En.Pi's Point of View:
"Pwede bang malaman ang dahilan mo bakit mo ginagawa ang bagay na 'to?" ang tanong ni Ramses sa akin na hindi inaasahan ang biglaan kong pagsulpot sa shop ng kuya. "Last time I remember I can see in your eyes and in your action how much you love Claude, actually, iyon ang unang pagkakataon na nakita kitang gano'n katapang. Kaya hindi ko ma-gets all of a sudden sinadya mo pa ako na siyang nag-threaten kay Claude at ang nakakabigla lang is you want him to leave you?" ang pag-uusisa nito.
"I don't need to explain everything to you, could you please do it for me?" ang tugon ko at sandali niya kong tinitigan, hanggang sa tumunog ang cellphone niya. Agad niyang kinuha ang cellphone niya sa kanyang bulsa at tinignan ang message na kanyang natanggap.
"Nandyan na daw si Claude sabi ni Bryan." ang sabi ni Ramses at nang madinig ko 'yon ay mabilis ko siyang hinila palapit sa akin, niyakap ko siya sa kanyang baywang upang pigilan siyang makakalas sa akin.
"F*ck! En.Pi, are you nuts! Ano ba 'tong..." at natigilan siya sa pagsasalita nang bahagya kong ilapit sa kanyang mukha ang mukha ko, halos ramdam ko ang kanyang paghinga at tiyak kong ramdam din niya ang aking paghinga.
"Just do this favor for me..." ang bulong ko.
"Hindi ko akalain na ganito ka kabaliw." ang pabulong niyang tugon. "Nandyan na siya nakatayo at nakatingin lang sa atin." ang pabulong nitong sabi sa akin kaya naman hinigpitan ko ang pagkakayakap ko kay Ramses at nang sandaling iyon ay tumugon na din siya ng yakap sa akin.
"Kung ano man ang nangyayari, malinis ang konsensiya ko sa pagkakataong ito." ang bulong nitong sabi at tumango ako sa kanya.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagluwag ng yakap ni Ramses at pagkatapos ay tinapik niya ako. "Wala na siya..." ang sabi niya at agad akong bumitaw ng yakap sa kanya.
"Salamat sa tulong." ang sabi ko.
Ilang sandali pa ay biglang umakyat si Bryan at agad akong kinuwelyuhan. "Anong nangyari! What have you done! Bakit umaalis ng umiiyak si Claude?" ang galit niyang sabi, nang madinig ko 'yon ay hindi ko napigilang makaramdam ng sakit sa kalooban ko, pero pinanatili kong walang reaksiyon ang aking mukha, hindi dahil gusto kong maging manhid, kundi dahil kailangan kong maging manhid.
"It is none of your business anymore." ang malamig kong tugon at iniwas ko sa kanya ang tingin ko.
"You b*llsh*t!" ang galit niyang sabi at aktong sasapakin ako ni Bryan noon pero agad siyang inawat ni Ramses.
"Tama na 'yan Bryan." ang awat ni Ramses. "Let him go, let him leave, I will tell you everything later, tama siya hindi na din siya dapat pang pakialaman pa." ang dagdag na sabi ni Ramses, at agad akong pinakawalan ni Bryan sa pagkakakuwelyo niya sa akin at itinulak niya ako palayo sa akin.
"Mabuti pa umalis ka na dito, habulin mo si Claude. Making him cry is a very wrong move, kung hindi ko lang alam na mahal ka ni Claude, baka ginawa ko na lahat ng pwede kong magawa makuha lang siya sa'yo. Pero hindi eh, kahit na umiiyak siya at nakita ko kung gaano siya nasasaktan kanina, ramdam ko na ikaw pa din ang mahal niya." ang sabi ni Bryan at napakagat na lang ako ng labi ko noon para lang pigilan ang emosyon ko.
"Aalis na ako. Ramses, salamat sa paggawa ng pabor ko, this time quits na tayo." ang sabi ko sa kanya at tumango siya sa akin.
"Sana lang maging okay ka after this." ang sabi niya. "At isa pa I realize something kanina pa, hindi mo man sabihin sa akin, alam ko na ang sagot sa tanong ko sa'yo kanina. Medyo confusing kung iisipin pero alam kong para sa kanya ang lahat na ito." ang dagdag niyang sabi at tumango ako at pagkatapos ay muling nagpaalam sa kanila.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys VII
Teen FictionRAIN.BOYS VII [Teen Fiction|Yaoi|BXB] "Sa tuwing umuulan nakakaramdam ako ng matinding takot at lungkot. Para sa akin tanging masasamang alaala lang ang dala ng ulan. Kung pwede lang, kung may kapangyarihan lang akong patigilin ang ulan ginawa ko na...