22

3.1K 227 29
                                    

Yves's POV

Next week na ang start ng project namin nina Jethro at ang hiling ko ay mapaaga yung tapos ng project para makabalik na ko sa Berlin dahil nakakahiya kay Ully dahil sya lang ang umaasikaso doon kasama ang mga Tita at Tito ko.

Nagtataka naman ako kay Maddy simula ng makauwi kami ng Palawan eh hindi na naman sya nagpaparamdam. Mula nung nagkiss kami ni Blair sa loob ng elevator ay madalas na kaming magkatext at magkausap sa phone. Madalas na din sumaglit dito si Blair para iabot yung mga minsan na ibig kong pagkain. Hindi pa sya makapagformal na ligaw sa akin  dito dahil busy si Dada at sinabihan sya nito na sa makalawa na sya dumalaw ng matagal at maghahanda sila ng hapunan dahil dadating din sina Mamita.

Maaga akong gumayak para pumasok sa office. Kailangan ko lang umattend ng meeting namin at pwede na kong lumarga ng gala pagkatapos. Mamayang gabi pa naman ang video call ko kay Ully para sa mga report namin sa kumpanya sa Berlin.

Naunang pumasok na sina Mommy marahil kasama na nila si Yuji.

Mayamaya ay may nagdoorbell, dadaluhan sana iyon ng kasambahay namin pero pinigilan ko sya dahil ang dami nyang ginagawa doon sa kusina. Pagbukas ko ng pintuan ay natigilan ako saglit dahil si Blair iyon habang maaliwalas ang pagkakangiti nya sa akin.

Hetong mga kulay bughaw na dagat nyang mga mata, hindi ito pumapalya na lusawin ang puso ko kapag natitigan ako ng mga ito. Pinapangako kase sa akin nito na magiging maayos ang buong araw ako.

"Goodmorning." nakangiting bati nya.

"Morning... tuloy ka. Bakit hindi ka nagtext na pupunta ka?" sabi ko at ngumiti lang sya sa akin. At ng niluwangan ko yung pintuan para sa kanya. Recently, mukha na syang stuff toy sa mga mata ko kahit ang slim naman nya. Para kaseng ang sarap nyang yakapin at ang neat nya kase sa paningin.

Nagtaka ako dahil sobrang komportable nyang nagtuloy tuloy sa may bandang kusina at aware sa kanya yung mga kasambahay namin. May tinanong sya sa kasambahay namin at mayamaya ay umalis na ito at sya na yung nagluto. Napatingin ako sa ginagawa nya.

Wow! Magaling pa sya sa akin magluto. Sa aming magkapatid ay si Yuji ang nakamana ng kagalingan ni Dada sa pagluluto.

Ang dami kong tanong sa kanya regarding kung paano syang natutong magluto. Nakuha pala nya ang abilidad na ito sa tatay naman nya.

"Anong paborito mong pagkain?" tanong ko habang nagluluto sya at parang natigilan sya. Saglit syang napatingin sa akin. Waring Tinatantya nya kung totoo bang inuusisa ko sya sa mga bagay na gusto nya.

"What? Unfair kung puro part ko lang yung nabubusisi dito.... Everyone knows that we are dating tapos wala akong alam sa mga bagay na gusto mo." sabi ko. Matagal ko ng gustong malaman yung personal na buhay nya at nahihiya ako na magtanong kay Maddy ng mga patungkol sa kanya.

Napalunok sya bago muling nagpatuloy sa pagluluto.

"Döner Kepab is my favorite food of all time. Iyan ang bumuhay sa akin sa Berlin nung nagstay ako doon before akong magtransfer dito sa Pilipinas." nakangiting sabi nya.

"Really? Favorite din naming magkapatid iyon. Favorite color?" usisa ko. It kinda excite me dahil parang magkakasundo kami sa mga hilig naming pagkain dahil paborito nya ding lugar ang Berlin.

"Hmmm.... Color ng iris ng mga mata mo." nakangiting sabi nya at hindi ko napaghandaan ang isang iyon dahil natulala ako sa mga mata nya dahil seryoso ito. Hayop! Puso wag ka ganyan kaharot bibigay na tayo kakapintig mo ng malakas sa lahat ng salitang binibitawan nya!

"Ikaw anong paborito mong kulay?" balik na tanong nya kaya natauhan ako.

"Blue. It make me calm." sagot ko at sya naman yung  natigilan at kagaya nya ay para kaming mga tanga na napangiti.

Dating Mrs. Arcelo's Daughter (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon