niyang ngiti noon para masabi ko na nagpapasalamat siya sa mga sinasabi ko.

Nang matapos ang kilig moments na iyon ay agad naman ding kinuha na nila ang mga gamit na kanilang nalimutan at nagpasya na magsiuwi na din, naiwan kami ni Claude na magkasama dahil sa kailangan na ihatid nila Dada si Marty pauwi. Pareho kaming masaya noong mga sandaling iyon, hawak namin ang kamay ng isa't isa.

Rain.Boys VIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon