Yves's POV
Nanginginig ang mga kamay ni Yuji habang hawak nya ang isang palakol at pinagmamasdan nya yung buong warehouse na kinatatayuan namin.
Dito yun.
Hetong lugar na 'to yung muntikan ng sumira ng pamilya namin. Dito halos panawan ng ulirat ang kapatid ko sa takot na baka sya ay mapatay at muntikan na syang babuyin ng mga tauhan nya.
Nakatitig sa kanya ang taong pinagkatiwalaan ni Mommy. Yung tinuring nyang bestfriend.
Napangisi ako ng napatingin sya sa akin. Nilabas ko yung swiss knife ni Dada. Kinuha ko ito kay Yuji nitong nakaraang araw.
Gusto nya ng ulitan kami ng sakitan? so be it!
Nakaabang na sina Kaia sa paligid.
Mayamaya ay napaluhod ito dahil sa sakit! Napalingon ako sa pinagmulan nung arrow!
Anong ginagawa ng batang 'to dito???
"Arthy??" sigaw ko.
Masasakal kami nina Tita Hunter dahil sa kanya eh! Napatingin ako sa gawi ng pwesto ni Kaia. Gago! Bakit dinala pa nya yung kapatid nya dito???
Kaswal itong naglakad papalapit kay Anderson at walang alinlangan na hinugot yung arrow na nakatarak sa binti nito.
Walang buhay na napatingin ito kay Anderson at saka nya ito tinadyakan na syang kinasadlak ng mukha nito sa sahig.
Napatingin ito sa itaas kung saan nakadungaw sa amin si Kaia at nasa tabi nito si Ishan.
"Ang bagal." malamyang saad nito sa hangin.
Napatingin sya sa amin at sobrang lalim ng pagkaitim ng mga mata nya gaya ng kay Ninang Gale at Kaia. Ipinatong nya ang kanang paa nya sa pisngi ni Anderson at diniinan ang pagkakayapak dito."Hindi nyo kayang manakit? Sinaktan kayo nito." pauyam na tanong nya sa amin ni Yuji. Habang pinagmamasdan ko sya ay hindi ko matantya kung kay Ninang Gale ba o kay Tita Hunter ba sya nagmana?
Parang ako yung konti na lang yung nakakapit na pasensya ko at ibig ko ng magwala.
"Don't be like that. You are both Arcelo. Hindi tayo pinalaki ng mga magulang natin na ganyan kahina." turan pa nya.
Natigilan ako sa sinabi nya.
"What the hell is your problem Arthy?" walang buhay kong tanong at napangisi sya.
"Blair and Maddison. They make you weak guys. Napapaikot nila kayo sa mga palad nila." napayukod si Arthy kay Anderson. "Tell them.... inutusan mo yung dalawang iyon nitong nakaraan na gumawa ng paraan para makalapit ka sa kambal di ba?"
Nagkatinginan kami ni Yuji. Do they betray us again? Hindi ako makahinga dahil doon. They said they choose us!
"Hindi kayo nagtataka kung bakit nakapasok ito sa vacinity ng Santillan Residency? Lalo na sa bahay ng mga Arcelo?" Nagtatakang tanong sa amin ni Arthy.
Parang nanghina kami at parang ayoko ng marinig pa yung susunod na sasabihin ni Arthy. Arthy never lie. We know him!
"We hate lies. Liars don't have any space in our family right?" Seryosong tanong ulit ni Arthy at nangigigil nyang yakap ang mukha ni Anderson.
"Pakawalan mo sya Art..." turan ni Kaia na kinatingin sa kanya ng kapatid nya.
"Napaka- KJ ate! Mas maganda talagang kasama si Ate Callen!" reklamo pa nya bago pakawalan si Anderson.
Sinenyasan ni Kaia ang kapatid nya na dumistansya. Napaupo sa sahig si Anderson. Parang pagod na pagod ito. Binitawan ni Arthy sa lapag yung arrow na pinangtarak nya.