Blair's POV
Mayamaya ay salo ko na yung mukha ko dahil sinuntok nya ko ng walang pag aalinlangan! Ouch! Bakit sya ganito kasadista!???
"Blair????" hilakbot na tanong nya at inalis nya yung pagkakasapo ko sa mukha ko.
"Haist! Bakit mo ko sinuntok?" reklamo ko at muli kong hinimas yung parteng sinuntok nya.
Hindi nya ko sinagot imbis ay napalinga sya sa paligid.
"Gago ka nasan tayo?????? Saan mo ko dinala??" panic at galit na galit nyang tanong sa akin. Hindi ko na malaman yung uunahin ko sa totoo lang kung pananakit ba ng mukha ko o itong pananakit ng mga tenga ko sa tinis ng pagsigaw nya sa akin.
Napababa sya ng sasakayan kaya pati ako ay napababa na din. Nagulat ako ng bigla nyang dakutin yung kohelyo ng damit ko. Napalunok ako sa takot dahil parang papatayin nya ko.
Hayop ka Callen! Pinagplanuhan nila 'to!
"A-Ano...listen to me first please?" tatamaan ulit ako at hindi prediction iyon dahil mangyayare talaga any moment!
Naningkit ang mga mata nyang nakatingin sa akin at nagngangalit ang ngipin nya sa pagpipigil ng galit.
"Callen and Kaia called me na magpapasundo ka kaya nagpunta ako dahil hindi daw available si Yuji tapos binigay nya yung susi kotse nya dahil nasa pagawaan yung dati kong kotse." feeling ko hindi ako humihinga ng ipaliwanag ko sa kanya iyan dahil namimilog na yung mga kamay nya sa pagkakadakot.
"Hindi ko namalayan na nandyan ka pala sa likod." dugtong ko pa na lalong kinaningkit ng mga mata nya. Jusko!
"Umayos ka... ayoko ng sinungaling." mariin nyang sabi kaya napalunok ako.
"N-never akong nagsinungaling sayo." sagot ko pero laking gulat ko ng palipitin nya ang mga braso ko at namalayan ko na lang na nakadikdik na yung pagmumukha ko sa salamin ng kotse habang mariin ang pagkakahawak nya sa braso ko sa likod ko at dakot nya yung batok ko mula sa likuran ko.
"Y-Yves huminahon ka please.... Hindi talaga ako nagsisinungaling sayo..." pagmamakaawa ko dahil napakasama talaga ng galit nya ngayon sa akin.
"Inulit ulit pa! Kalkalin mong maigi yang utak mo kung saang part ka nagsinungaling sa akin! Kapag wala kang nasabi sinasabi ko sayo malilintikan ka!" banta nya.
Jusko ang hirap naman nun???
"Huh? Anong aaminin ko?" ouch!
"Blair napakasinungaling mo!" galit na galit nyang sinigaw sa akin yan. Jusko po!
"W-Wala talaga akong maalala..." saad ko at parang masusuka na ko sa sakit! Wala talaga akong maalala! Saka never naman akong nambabae habang hinihintay ko na maging pwede ng lumapit sa kanya.
Binitawan nga nya ko pero hindi naman nya tinantanan ng pitik yung tenga ko. Kada tatakpan ng kamay ko iyon doon naman tumatama yung pagpitik nya. Ang sakit!
"Hindi mo din sinabi sa akin na sumali ka din sa fraternity nina Dada! Ibang klase!!!! Patong patong na talaga! Ngayon palang sabihin mo na lahat ng pinaggagawa mo sa likod ko!!!" gigil na gigil nya paratang sa akin. Kaya no choice na ko dahil naiinis na din ako dahil hindi ko na din malaman kung saan nga ba ako nagsinungaling sa kanya kaya yinakap ko sya habang nadala ko yung dalawang kamay nya sa bandang likod nya para hindi sya makagalaw! Ang kulit naman din kase sa hindi naman talaga ako nagsisinungaling sa kanya! Para din syang si Dada! Maipilit kahit hindi naman talaga!
Parang may nagdaang malamig na hangin ng marealize ko itong ginawa ko at maging sya ay natigilan. Walang umiimik sa amin at maging yung sariling paglunok ko ng dahan- dahan ay rinig na rinig ko. Tinatantya ko sya habang yakap ko sya sa bisig ko. Napatulos talaga din sya kagaya ko. Nawalan ng lakas ang mga kamay nya habang hawak ko.