Yves's POV
Maganda yung sikat ng araw ngayong umaga at maaliwalas ang paligid habang ang lahat ng pulang rosas na tanim ko dito sa South Maige ay sumasaliw sa banaag na ihip ng hangin.
Buhat ko sa mga bisig ko si Sandro. Maganda daw sa baby itong sinag ng araw sa umaga kaya naisipan kong magbilad kami ngayon.
Napangiti ako sa kanya habang nasa bibig nya ang isang kamao nya. He smell so nice. Ang gwapo ng pamangkin ko. Mata ni Yuji ang namana nya at karamihan ay kay Maddy.
"Yves..." tawag sa akin ng kapatid ko mula sa balkunahe sa second floor. Napatayo ako habang buhat ko ang anak nya.
"Tawag ka na ni Daddy..." masayang kausap ko sa pamangkin ko.
Bago ako magtuloy sa silid nila ni Sandro ay sinilip ko si Blair sa kwarto namin. Kadadating lang din kase nya kaninang madaling araw galing US. Sobra ang pagod nya sa biyahe kaya hindi ko na muna sya ginigising.
Nagtuloy ako sa kwarto nina Yuji. Busy ang kapatid ko sa pag aayos ng gamit nilang mag ama. Hindi pa sya magkanda ugaga sa kung anong uunahin na ilalagay sa bag ng mga bote at gatas. Maingat kong binaba sa ibabaw ng kama si Sandro at nilagyan ko ng harang na unan ang paligid nito.
"Ayusin mo na lang yung mga damit nyong mag ama.... ako na dito." saad ko at inagaw ko sa kanya yung ginagawa nya.
"Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala kayo nina Mommy..." saad nya habang naglalagay ng damit nila sa bag.
"Magtutulungan tayo hindi ba? Pamilya tayo Yuji." sabi ko at mabilis kong natapos yung pag aayos ng mga gatas ni Sandro sa bag.
Lumapit ako sa damit na napili nya para sa susuotin ng anak nya ngayon at ako na ang nagpalit ng damit dito.
"Yuji yung red rose na dadalhin mo." paalala ko at nagmamadali syang lumabas. Sira talaga at ngayon lang sya pipitas. Mayamaya ay nandito na sina Mommy para sunduin sila.
"Magpabibo ka kina Lolo at Lola mo huh? Be a good boy Sandro." kausap ko sa pamangkin ko at hinalikan sya sa pisngi nya.
Paparating kase ang mga magulang ni Maddy at sa bahay sila kakain. Kami naman ni Blair ay susunod na lang. Sobra pagod kase ng asawa ko recently sa mga out of the country meeting nila ng Kuya nya. Tinutulungan nya kase ito kahit papaano sa negosyo nila.
Mayamaya ay humahangos na pumasok ulit ang kapatid ko dala ang tatlong stem ng red rose. Halata sa mga mata nya yung pagod sa lahat.
Napatingin sya sa akin after kong mabihisan si Sandro.
"Thank you." turan nya at ilang saglit ay napangiti sya sa akin. Ngayon ko lang napansin ang pangingitim ng ilalim ng mga mata nya marahil sa puyat nya sa pagpapatulog dito kay Sandro.
Napangiti ako at tinaasan ko sya ng isang kilay.
"Nothing to thank you.... you know how much I love you my brother." nakangiting saad ko sa kanya.
Habang buhat kong muli si Sandro habang pinapanuod ko si Yuji sa pag aalis ng mga tinik sa stem nito.
"Maghoneymoon tour na kayo ni Blair..." udyok ni Yuji sa akin. Madalas nya kase syang mag sorry sa akin recently dahil hindi daw ako nakakasama na sa asawa ko dahil sa pag aasikaso ko sa kanilang mag ama kapag hindi available sina Dada.
"Baka after na ng project nila ni Jethro..." saad ko habang nakatingin ako sa mukha ni Sandro.
"Kuya mo yun bakit hindi mo sya tinatawag na kuya...." turan nya.
"Nahihiya ako.... saka tuwang tuwa naman sya sa first name basis eh...." sabi ko na kinatawa nya.
Dumating na nga sina Dada para sundiin itong mag ama. Si Mommy na ang nagbuhat kay Sandro at sa backseat sila pumwesto. Si Dada na ang nagdrive dahil halatadong wala pang tulog si Yuji. Panay ang paalala nya sa akin na sumunod kami kaagad ni Blair.