18

3.1K 210 13
                                    

Yves's POV

Buong byahe ay tulog ako at namalayan ko na lang nasa tapat na kami ng bahay namin at walang lingon lingon na bumaba ako ng sasakyan ni Callen. Bwisit na batang yan! Wala na hindi na ko makakapasok sa office sa lagay na 'to. Parang nakalutang

I went to my room at natulog pa dahil ang sakit talaga ng ulo ko dahil sa hangover.

Bandang alas sais ng gabi ay ginising na ko ni Mommy para magready na sa hapunan.

Nagmabilisang ligo muna ko at nag ayos ng sarili bago bumaba sa hapag kainan namin.

"Grabe ano ka koala? Hindi na kita nadatnan ng hindi natutulog..." sabi ni Yuji ng makatabi ako ng upo kay Mommy.

"Kinulit ako nina Callen kagabi kaya sobra ang puyat ko. Napakakulit sa totoo lang." sabi ko habang nagsasalin ng pagkain sa plato ko.

"Ikaw talaga ang hahawak ng project na yun?" pag iiba ni Dada.

"Opo. Hindi naman po pwede si Yuji at baka magpatayan sila ni Jethro. Kaya ako na lang po." sabi ko.

"Napakasama dahil ang meeting nyo bukas ni Jethro ay sa Palawan mangyayare." sabi ni Yuji na kinatigil ko.

"Bakit ang layo??" reklamo ko.

Gusto ko pa naman na magstay sa office maghapon bukas dahil kung nandito ako sa bahay eh dadayuhin na naman ako nina Callen dito at kukulitin ako.

"Kapag on-going na yung project pwede ng si Yuji na ang magtuloy..." sabi ni Mommy.

"Saka titingnan natin kung hanggang saan talaga ang galing ng mga Trevino sa mga ganitong project. Konting pasensya anak." nakangiting saad ni Dada kaya napatango ako.

After namin magdinner ay nagset up si Yuji ng papanuorin naming movie sa may salas. Naging bulto lang yung katawan ng kapatid ko pero yung utak nya eh pambata pa din talaga.

Sina Dada ay naman ay nasa itaas at may kausap kaya pinapanuod ko si Yuji magset up.

"Kamusta na kayo ni Maddy?" tanong ko at gusto ko talaga syang umamin sa akin dahil napakadaya nya hindi man lang magkwento sa akin eh magkapatid naman kami at bestfriend ko si Maddy.

"Ayos lang..." sagot nya na kinataas ng kilay ko.

"Nasa Palawan sya..." sabi ko at napalingon sya sa akin. Bakit parang hindi nya alam?

May kutob na talaga ako na nanliligaw sya dito.

"Nabasted ka ba?" tanong ko na kinalikot ng mga mata nya kaya napapigil ako ng tawa. Sabi na!

"Hindi noh. Masaya ka porket dumating na yung nag iisang nagtangkang manligaw sayo." sabi nya kaya ang ginawa ko ay binato ko sya ng throwpillow.

"Madaming ibig manligaw sa akin pero anong mahika ang ginawa mo kaya lahat yun napurnada!" sabi ko at napasimangot sya.

"Mukha kang bintang. Tanungin mo si Callen!" saad nya. Callen?

Mayamaya ay dumadating na sina Dada at pinagitnaan nila ko ng pwesto. After 3months ay babalik na ulit ako ng Berlin at mamimiss ko na naman itong bonding namin na kagaya nito. Sa totoo lang nakakamiss yung bunganga ni Yuji kapag sa umaga at binobola nya sina Dada. Pati yung pagdidilig ng mga red roses ko sa umaga at hapon ay sobrang namimiss ko ng gawin.

That night kina Mommy ako nakitulog at kinulit ko sila. Feeling ko nga bumabalik ako sa pagkabata kapag sa kanila ko nakikitulog.

Yinakap ko si Dada ng mahigpit at yumakap naman si Mommy sa akin mula sa likod ko.

"Gusto mo dito ka na lang sa Pilipinas?" alok ni Dada.

Napangiti ako. May responsibilidad ako na ako mismo ang umako sa kumpanya namin.

Dating Mrs. Arcelo's Daughter (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon