Fog & Dew 17

100 15 2
                                    

En.Pi's Point of View:

Sumapit ang araw ng Linggo at tulad ng napagkasunduan ay una kaming nagkita ni Marty bilang sa bahay namin siya pupunta ksama sila Tito Von at Tita Chini. Maaga pa lang bago sila dumating ay naghain na sila Dada Luke at Dada Arwin ng almusal na pagsasaluhan namin. Nagkaroon ng kaunting kwentuhan at tawanan, at kahit paano ay masaya ako dahil mukhang okay na din si Marty na makita at makasama ako dahil nagagawa na niyang makipag-angasan sa akin na madalas naming gawin kapag pareho kaming nababagot.

Nang matapos kumain ay inaya ko si Marty sa labas ng bahay para makapag-usap kami at para makapag-usap na din ang mga magulang namin. Sa maliit na kubo sa garden kami tumambay ni Marty, opposite side kami naupo, at parehong nag-iiwasan ng tingin dahil hindi namin alam pareho kung sino ba sa amin ang unang magsasalita.

"May gusto akong sabihin sa'yo." ang sabay naming sabi at napakamot kami pareho ng aming ulo at napangisi sa isa't isa.

"Sige mauna ka na." ang sabi ko.

"Hindi, okay lang, ikaw na ang mauna." ang tugon naman niya.

"Hindi sige na okay lang, ikaw na ang mauna." ang pag-I-insist ko.

"Hindi sige na ikaw na mauna." ang pagpupumilit ko din, hanggang sa pareho na naman kaming matahimik.

"I'm sorry!" ang sabay naming sabi at nang sandaling 'yon ay hindi na namin nagawang pigilan ang aming sarili na hindi matawa.

"Pero seriously, sorry for being rude and such an *ss h*l*, I acted so immature na parang spoiled brat. Thinking that ako lang ang pwedeng maging partner ni Claude." ang seryosong sabi ni Marty. "Mom and dad noticed that we barely speak and see each other after ng incident kay Claude, I told them about what I feel for Claude and what you feel as well para sa kanya. Then that was the time they explained and tell story about my dad being in love with Tito Luke, how him and Tito Arwin, and the our other uncles compete for Tito Luke's heart. They all do it in a very sports manner, nirerespeto nila si Tito Luke, they show care and respect sa nararamdaman ni Tito Luke, they build a friendship out of that rivalry. That was when I realize na I already had a best friend na lagi din nandiyan sa tabi ko, never ako iniwan, doon ko na-realize how lonely life could be kung pareho kayong mawawala sa akin ni Claude. I mean whoever Claude chooses between us or sa iba pang nanliligaw sa kanya, there is one thing na hindi ko dapat hayaang mawala, and iyon ay 'yung pagkakaibigan natin." ang mahab niyang eksplenasyon, at to be honest I was moved by what he said.

"Thank you Marty, I am so happy na marinig 'yan. Gusto ko mag-sorry sa'yo, gusto ko na malaman mong hindi ko ginusto na magkagusto kay Claude, gusto kong malaman mo na hndi ko ginusto na maging magkaribal tayo sa iisang tao, alam mo how much I respect you, our friendship, pero Marty I fell in love with him and the more na pinipigilan ko na huwag mahulog sa kanya, the more na mas nahuhulog ako sa kanya." ang paliwanag ko at ngumiti si Marty sa akin.

"I know what you are saying, alam ko 'yung pakiramdam na 'yan, dahil sinubukan ko din na pigilan ang nararamdaman ko para kay Claude para lang hindi na tayo umabot sa punto na nag-away tayo, pero ang hirap dahil mahal mo 'yung tao, 'yun nga lang umiral ang pagka-spoiled brat ko." ang natatawa nitong sabi.

"So we are cool again? We are brothers again?" ang tanong ko sa kanya at nakangiti siyang tumango.

"Yes we are cool and we are brothers again." ang tugon niya at pagkatapos no'n ay ginawa namin ang brother code namin noong bata. Fist bump, apir, fist bump, pinky promise, fist bump, at pinagdikit namin ang thumb namin, para samin ang code na yun ay nangangahulugan na we will protect each other, we will be together through our highest and lowest moment, we promise to be together and be brothers until the very end.

Rain.Boys VIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon