Blair's POV
"How can you handle the pain?" tanong sa akin ni Tita Art. Kung pisikalan lang ito kakayanin ko siguro 'to.
"I can handle that....Kaya ko..." sabi ko
"Five hits from your lower legs and the next stage is for you to find out kapag nalagpasan mo ito." seryosong saad nya at parang nakaready na syang pumalo.
"In that five hits all you need to do is to stand up straight. Tonight, I want to see how brave you are.... At Malalaman mong lahat bakit ganitong klaseng tao kami.... at yung mundong tatahakin ng mga anak namin sa hinaharap." sabi nya at parang nawalan ng buhay ang mga mata nya. Napalunok ako.
Kaya ko 'to. Ilang beses ko ng pinalakas ang loob ko ng ako lang. Kaya wala lang 'to. Anas ko sa sarili ko.
Napabuga ako nga hangin at napatingin muli sa kanya bago napatango na handa na ko.
In first hit namalayan ko na lang nakaluhod na ko at para akong nabingi. A-Ang bilis. Parang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko ng tangkain kong makatayo. Haist! Ang sakit!
Namumuo na yung pawis sa noo ko at tinatagan ko yung mga tuhod ko para makatayo.
"I'm good." saad ko ng makatayo ako. Kailangan makapag adjust ako. Sa ikalawang pagpalo nya ay narinig ko na yung alingaw ngaw ng pagtama ng kahoy sa likod na binti ko pero katulad ng unang palo nya ay napaluhod ulit ako. Alam nya ang mga weakest point ng katawan ng tao at batay sa lakas ng pagpalo nya ay kaya nyang pumatay.
Nangingilo ako sa sakit at kinagat ko yung lower lip ko. Lintik! Hindi nakakatulong na ibsan yung sakit!
Tumayo ulit ako at pilit kong nilalakasan yung isip ko para sumunod lahat ng parte ng katawan ko. Hindi pa nakakabwelo ang isang paa ko para sumuporta sa pagkakatayo ko ay may sunod na hataw ulit akong natanggap sa same location sa binti ko kung saan nya hinataw yung kahoy na hawak nya.
Sa sobrang sakit ay hindi ko na maramdaman kung nakakabit pa ba yung mga binti ko sa mga tuhod ko.
Blair you are brave at higit pa dito ang kaya mo. At inipon kong lahat ng lakas ko para makatayo ulit. Pero nakahawak palang ako sa mga tuhod ko at nag aambang makatayo pa lamang ako ay hinataw nya ulit ako ng palo at this time totally napasubsob na ko sa lupa. Feeling ko malalasog ng lahat ng muscle ko sa parteng pinaghahataw nya! My heart is racing so fast! At yung bloodpressure ko feeling ko ang taas.
Isa na lang Blair! Tayo!
This is the way for you to get Dada's trust! Gawin mong lahat para patunayan sa kanila na maganda ang hangarin mo sa anak nya.
Muli ay inipon ko ang buong lakas ko at kahit nangingimay na ang mga binti ko sa hapdi at sakit. Dahan dahan akong bumangon at ramdam ko yung pangangatog ng mga tuhod ko. Napapikit ako ng mariin habang hinihintay ko yung huling palo. Ilang pulgada ang taas mula sa likod ng tuhod ko ay doon nya inihataw yung huling palo at doon na ko napaluhod pasalpak sa lupa at nawalan ng lakas ang mga binti ko. Yung sakit? Tangina ang hirap i- explain! Parang pinupunit ang mga muscle at mga buto ko sa magkabilang binti ko. Nanunuyot na din ang lalamunan ko dahil dito. Naliligo na ko sa sarili kong mga pawis. Napabuga ako ng hangin bago napapikit ng mariin habang pilit na nilalagyan ng lakas muli ang binti, tuhod at mga paa ko. At ng magtagumpay ako sa pagtayo...
"Tangina ang sakit!" mahinang anas ko at pilit kong nilalabanan na isigaw yung frustration ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. Parang anumang oras ay mahihimatay na ko.
Inabutan ako ng tubig ni Master Gale at hindi ko mabasa yung emosyon sa mga mata nya. Paglingon ko kay Tita Art ay inuukitan na nya yung hawak nyang kahoy gamit ang isang swiss knife.