Fog & Dew 13

122 13 1
                                    

En.Pi's Point of View:

"Isang Nick Patrick po, with rice!" ang napalakas na sabi ni Claude habang umoorder siya ng kakainin siya para sa lunch. Nakatayo kami noon malapit sa kanya upang hintayin na iabot sa amin ni nanay Melva ang inorder namin, at nang madinig namin iyon ay lahat kami ay napatingin sa kanya at napatulala.

Nang mga sandaling iyon gusto kong matuwa pero pinigilan ko ang aking sarili dahil alam ko na hindi din makakabuti sa amin ni Marty kung ikatuwa ko 'yon. Pero sila Mercury at Venus ay agad akong inasar dahil doon.

"Mukhang may nanalo na mga friend!" ang sabi ni Mercury.

"Sa true! Jupiter raise you're white flag na." ang pabiro namang sabi ni Venus.

Napatingin agad sa amin si Claude nang ma-realize niya ang sinabi niya, nakita namin kung gaano siya namula sa sobrang hiya. "Guys tama na 'yan nahihiya na si Claude." ang awat ko at napatingin ako kay Marty na halatang naiinis noon.

"Ano ka ba, be proud, kung ako ang inorder ni Claude magtatatalon ako." ang pabiro ni Jupiter na halatang gustong mas asarin si Marty.

"Guys sorry, wala akong ibig sabihin sa sinabi, ko it's just na-mix up ko lang mga iniisip ko kaya ko nasabi 'yon." ang pagdepensa ni Claude. Napansin naman nami ang pagngiti nila nanay Melva at tatay Canor dahil doon, halata kasi na nagiging defensive si Claude sa sandaling iyon.

"Ijo ano nga ulit order mo?" ang tanong sa akin ni tatay Canor.

"Ah isang calderatang manok po at kanin 'tay." ang tugon ko.

"Oh hon, isang calderetang manok na lang din ang ulam na ibigay mo dito kay Claude, para perfect pair ang pagkain nila." ang nakangiting sabi ni tatay Canor at mas nakita namin kung gaano namula si Claude.

Matapos 'yon ay halos hindi makatingin saming lahat si Claude habang siya ay kumakain, pakiramdam ko ay iniisip na niya nang mga sandaling 'yon na lamunin na lang siya ng lupa. "Okay ka lang ba? Huwag mo nang isipin ang nangyari kanina." ang sabi ko, at tumingin siya sa akin gamit lang ang mata niya at nanatiling nakaupo, sabay tango.

"Ano ka ba Moon, keri lang 'yan kung sa pagkakataon na 'to angat sa panlasa mo 'tong si Nick Patrick. Tsaka ikaw na din ang nagsabi na-mix up mo lang ang iniisip mo kanina, which is iniisip mo siya." ang nangingiting sabi ni Mars sabay higop ng softdrinks niya, at nakita na naman namin na mamula siya.

"Ano ba 'yan tama na nga 'yan hindi na makakain ng maayos 'yung tao asar pa kayo ng asar." ang sabi ni Marty na halatang inis pa din noon. Nagkatinginan na lang kami nila Jupiter at hinayaan na lang namin si Marty, at tsaka may punto din naman siya.

Matapos 'yon ay nagpaalam sa amin si Claude upang magbanyo, at bago pa makatayo sa upuan niya ay agad na nagsabi sila Mercury, Venus, at Mars na sasama sila dito dahil kailangan din nilang magbanyo. At ang sumunod na eksena naiwan kaming apat na manliligaw ni Claude, at wala kaming imik maliban na lang sa amin ni Jupiter na nagagawang makapag-usap kapag kailangan.

"Sabihin mo nga Nick Patrick, did you do something kay Claude noong doon siya tumuloy sa inyo, last night?" ang tanong sa akin ni Marty na para bang pinaparatangan ako sa kung paano niya sinabi 'yon.

"Ano ba 'yang sinasabi mo? Kilala mo naman ako. Tsaka ano naman ang pwede kong gawin sa kanya?" ang tugon ko at sumubo ako ng pagkain ko.

"I am not sure kung kilala nga talaga kita ng lubos. Hindi ko kasi ini-expect na kung sino pa 'yung itinuring ko nang kapatid siya pang isa sa magiging kaagaw ko." ang sabi ni Marty na hindi ko nagustuhan pero mas pinili ko na huwag na lamang magsalita.

"Bakit? Porke't best friends kayo, does it mean hindi kayo pwedeng magkagusto sa iisang tao? Alam ko this is your first time na magkagusto sa ibang tao, pero to stop someone na magkagusto sa taong gusto mo, medyo immature." ang biglang sabi ni Jupiter na parang pinagtatanggol niya ako.

Rain.Boys VIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon