Yves's POV
Yung pagmamahal na nakabalot sa mga bughaw nyang mata ay sobrang ibang iba sa mga pagmamahal na nakita ko sa tanan ng buhay ko.
Iba din ito sa mga nababasa kong description sa libro. In every book I read, the feeling of love is always described as sweet as candy when it rush in your vein. And love can turned your world into a beautiful paradise. At kadalasan ay inahahalintulad ito sa salitang 'magic', but it's not! Magic do fade and deceiving.
This time, iba ang nagiging interpretasyon nito sa akin habang nababanaag ko ito sa mga mata ng taong mahal ko habang tinitigan nya ko sa mga oras na ito.
Kapag alam mong mutual yung nararamdaman nyo para sa isa't isa, there is something struck you in your heart but in a good way. Nakakalasing ito na tipong wala kang magiging pakialam sa paligid mo at sa sasabihin nila. Bakit? love fills you with intense, overwhelmingly happy emotions and leaving you of a feeling like a one giant dose of joy and it hit you straight in your brain. At ang ibang sangkap ng emosyon na 'to? Trust, contentment, respect and same dream. Hindi ang mga mata mo ang binubulag nito kundi ang puso at isip mo kaya ito ang nagiging pundasyon mo para ipaglaban kung anong mayroon ka kahit taliwas na ito sa mga mata ng ibang tao.
Kapag kasama ko si Blair at bukod sa pamilya ko, sya ang dahilan ng inner peace ko. Kapag nakikita ko sya ay gumagaan at safe ang pakiramdam ko. Alam nyang sobrang makasarili akong tao kaya sobrang gusto ko na sa akin lang nakatuon ang mga mata at atensyon nya. At may mundo kaming binubuo na kami lang dalawa.
Hinalikan nya ko sa noo ko pababa sa pagitan ng mga kilay ko, padausdos sa balingusan ng ilong ko dahilan para mapapikit ako at lalo kong naramdaman yung kakaibang tibok ng puso ko. Para itong nahuhulog sa isang mataas na lugar at masarap na pagkalula sa totoo lang.
Mahal na mahal ako ni Blair. Mas higit sa magic iyon.
Sa pagdampi ng mga labi nya sa mga labi ko ay doon na ko nagpatangay sa kanya. Nawawala ako sa sarili ko habang tinutugon ko itong papalalim na halik sa akin ni Blair.
Mayamaya ay natigilan sya at nilayo nya ng halos isang pulgada ang mga labi nya sa akin habang nakatukod ang magkabilang braso at siko nya sa gilid ko.
"H-hindi dito sa salas.... let's go upstair...." anas nya bago umalis sa ibabaw ko.
Hinala nya ko at ng makatayo ako ay sinunggaban nya ulit ako ng halik. Parang may sariling isip ang mga braso ko at ikinawit ko ang mga ito ng yakap sa leeg nya. Nakaalalay sya sa akin para hindi ako mapatid habang humahakbang kami paakyat ng hagdan.
Impit na ungol ang kumawala sa bibig ko ng dumausdos ang mga labi nya sa gilid ng leeg ko at dahil doon ay parang may gumapang na nakakakiliting kuryente sa buong katawan ko at parang ang tamis ng pakiramdam ko! This is insane!
Naramdaman ko na lang na nakalapat na yung likod ko sa malambot na kama.
"I love you...." malambing na bulong nya sa tenga ko at halos panawan ako ng ulirat ko ng magaan nyang kinagat yung dulo ng tenga ko at pagkatapos ay naramdaman ko yung dulo ng dila nya na waring tinetrace nya yung parteng kinagat nya!
"I love you too...." ganti ko at napapikit ako ng mariin ng maging busy ulit ang mga labi at dila nya sa leeg ko.
Ipinantay nya ang mukha nya sa akin habang nasa ibabaw ko sya at hinawi nya ang ilang hibla ng buhok ko na nagkukubli sa mukha ko. Buong pagmamahal nya kong tinitigan. May bukod akong emosyon na nababasa sa mga bughaw nyang mata.