1

8.7K 231 33
                                    

Yves's POV

Nag uunahan kami ni Yuji na makatakbo sa main door pagkababang pagkababa namin ng sasakyan. Yung itsura ni Dada ay parang mas napagod sya sa amin kaysa sa maghapong trabaho nya sa office.

"Ano ba Yves!" hila nya sa bag ko. Dapat mauna ako kay Mommy na makakiss sa pisngi nya dahil kapag si Yuji ay magkabilang pisngi ni Mommy ang hahalikan nya. Ganid!

"Uso ang pagiging maginoo sa Pilipinas Yuji! Wag kang balasubas!" sigaw ko at pinitik ko sya sa noo nya kaya nauna akong nakatakbong pumasok ng bahay namin. Agad kong yinakap si Mommy at hinalikan sya sa pisngi kaya natigilan sya sa pag aayos ng hapag kainan namin dahil nagluto sya ng miryenda naming magkapatid.Mas gusto ko talaga dito sa bahay. Nakakarelax kapag nasa paligid sila ni Dada.

Natigilan kami ng pumasok si Yuji.

"Mommy! Sobrang namiss po kita! Inspirasyon po talaga kita habang nag eexam kami kanina!" madramang entrada ng kambal ko habang may tangan syang pulang rosas kaya napaikot sa ere ang mga mata ko sa sipsip na 'to! May papabili talaga 'to eh!

"Kapal! Nangopya ka lang sa akin kanina..." sabi ko at muli akong humalik sa pisngi ni Mommy bago nagpaalam na magpapalit lang ng pambahay bago kumain ng miryenda.

Heto yung daily routine namin sa bahay...ang pakalmahin si Yuji!

Sa labas ng bahay namin mukha kaming kagalang galang at matinong magkapatid pero kapag nandito sa bahay? Natutulala na lang sina Dada sa kaguluhan naming magkapatid. Napakagulo ng bahay dahil sa amin.

Ayaw kaseng magpatalo ni Yuji!

Pero para sa akin kami yung pinakamasayang pamilya sa mundo though parehong babae yung mga magulang namin ni Yuji eh hindi nila pinaramdam sa amin na hindi kami nalalayo sa normal standard na pamilya na kino-consist ng particiption ng nanay , tatay at mga anak. Hindi naman kase ganun ang katumbas ng salitang pamilya. For us, as long as it is bounded by love, comfort and trust with each other....that's what you called family.

Naalala ko dati noong elementary days namin ni Yuji sa Madrid ay tig-dalawang dedication card yung hiningi namin sa teacher namin.

"Can we have two cards for each of us?" I asked to my teacher and I pointed Yuji who silently standing beside me. Today is Mother's day.

"Why?" she asked back but she's not mad.

"Because we have two Moms." I said bravely. Her eyes look directly to me with admiration na syang kinataka ko. And then she gave to us what we requested.

After nun ay nagkagulo na yung mga classmates namin dahil gusto din nila dalawa din yung sa kanila para sa mga lola naman nila pero hindi sila napagbigyan ni Teacher. That night nung binigay namin ni Yuji kina Mommy yun. They cried. Yuji and I felt guilty that moment they are crying. But when Dada hugged us and whispering how much she love us and how she's proud of us eh hindi nila alam na mas doble yung pagkaproud namin sa kanila at yung pagmamahal namin ni Yuji sa kanila.

.........

Kinabukasan ay training ko sa Archery sa school. Malapit na kasing mag open season and when Tita Shann knew that niregaluhan nya ko ng magandang bow. Pipilitin kong makarating sa finals para may dahilan sina Ninang Gale at Tita Hunter na magbakasyon dito sa Pilipinas kasama si Kaia at Thunder.

Habang nagsusuot kami ng mga equipment namin sa katawan ay nagsasalita si Coach sa amin. I'm about to put my bracer in my arm when he said this...

"During game season....sex is ban! Occuring sex during this game season will kick out in my team...understand Arcelo?" seryosong saad nya kaya natigilan ako.

Dating Mrs. Arcelo's Daughter (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon