Blair's POV
Habang nasa kusina sila Dada at Tita Andrea, ako naman ay nandito sa salas habang kaharap ko yung mga lola ni Yves.
"Tell me about yourself young lady...tell us about your family..." paumpisa nung Abuela ni Yves. Napalunok ako bago pormal na dumeretso ng tingin sa kanila.
Yung mga lola nya kahit hindi pa nagsasalita eh nakakatakot na sa totoo lang. Heto pa naman yung ayokong ikwento. Di bale yung konting part lang.
"Bunsong anak po ako ng mga magulang ko at may kuya po ako na syang nagtatrabaho po para sa pamilya namin. His name is Blaize. Lumaki po kami sa isang rancho sa Oregon. Kaya po kumuha po ako ng industrial engineering para po kahit papaano ay maimprove po yung process namin sa dairy industry namin doon." kwento ko. Hindi ko tuloy malaman kung papayagan nila ako balang araw kay Yves.
Mayamaya ay may iniabot sya sa akin na folder at pagbukas ko doon ay napangiwi ako dahil nandito lahat yung buong information ko at ng pamilya ko. Sina Daddy, Mommy at Kuya ang nakapaloob doon sa report. Block 'to sa pagkakaalam ko.
Alanganin akong napangiti sa kanila.
"H-hindi naman po kayo galit?" tanong ko
Kahit pagngiti eh napaka elegante nitong abuela nya.
"No. You doing exactly what I want. Yung Dada ni Yves eh ganyan din ang ginawa. Kung talagang mahal mo yung apo ko, all you need to do is to wait for her until she become succesful. Is that clear?" tanong sa akin ni Abuela na diretso sa mga mata ko.
"Makakaasa po kayo. Yun din po ang plano ko ang hintayin po si Yves na matupad nya ang pangarap nya bago ko po tangkain na makapasok sa buhay po ng apo nyo." at ngumiti ako sa kanila na may assurance. May isang salita akong pinanghahawakan at hindi ko binibigo ang mga taong nasa paligid ko.
"Balita ko pinahihirapan ka nina Gale.." saad nung Baba ni Yves. Napakamot ako sa gilid ng kilay ko bago ako sumagot.
"M-medyo po pero kailangan ko pong paghirapan yung mga trust po nila dahil para kay Yves naman po yung ginagawa nila." sabi ko at parang lumundag yung puso ko ng napangiti sila sa akin.
"Wala tayong magiging problema basta hindi masasagasaan yung pangarap ni Yves at yung tiwala namin..." sabi ni Abuela.
"Wala po kayong magiging problema sa akin...." assurance ko sa kanila. "Hindi nyo naman po sasabihin kay Yves itong mga nalaman nyo sa akin?" I need timing for everything. Gusto ko sanang sabihin pa.
"No..We wouldn't..." saad ng Abuela nya na kinahinga ko ng maluwag.
......
Hindi ko alam kung paano ako nakasurvive sa dinner na 'to dahil sobrang intoregation yung inabot ko sa mga Lola nya. Si Tita Andy ay natatawa lang habang pinapanuod ako. And she keep mouthing on me to relax. Marahil mukha na kong nanghihingi ng dextrose sa lagay ng pamumutla ko.
"Madami pang magbabago at mahaba pa ang panahon ng paghihintay mo hija...If you change your mind during that years don't hesitate to follow your heart at wag mo ng iconsider itong pag uusap natin. At kung nakayanan mo naman at hindi pa din nagbabago yang nasa puso mo...mag uusap tayo ng formal." sabi ni Baba sa akin dahil papauwi na ko.
Nakaharap ako sa kanilang lahat dito sa may gate nila. Nakakahiya at hinatid pa ko dito malapit sa pinagparadahan ng kotse ko. Napatingin nga si Abuela at Tita Andy sa kotse ko na mahiya mo gamit ng mga action star kapag hinahabol ng kalaban at sa bandang huli eh pinapasabog! Napangiti sila sa akin.
"I will keep that in mind....Kapag balik ko po dito kayo po ang unang kakausapin ko Mrs. Espinosa." nakangiti at magalang kong sabi sa kanila.
Mabuti naman kase ang hangarin ko para sa apo nila kaya malakas ang loob kong humarap sa kanila ng ganito.