Fog & Dew 07

166 17 3
                                    

EnPi's Point of View:

Habang pauwi ng bahay ay hindi ko maiwasan na hindi paglaruan ang stress ball na binigay sa akin ni Claude, nang mga sandali pa lang na iyon ay nare-relax ako tulad ng sinasabi niya kaya naman napagpasyahan ko na lagi ko iyong dadalhin saan man ako magpunta kung sakali man na kailanganin ko ito lalo na kung umuulan.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni Dada L, na noon ay kakatapos lang magluto. "Kamusta ang unang araw ng klase?" ang tanong nito sa akin habang inaalis ang kanyang suot na apron.

"Masaya naman po, hindi ko expect dada na magiging okay ang lahat." Ang tugon ko habang pinipiga-piga ko ang stress ball na hawak ko.

"Mabuti naman kung ganoon, hindi ko alam kung bakit pero bigla kasi akong nag-alala sa'yo kanina."

"Ayos lang naman ako Dada, umulan kanina doon pero sandal lang naman at may mga kasama naman ako noong time na 'yon at nadoon din si Marty kaya naman hindi ako masiyadong inatake ng nerbiyos ko." Ang sabi ni ko at piniga-piga ko muli ang stress ball sa kamay ko, at nang sandaling 'yon ay napatingin na si Dada L sa kamay ko.

"Ano ba 'yang hawak mo at napansin ko na kanina mo pa pinipiga?" ang kanyang usisa.

"Ah ito po ba?" at pinakita ko ang hawak kong stress ball sa kanya. "Stress ball po ito, bigay po sa akin ng kaklase ko na bago ko din pong kaibigan." Ang dagdag ko.

"I see, pero bakit ka naman niya binigyan ng stress ball?"

"Ah kasi po nakasabay ko siya sa jeep nang pauwi na 'ko, nakapagkwentuhan po kami and nalaman niya po na inaatake ako nerbiyos sa tuwing umuulan, tapos 'yun po binigay niya sa akin 'to." ang pagkukwento ko. "Alam niyo po sa tingin ko napakabuti niyang tao, ang gaan ng loob ko sa kanya, 'yung tipong pwede akong mag kwento sa kanya ng kahit ano." Ang dagdag ko at napansin ko na biglang nangiti si Dada L sa akin.

"Oh bakit ka bigla nangiti Dada?" ang tanong ko at umiling lang siya sa akin.

"Wala naman may naalala lang ako bigla. Sige na mabuti pa ay magbihis ka na muna at baka matuyuan ka pa ng pawis." Ang sabi ni Dada bilang tugon. "Siya ng apala tumawag sila mama at papa na baka pwedeng bisitahin natin sila mamaya, kaya maghanda ka na din mamaya ng susuotin mo na uniporme para bukas at doon na lang tayo magpapalipas ng gabi, tingin ko ay naghanda ng sila ng salusalo dahil pati si lola Lucy mo ay inimbita din nila." Ang dagdag pa nito.

"Eh teka po di ba nagluto ka na po?" at nangiti si Dada L nang nakakaloko, at ibig sabihin lang noon ay nagging disaster na naman ang pagluluto niya, at doon pa lang ay nagkaintindihan na agad kami. "Sige po Dada aakyat na po muna ako sa kwarto ko para makapagbihis." At niyakap ko muna siya bago ako dumiretso ng akyat.

Pagpasok ko ng aking kwarto ay inilagay ko ang aking bag sa upuan ng aking study corner, at pagkatapos ay inilagay ko ang stress ball sa ibabaw ng aking study table. Agad kong hinubad ang aking suot na polo at panloob na t-shirt, matapos hubadin ang mga ito ay inilagay ko ito sa basket malapit sa pinto ng banyo ng aking kwarto. Agad kong kinuha ang stress ball at nahiga sa aking kama, nang mga sandaling iyon ay hindi ko maiwasan na hindi isipin si Claude at hindi ko malaman kung bakit sa buong araw simula nang makita ko siya ay paulit-ulit na siyang naglalaro sa isipan ko.

Iniangat ko ang aking kamay na siyang may hawak sa stress ball at tinitigan ko iyon ng mabuti. At doon ko napansin na may nakasulat dito sa maliit ngunit mababasa pa din namang font. "When rain falls the sun will surely shine brighter after." Ang mga katagang nakasulat dito na binasa ko lamang sa aking isipan at muli ay naisip ko na naman si Claude ngunit sa pagkakataong 'yon ay naalala ko siya nang mga sandaling saluhin ko siya.

"Sh*t! Hindi pwede 'to." Ang bigla kong nasabi sabay bangon ng mabilis. "Hindi pwede, Nick Patrick kalma, nadadala ka lang ng mga nangyayari." Ang sabi ko bilang pagpigil sa aking sarili dahil iniisip ko na nang mga sandaling iyon na may gusto ako kay Claude, na hindi lang ako nagpadala sa agos ng ginawa nila Marty at iba pa naming kaklase na may gusto sa kanya.

Rain.Boys VIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon