En.Pi's Point of View:
Malaki ang nagbago simula nang umalis si Claude, but one thing never change, 'yung 'yung pagmamahal ko sa kanya. Since nang umalis siya we make it a habit na lagi kaming magkausap through video chat well hindi naman all the time pero as much as possible madalas, dahil magkaiba din naman ang oras namin kaya tamang adjust din kami. Masaya naman at mabuti ang lagay ni Claude sa Australia, pinakilala na nga niya ako sa second dad niya, si tito Rupert na nakasundo agad ni dada Arwin dahil sa sporty din si tito Rupert na tao, then sa mga kapatid niya na super kakampi ko dahil sinigurado nilang ako lang daw ang magiging asawa ng kapatid nila, how sweet di ba ng mga future bayaw ko.
Naging mas matatag din ang samahan ng buong barkada, we welcomed Daniela, Ramses, and Bryan as part ng barkada, at naging mas masaya ang lahat. Naging madalas ang gala dahil daw nagwo-worry sila na maburyo ako dahil nga wala si Claude, pero ang totoo ginagamit lang nila akong alibi dahil sa exhausted na din sila sa dami ng gawain namin para sa papalapit na end of school year.
Speaking of end of school year, Christmas Eve nang umamin sa lahat na sila Marty at Tadeo ay in a relationship na, well alam naman na namin bago pa sila umamin, pero we do not spoil it kasi alam namin they want to announce it in their own choice of time. Tadeo still live with us dahil hindi pa din magawang matanggap ng pamilya niya na ganoon siya, well my dada Luke and dada Arwin are different even my dada's friend family kaya Tadeo will never feel alone or outcast kasi parang kapatid na din ang turing ko sa kanya as dada Luke and dada Arwin consider Tadeo as their second son and Tadeo consider them as his second parents. At doon ko mas na-realize why mom and dad chose them na humalili sa kanila, dahil alam nilang tatanggapin nila ako at mamahalin ng walang pag-aalinlangan, ituturing na sarili nilang dugo't laman, at bubusugin ng pagmamahal.
Nalagpasan ko na din ang trauma ko sa pagbiyahe papuntang Baguio, kaya naging madalas din ang biyahe namin don lalo na kapag sinumpong ng cravings si Dada Luke sa mga strawberries, walang makakaawat sa kanya, naniniwala na ako sa kwento ni Dada Arwin how childish Dada Luke can be pagdating sa strawberries.
Mabilis na lumilipas ang panahon pero hindi kumukupas ang pagmamahal ko para kay Claude, gayon din ang pagsasamahan naming magkakaibigan, at ang pagmamahalan namin bilang pamilya. Isa lang ang hiling ko na sana isang umaga paggising ko, katabi ko na ulit si Claude, kayakap ko ng pisikal, at hindi puro virtual hugs, pero kakayanin ko ang magtiis hanggang dumating ang araw na iyon, dahil alam kong ako ang magiging pinakamasayang tao pag dumating 'yon. At sabi nga nila ang pinakamatamis na bunga ay matitikman at ma-appreciate lang kung inani mo iyon nang pinaghihirapan at ganoon din sa pagmamahal.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys VII
Teen FictionRAIN.BOYS VII [Teen Fiction|Yaoi|BXB] "Sa tuwing umuulan nakakaramdam ako ng matinding takot at lungkot. Para sa akin tanging masasamang alaala lang ang dala ng ulan. Kung pwede lang, kung may kapangyarihan lang akong patigilin ang ulan ginawa ko na...