Yves's POV
Bida bida ang hinayupak! Kung hindi pa ko inaya ni Blair na lumabas doon sa isang maliit na cabin ay binunot ko na isa isa yung pilik mata ng batang yun!
Ngayon ay nakaupo kami sa isang bench na kahoy kung saan tanaw yung buong taniman ng strawberry at may mga naghaharvest, ang ginawa ko ay sinandal ko ang ulo ko kay Blair. Lagi ako ang pinagtitripan ng batang yun! Panay panay segway ng panlalait hayop eh! Wala syang ganda noh! Tatlong magagandang angkan ang nanalaytay sa dugo ko! Burado na ang mukha nya kung ipangsasampal ko sa kanya ang lahat ng iyon!
Napabuntong hininga ako at pilit pinapakalma ko ang sarili ko.
Hindi na ganun kalamig ang panahon kumpara noong dumating kami dito.
"Nababagot ka na ba?" nag aalalang tanong nya habang hawak nya yung isang kamay ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko bakit sobrang clingy ko na sa kanya at nagpapanic ako kapag hindi ko sya nakikita.
"Hindi, gusto ko nga dito. Tahimik maliban doon sa parrot." saad ko at napatawa sya.
"Mabait naman si Reeve. Ganoon lang yun sa mga unang beses nyang nakikilala." saad nya.
Eh di! Santo na yung hayop na yun kung mabait iyon?!
Yung gusto kong mambara pero wag na lang!
Hindi na ko kumibo. Maaway ko lang sya kapag nagtuloy tuloy itong pag uusap namin.
"Alam ko na, magtravel kaya tayo. Let's visit the places you want to go." masayang suggestion nya at parang gusto ko yung idea na yun. "O kaya try nating hanapin yung mga lugar na naging setting sa mga libro or movies?"
"Hati tayo sa gagastusin, settled ito." saad ko. Ayokong sya lahat ang gagastos.
"No." tugon nya na kinaangat ng ulo ko mula sa balikat nya.
"Anong No? Hindi pwede! Hati tayo! Kung ayaw mo? Magbiyahe ka mag isa mo." reklamo ko.
Natatawa syang nakatingin sa akin.
"Ako ang nag aya sayo na magtravel...." at hindi ko na sya pinatapos.
"And we are married. We should share in things na pagmamay ari ng bawat isa sa atin including expenses." reasoned out ko. Mag asawa na kami at dapat hati kami sa lahat. Magkatuwang sa lahat ng bagay. Gaya nina Mommy at Dada.
Napabuntong hininga sya.
"Okay. Hati tayo sa expenses." pagsusuko nya na kinangiti ko.
Napatingin ako sa mga naghaharvest at saka ako Napatingin sa kanya ng suotan nya ko ng sumbrero.
"Pwede mong subukan ang magharvest." ngiting saad nya habang inaayos nya yung sumbrero ko.
"Baka makasira ako ng mga bunga... mareject lahat." bulong ko.
"Hindi yan. Kung masira, we will make strawberry jam." nakangiting sabi nya bago humalik sa pisngi ko.
"Let's go, Mrs. Trevino." nakangiting aya nya.
Napatango ako sa excitement.
Callen's POV
"Dito ba dadaan yun?" tanong ni Kaia sa akin habang nakaantabay kami sa mapunong entrada ng rancho ni Aquaman.
"Oo. Sabi nina Dada at Ninang Yvie ay garotehin natin at huwag natin papatungtungin sa bahay nina Ate Yves para hindi nya makausap si Ate." saad ko.
Natatawa ako sa itsura ni Ishan dahil sya ang patibong namin. Nasa kabilang bahagi naman si Riyon at sobrang walang buhay na naman ng mga mata nya. Ayaw nya kase ng idea na si Ishan ang nakatayo doon.