Fog & Dew 22

86 14 2
                                    

Claude's Point of View:

Madilim na nang makauwi ako dahil na din sa ulan na hinintay pa namin ni Nick Patrick na tumila, mabuti na lang at nang pagdating ko sa bahay ay si Tadeo lang ang nandoon. "Sila tita at tito?" ang bungad kong tanong sa kanya nang makita ko siyang naghahain pa lamang ng para sa hapunan.

"Oh nandiyan ka na pala, tara sabayan mo na ako kumain dito, wala naman sila mama at papa ngayon." ang tugon at alok sa akin ni Tadeo. Napansin ko ang malaking pagbabago sa pinsan kong ito, simula nang mag-open up siya sa akin ay mas napansin ko na na mas masaya siya tignan, hindi tulad noon na makita ko pa lang ay umiisip na ako ng paraan para maiwasan ko.

"Saan naman sila daw pupunta?" ang usisa ko at inilagay ko ang mga dala ko noon na paper bags at bag ko sa sofa at nagpasya nang tulungan siya sa paghahain.

"Nandoon na naman kila lola, alam mo naman sila mama at papa, kung saan may pera doon sila. Parang yung ginawa nila sa kay tita, sa mama mo, at sorry dahil sa pumayag ako na itrato ka nila mama ng hindi maganda matapos na hindi na magpadala pa si tita." ang sabi niya na tila nakokonsensiya at marahang inilapag sa mesa ang isang baso.

"Ano ka ba hindi mo naman kasalanan 'yon, wala kang kasalanan, tsaka nagbago ka na din naman hindi ba? Hindi ko din naman masisisi sila tita at tito, hindi naman nila ako anak, kung iisipin naging dagdag pa ako sa responsibilidad nila. Kaya huwag mo na isipin pa 'yon nagpapasalamat pa din ako sa inyo kasi hindi niyo pa din ako hinayaan na maging palaboy." ang sabi ko bilang tugon at para alisin na din ang kung ano mang bumabagabag pa sa kanya dahil lang sa mga nangyari sa nakaraan na kahit balikan pa ay wala na ding mababago pa dahil ang tanging makapagtutuwid lang naman ng pagkakamali ng nakaraan ay ang kasalukuyan.

"Kamusta naman pala ang klase mo ngayong araw?" ang biglang tanong ni Tadeo nang magsimula na kaming kumain. Nginuya ko muna at nilunok ang aking kinakain bago ako tumugon sa kanya.

"Ayos naman, alam mo ba na na-cover ng scholarship ko 'yung fee para sa Senior Ball namin na gaganapin sa Biyernes?" ang masaya kong pagkukwento at uminom siya ng tubig.

"Mabuti naman kung gano'n masaya ako na madinig 'yang balitang 'yan. Tsaka masaya ako na malaman na meron kang mabubuting kaibigan tulad nila na handa kang tulungan." ang tugon niya.

"Ano ka ba parte ka na din ng grupo namin." ang sabi ko sa kanya at nakita ko na ngumiti siya. "Ah siya nga pala may pinabibigay si Marty sa'yo." ang bigla kong sabi at yung ngiti kanina na tipid lang ay naging malapad at nakitaan ko kung gaano siya kasabik.

"Talaga? Pwede ko na bang makita?" ang masaya at sabik niyang tanong at nang makita niya ang reaksiyon ko ay bigla siyang kumalma.

"Sorry, pwede ko ba makita kung ano ang ibinigay ni Marty sa akin?" ang tanong niya na halatang pinipigilan ang pagkasabik.

"Oo naman." ang sabi ko.

"Teka iyon ba yung nasa paper bags na dala mo?" ang sabi niya at hindi pa ako nakakasagot ay kumaripas na siya ng punta sa paper bags na nasa sofa.

"Ito bang nasa maliit na paper bag 'yung sa akin?" sabay kuha sa paper bag at pakita sa akin.

"Ang totoo ay sa akin 'yan, 'yung malaki ang sa'yo." ang sabi ko at halata sa mukha niya ang pagkagulat at hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Weh di nga? Seryoso ba 'yan?" ang tanong nito sa akin na halatang hindi pa naniniwala.

"Oo nga, sa'yo 'yung stuffed toy na nasa malaking paper bag." at nang masiguro niyang hindi ako nagbibiro ay agad niyang pinagpalit ang paper bag na maliit at malaki, at narinig ko pa siyang napamura bilang reaksiyon nang makita niya ang laman nito.

Rain.Boys VIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon