Fog & Dew 18

104 10 4
                                    

Claude's Point of View:

Kami na lang noon ang kulang nang dumating kami sa meeting place, agad naman kaming humingi ng pasensiya sa pagkahuli namin na agad naman na nilang naunawaan. Humingi si Marty ng paumanhin sa lahat ng naroon dahil sa inasal niya sa lahat noong mga nagdaang araw, at agad naman namin siyang naunawaan. Agad ko din na ipinakilala sa kanila ang pinsan kong si Tadeo, at nakakatuwang makita na ang taong minsan mong hindi makasundo ay isa na sa malalapit mong kaibigan.

Matapos ang sandaling pagkukwentuhan ay nagpasya na din kaming lahat na umalis, at sa totoo lang ay sobrang sabik ako na makapunta sa sinasabi ni Jupiter na shop ng mga stuffed toys. Isip bata mang tignan pero mayroon talagang puwang sa akin ang laruan na tulad no'n. Dahil dala nila Jupiter at Inno ang kanilang mga sasakyan ay hindi na kami nag-commute pa, kay Jupiter sumabay ang sailor warriors habang kami naman nila Marty, Nick Patrick, at Tadeo ay kay Inno.

"Welcome guys sa store ng kuya ng kaibigan ko, The Cuddle Stuff!" ang masayang sabi ni Jupiter pagbaba pa lang namin ng sasakyan.

"'Yung totoo Jupiter, magkano ang bayad sa'yo sa endorsement nitong store na 'to?" ang pabirong tanong ni Mercury.

"At sigurado ka bang thrift shop & cafe 'to? Mukha kasing pang maharlika, tignan mo na lang sa banda do'n ang gaganda ng mga different colored roses, perfect para sa ganda ko." ang sabi ni Venus sabay pose na tila isang modelo at hindi din namin naiwasan na hindi matawa.

"Mga baliw, walang bayad at endorsement 'to, halika na pasok na tayo sa loob, ipapakilala ko kayo sa kaibigan ko at kung sakaling nandiyan 'yung owner introduce ko na din kayo para may discount kayo 'pag naisipan niyong bumili dito." ang sabi ni Jupiter at agad kaming sumang-ayon. Medyo malayo ang shop sa kalsada, kailangan mo muna maglakad sa tila French or British garden set-up na talaga namang hindi mo iisiping thrift shop ang store na 'yon, may foountain, naggagandahang mga bulaklak at halaman, mga statues din.

Sa pagpasok namin sa store ay mas namangha pa kami, para kang pumasok sa isang pang elitista na store, at dinig mo din 'yung nakakalmang classical music na tumtugtog. "Sigurado ka bang thrift shop 'to Jupiter?" ang tanong ko dahil sobra na akong namangha sa ginastos ng may-ari sa store na ito.

"Yes, sigurado ako. Huwag niyong pansinin 'yung grandiyosong exterior at interior dahil sadyang perfectionist 'lang slash artist slash magastos 'yung may-ari ng store." ang nakangiting sabi ni Jupiter.

"Nadinig ko 'yang sabi mo ha. Grabe ka naman sa pag-describe sa akin." ang nakangiting sabi ng lalaki na pababa noon sa maala Victorian style na hagdanan.

"Ha-ha-ha biro lang kuya Anthony." ang natatawang sabi ni Jupiter.

"Naku, ikaw talaga. Oh teka sila na ba ang sinasabi mo sa kapatid ko na bisita ng store ko today?" ang masayang tanong nito.

"Yup sila na nga, guys meet kuya Anthony, ang may-ari ng store na ito." ang pagpapakilala ni Jupiter dito at ipinakilala din niya kami dito pagkatapos.

"Nice to meet you all guys, isang karangalan na mabisita niyo ang aking shop, especially sa cute niyong kasama na si Claude." ang sabi ni Anthony at parang mas mabilis pa sa hangin sila Marty, Nick Patrick, Inno at Jupiter na humarang sa harapan ko.

"Kuya Anthony, hindi pwede. Bisita lang ng store si Claude." ang sabi ni Jupiter at isang malakas na tawa ang nadinig ko mula kay kuya Anthony.

"Ha-ha-ha mga pasaway, na-appreciate ko lang naman si Claude. Anyway pumunta muna kayo sa cafe lobby hayaan niyong ipagpahanda ko muna kayo ng maiinom at makakain bago kayo tumingin sa mga stuffed toys na tinda ko kailangan ko din kasi malaman kung papasa ba ang food and beverage na ino-offer ng store ko.

Rain.Boys VIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon