Yvie's POV
Napaayos ng tayo si Yves habang akbay ko sya ng makatapat kami sa tiyahin ni Blair. Sabi ng anak ko ay ito daw ang Vice President ng company nina Blair.
"Tita sya po si Tita Yvie." pakilala sa akin ni Blair sa Tita nya. I'm good in observing people kaya nahalata ko yung pagkislot ng mga mata nya sa pagkarinig sa pangalan ko.
"Tita Esther, Dada ko po." pakilala ni Yves sa akin ng makatayo ito mula sa pagkakaupo. Napangiti ito sa akin bago nilahad yung kaliwang kamay nya. Kaliwete sya?
Tinanggap ko iyon at nagtaka ako dahil ang lamig ng kamay nya.
Naupo si Blair sa tabi ng Tita nya at pinausod ko ng upo ang anak ko papalapit pa sa akin. Napatingin sa akin si Leo at alam na nya yung pagkain na ihahain sa amin.
Nagkukwentuhan sila at tahimik akong nakikinig habang katext ko si Andy para i- inform sya na magkasama na kami ni Yves. Panay ang bilin nya sa akin regarding sa dalawa. Napangiti ako dahil parang 6years old pa din ang mga anak namin sa dami ng bilin nyang 'to.
Mayamaya ay may humawak sa balikat ko at nag angat ako ng tingin ng makita ko itong ka-brad namin ni Cy sa frat at binati din si Blair. Attorney sya ng samahan namin at maging yung panganay ni Roian ay attorney din namin. Kaya hindi kami nagkakaaberya sa mga demanda o legal cases namin.
"Akala ko hindi ka marunong magbakasyon Arcelo." saad nito sa akin. Napangiti ako sa kanya.
"Umattend ka din ng meeting paminsan minsan." ngisi ko at napatawa sya bago nagpaalam. Sinabihan nya din si Yves na may pasalubong sa kanya yung anak nya.
Mayamaya ay dumating na din si Leo at pinaserved na nya yung mga pagkain. Lahat ng ito ay paborito ni Yves.
Inalis ko yung ilang carrots doon sa pagkain nya at nilagay ko sa plato ko. Napatingin akokay Blair dahil nanunuod sya habang ginagawa kong iyon. May kasalanan pa sya sa akin at guilty sya dahil napalunok pa sya ng mapatingin ako. Napabaling ako ng tingin sa Tita nya na nakatingin din sa akin bago alanganing napangiti sa akin. Pamilyar sya sa akin at hindi ko alam kung saan ba kami nagkita dati.
Parang close nga din sila ng anak ko dahil kampante si Yves na makipagkwentuhan sa kanya.
Napababa ang tingin ko sa kamay nyang may tangan na kutsara. Parang may pumitik na bombilya sa ulo ko ng makita ko yung bagay na iyon sa likod ng mga kamay nya. That mark!
Parang nagsibalikan lahat ng memorya sa isip ko habang nakatitig ako sa peklat sa kamay nya. Hindi ako pwedeng magkamali. Iyon ang marka naming magkakaibigan na binibigay namin sa ibang tao.
Pasimple nyang binitawan ang mga kubyertos na hawak nya at itinago ang mga kamay nya sa may binti nya. Hindi nya kayang salubungin ang mga titig ko ngayon.
Nakapiring sya noon pero alam ko na alam nya ang pangalan at apelyido ko dahil paulit ulit iyon na binibigkas ng kapatid nya noong gabing iyon. Aware sya dahil pangalan ko lang ang tanging binibigkas ni Lucian.
Parang nawalan ng kulay ang paligid ko. Parang may nakalutang na galit sa sistema ko. Parang questionable na tuloy itong unang paglapit nila sa amin.
Guilt? Wala akong maramdaman. Ginawa ko ang tama dahil gahibla ng muntik mamatay si Yuji sa kamay ng kapatid nya. Sobrang kapit na kapit sa sitwasyon si Hunter ng makuha nya si Yuji.
At yung trauma ni Yuji na dala nya hanggang ngayon ay napakasakit sa aming mag asawa na makitang kasama niya iyon hanggang sa lumaki sya. At kapag naabutan namin sya sa malalim na gabi ay binabangungot sya dahil doon. Sinong magulang ang hindi magagalit dahil doon? Kung sa akin lang hindi ko sya lulubayan hanggang sya na mismo sa sarili nya ang tumapos sa buhay nya pero hindi ko nagawa dahil sa pakiusap ng mga kaibigan ko at ng mga biyenan ko.