EnPi's Point of View:
"Oh anak ha 'wag masiyadong malikot." Ang sabi ng isang babae na nakaupo sa tabi ko sa backseat ng sasakyan. Nakikita ko sa kanya ang saya at pagkasabik sa kung saan man kami pupunta.
"Hon sayang talaga kung nandito sila Luke at Arwin sigurado na mas magiging masaya si baby." Ang sabi ng babae habang nakikipaglaro sa akin.
"Tama ka hon, kaso masiyado silang abala ngayon sa trabaho, nakita ko naman kay Luke kanina na gusto niya talaga sumama sa atin pero wala lang talaga siya magawa sa schedule niya. Kaya intindihin na lang din natin ang mag-asawa." Ang sabi ng lalaking nagmamaneho ng sasakyan namin.
Napatingin ako sa labas noon at nakita ko ang tubig ulan na umaagos sa salamin ng bintana ng sasakyan, malakas ang ulan noong araw na 'yon at mas lumalakas pa ito lalo habang lumalapit na kami sa destinasyon namin, hanggang sa bigla na lamang nagpagewanggewang ang sasakayan namin. Narinig ko na sumisigaw na noon ang lalaki pero hindi ko na maintindihan ang kanyang sinasabi. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ng babae kong katabi, naramdaman ko ang takot nito. May mga luha niya ang pumatak sa mukha ko, at nadinig ko siya na may sinabi ngunit hindi ko na din maintindihan iyon, hindi ko alam kung bakit. Hanggang sa tila maging slow motion na lang ang lahat, at kasunod no'n ay ang mas mahigpit na pagyakap sa akin ng babae at hanggang sa dumilim na ang lahat.
"Tulong!" Ang sigaw ko, at napabangon ako bigla, doon ko lang napagtanto na panaginip lang ang lahat. Ang panaginip na 'yon o mas tamang sabihin na ang bangungot na 'yon ay lagi ko na lang nararanasan kapag umuulan at hindi ako nagkamali umuulan nga nang sandaling iyon. Kinamumuhian ang ulan, natatakot ako dito dahil sa kanya nawala ang dalawa sa pinakamahahalagang tao sa buhay ko, ang mga magulang ko.
Naghahabol ako ng hininga ko dahil sa bangungot na 'yon, ramdam ko ang butil-butil na malalamig na pawis na namuo sa noo ko. Napasandal na lang ako sa headboard ng kama ko at doon di ko na napigilan pang umiyak. Kung kaya ko lang pigilan ang ulan, kung pwede ko lang ibalik ang oras gagawin ko ang lahat huwag ko lang danasin ang bangungot at kalungkutang ito.
Ilang sandali pa ay nadinig ko ang pagkatok sa pinto ng kwarto ko at kasunod nito ay ang boses ni Dada L, "EnPi, anak okay ka lang ba?" Ang tanong nito sa akin, si Dada L at Dada A na ang tumayo kong mga magulang simula ng mawala ang sila mommy at daddy, at masasabi ko na swerte ako sa kanila dahil minahal at pinalaki nila ako na para bang tunay nilang anak. Wala akong problema sa kung pareho silang lalaki dahil sa aking paglaki noon mas nauunawaan ko ang pagmamahalan na meron sila, malalim at mas tunay pa nga kung ikukumpara sa ilang kakilala ko na babae at lalaki. Pero hindi ko lang minsan maiwasan hanapin ang pagmamahal ng tunay kong mga magulang at hindi ko sinasabi kila Dada 'yon dahil ayoko silang malungkot, kaya naman habang lumalaki ako at dinadalaw ako ng bangungot na 'yon ay pinipilit kong maging matatag.
"Enpi, anak, ayos ka lang ba?" Ang tanong ulit ni Dada L nang hindi ako tumugon sa kanya at ilang katok pa ang ginawa niya, at doon na ko nagpasya na bumaba sa higaan ko at nagtungo ako sa pinto. Sa pagbukas ko nito ay siyang pagbungad ni Dada L sa akin na halata sa mga mata niya ang pag-aalala. "Nanaginip ka na naman 'no?" Ang bungad niyang tanong sa akin, at hindi ko na napunasan noon ang luha ko at isang tango na lang ang itinugon ko sa kanya. Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako, at dahil matangkad ako tulad ni Dada A ay bumaba ako ng kaunti para mas mayakap ko noon si Dada L, sila lang ni Dada A ang nakakapagpakalma sa akin sa tuwing nararanasan ko ang bangungot na 'yon.
"Magiging ayos din ang lahat EnPi, magiging ayos din ang lahat. Pagbalik ni Dada A mo mula sa business meeting niya sa Singapore ay pangako ko na magbabakasyon tayo, isasama pa natin mga ninang at ninong mo." Ang sabi ni Dada L, at nang sandaling iyon ang labing walong taong gulang na ako ay tila naging bata na umiiyak kay Dada L.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys VII
Teen FictionRAIN.BOYS VII [Teen Fiction|Yaoi|BXB] "Sa tuwing umuulan nakakaramdam ako ng matinding takot at lungkot. Para sa akin tanging masasamang alaala lang ang dala ng ulan. Kung pwede lang, kung may kapangyarihan lang akong patigilin ang ulan ginawa ko na...