Yves's POV
Napalunok ako at alangang napangiti kay Dada. Napangiwi ako ng tumalim yung tingin nya sa akin.
"B-Babe yung title ng movie na pinapahulaan mo Blair..." nasabi ko na lang at napalobo ang mga pisngi ni Blair sa nerbyos at pagpipigil ng tawa. Hayop napakahirap lusutan dahil kilala ko si Dada. Parang abugado yan kagaya ni Mommy.
Lalong naningkit ang mga mata ni Dada sa akin at sinenyasan nya kong maupo sa tabi nya. Bakit kase hindi sya nagtext man lang na nandito si Dada?
"Babe?" sarcastic na saad ni Dada sa akin at napahalukipkip sya ng mga braso nya. Napatingin sya kay Blair na syang parang kinatigil ng paghinga nito sa way ng titig ni Dada sa kanya. Jusko po!
"Ibili mo ko ng kape malapit dito sa Santillan Empire tapos magkape ka din habang nagbubulay bulay. Ang dami nyong kalokohan." At wala sa oras na napatayo si Blair at napatango bago nagmamadaling lumabas ng opisina ko.
"Da... bakit nyo binubully yung tao..." muryot ko.
"Babe the movie ang title huh? Sinagot mo na? Ni hindi ko man lang nakita ang anino ng telepandas na yun sa bahay natin at formal syang nanligaw sayo tapos makatawag ka ng Babe? Samantalang dati eh wala ka namang pakialam sa kanya... aba! level up! pinagtatanggol na...." muryot pabalik ni Dada sa akin. Napangiwi ako. Ang dami na nyang sinabi.
Mayamaya ay may naalala akong kwento nina Mamita sa akin.
"Kayo din po ni Mommy dati... sabi ni Mamita ay nagtatawagan din kayo ng Irog at Misis eh nagliligawan pa din kayo nun..." reasoned out ko at sana nga jusko po! Sana makalusot na ko.
"Jusmiyo! Nahihilo ako sayong bata ka! Yung altaprisyon ko..." nakapikit na mariing saad ni Dada habang hilot nya ang batok nya. Kunsume yata ang tawag sa emosyong bumabalot ngayon sa buong mukha nya kaya napangiwi ako.
"Nagawa pang sumagot..." anas ni Dada at nagpipigil na ko ng tawa. Mayamaya ay bumukas yung pintuan at pumasok si Mommy. Humalik sya sa pisngi ko bago kay Dada. Pinisil ni Dada ang magkabilang pisngi ko at pinanggigilan.
"Napakacute mo talaga! Ang lakas mong makagigil!" napatawa ako dahil ibang gigil yung pinapakita ng mukha ni Dada bago nya binitawan yung pisngi ko.
"What happened?" tanong ni Mommy.
"Yves called Blair, Babe!" sumbong ni Dada at napatingin sa akin si Mommy at ng magfrown sya ay yinakap ko na sya agad. Doble kayod na paglalambing ito!
"Sinagot mo na????" at ayan na yung mahihiwagang pangungurot ni Mommy sa akin. Natatawa akong napapadaing sa mga kurot nya at pinipigilan sya.
"Mommy wait! Ouchhh! Ang OA lang po ni Dada! Hear me first----" natatawang salag ko sa mga kurot ni Mommy. Ang ninipis ng kurot nya kaya ang hapdi!
"Ako pang OA ngayon, Ms. Arcelo??" gatong pa ni Dada na syang pagdagdag ng inis ni Mommy. Sana hindi pumasok si Yuji dito dahil nakalakas manggatong ng kapatid kong yun!
"You promised! Aakyat ng ligaw sa bahay di ba?? Yves! Nakakapika kang bata ka!" at natatawa ako dahil salo na ni Mommy yung magkabilang pisngi ko habang inis na sinasabi nya sa akin yan.
"Hindi pa nga po sinasagot..." napapangiting sagot ko kay Mommy at napatingin sya kay Dada na akala mo nalugi.
Mahinang tinapik tapik ni Mommy yung mukha ko na wari bang ginigising ako kaya lalo akong napangiti dahil ang cute ni Mommy habang ginagawa ito.
"Maria Yves! Umayos ka nga..... Anak makinig kay Mommy..." pakiusap ni Mommy at ngumuso ako at pinilit kong mahalikan sya sa pisngi. "Nagkakatotoo na yatang lahat ng sinabi sa akin ng Abuela mo...."