En.Pi's Point of View:
Agad kaming sumunod ni Marty kay Claude na noon ay nauunang naglalakad sa amin. May mga pagkakataon na nagkakatinginan kami ni Marty pero sa halip na ngiti ay pagsasalubong ng mga kilay namin ang aming ibinibigay sa isa't isa. 'Yon lang din ang unang pagkakataon na naging gano'n kami ni Marty, madalas talaga na kapag gusto ni Marty ang isang bagay ay hinahayaan ko lang siya, pero ibang usapan na kasi pagdating kay Claude, una ay hindi siya bagay, at ikalawa sigurado akong may nararamdaman din ako para sa kanya at isa sa mga bagay na natutunan ko kila Dada ay pagdating sa taong gusto mo, mahal mo, o espesyal sa'yo ay dapat na gawin mo ang lahat para dito, pero hindi ako sigurado sa isang bagay, kung tama ba na ilaban ko si Claude kahit kapalit na no'n ay ang pagkakaibigan namin ni Marty.
"Anong iniisip mo diyan? Bakit parang sobrang tahimik mo?" ang pagbasag ni Marty sa pagmumuni-muni ko. Tumingin ako sa kanya at sinimangutan ko siya.
"Ano bang pake mo sa iniisip ko? As if you really care at all, hindi ba sabi mo we are rivals?" ang pagsusungit ko.
"Just want to make sure na wala kang masamang pinaplano." ang tugon niya sa akin.
"Ako pa talaga ang may masamang pinaplano? Look who's talking." ang may inis kong sabi. "Spoiled brat like you will do no good." ang dagdag ko at napahinto siya sa paglalakad at nakita ko na anpikon siya sa sinabi ko. Mabilis niya akong kinuwelyuhan at akmang sasapakin na niya ako noon.
"Pwede ba tumigil na kayong dalawa? Mukha ba akong baby sitter? Pwede ba kung hindi niyo magawang magkasundo ngayon, maglayo muna kayo, at tulad ng sabi ko kanina, kung ako lang naman ang dahilan ng hindi niyo pagkakasundo ay tigilan niyo na ako, at iiwasan ko kayo." ang sabi ni Claude at mabilis na ibinaba ni Marty ang kanyang kamao at binitawan niya din ako sa pagkakakuwelyo niya.
"Sorry, I didn't mean to be rude in front of you." ang paghingi ng pasensiya ni Marty ng pasensiya kay Claude, at napailing naman si Claude sa kanya at tumalikod ito sa amin at naglakad palayo. Ngunit sa pagtalikod ni Claude ay nag-akmaan muli kaming dalawa bago sumunod kay Claude.
Pagdating namin sa terminal ng jeep ay mabilis na sumakay si Claude sa harapan, nag-uunahan pa kami ni Marty noon na makasakay para makatabi siya nang biglang ibaba ni Claude ang bag niya sa espasyo ng upuan sa tabi niya. "Sa likod na lang kayo sumakay, hindi kayo kakasya dito." ang sabi ni Claude at sa pagkakataong iyon ay nakita namin ni Marty ang side ni Claude na may pagkamasungit, ewan ko kung bakit pero napangiti ako nang makita ko na gano'n siya, pakiramdam ko nga parang si Dada L siya kung sakaling magalit siya nang matindi, pero in terms of calmness mas kalmado si Claude kaysa kay Dada L na mabilis mag-short circuit ang mood.
Pagsakay namin sa jeep ay ilang sandali pa kaming naghintay para mapuno ito, magkaharap kami noon ni Marty at hindi nagpapansinan, hanggang sa maisipan kong makinig na lang ng kanta ng Maroon 5. Nang sandaling iyon ay pinakinggan ko ang kantang "Just a Feeling" habang nakatingin ako kay Claude, walang kinalaman ang kanta sa nararamdaman ko sa kanya o sa sitwasyon na meron ako ngayon dahil kung pakikinggan mong mabuti ang kanta ay napakalungkot ng kantang iyon, sadyang nakakakalma lang sa akin ang kantang iyon, tulad ni Claude. At ilang sandali pa ay umandar na din ang jeep, pinagmasdan ko ang aming dinadaanan at nagmumuni-muni habang patuloy ako sa nakikinig ng mga kanta ng Maroon 5.
Nang makarating kami sa jeep ay mabilis na bumaba si Claude habang kami naman ni Marty ay parang mga bata na nagatatalo kung sino ang unang bababa sa jeep. "Ano ba paunahin mo muna ako." ang sabi ni Marty.
"Aba bakit kita papaunahin? We're rivals hindi ba?" ang tugon ko sa kanya. At naghawian kaming dalawa para lang walang mauna sa amin na bumaba, nang sandaling iyon ay nakatingin na pala sa amin ang ibang mga pasahero.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys VII
Teen FictionRAIN.BOYS VII [Teen Fiction|Yaoi|BXB] "Sa tuwing umuulan nakakaramdam ako ng matinding takot at lungkot. Para sa akin tanging masasamang alaala lang ang dala ng ulan. Kung pwede lang, kung may kapangyarihan lang akong patigilin ang ulan ginawa ko na...