Yves's POV
Nung araw na nalaman ni Dada yung about sa red rose na pinulot ko ay naging dedma na sya. Kinda alarming. Makulit si Dada eh! Pero after nun eh hindi sya nagtatanong o pinag explain man lang ako!
Si Yuji naman ay kumalma kaya bago pa man din mabuko ako sa rosas na pinulot ko ay inipit ko na yun sa isang libro ko.
"Wala po si Dada?" takang tanong ko ng maupo ako sa hapagkainan namin para makakain ng umagahan. Si Yuji ay busy sa pagbabasa ng libro habang ngumunguya. Si Mommy naman ay inabutan ako ng pagkain.
"Maagang umalis kasama si Tita Cy mo. Susunduin daw nila si Ninang Gale mo may business deal ulit kase sila kaya one week dito sa Pilipinas ang ninang nyo." sabi ni Mommy.
Biglang gumaan yung pakiramdam ko dahil nandito si Ninang Gale!
Makikipagkita ako sa kanya mamaya.
Mayamaya ay may kumakatok sa hamba ng pintuan kaya napalingon kami at nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong nakangiti sa amin.
"Kaia!!!" irit ko at napatayo ako sa excitement at yinakap sya.
"Ate namiss kita!" sabi nya habang yakap nya ko pabalik.
After nun ay lumapit sya kay Mommy at yumakap bago kay Yuji. Sa akin ko sya pinatabi at hinandaan din sya ng pagkain ni Mommy.
Silang dalawa lang daw ni Ninang Gale ang umuwi dahil may lagnat si Arthy kaya naiwan sila ni Tita Hunter sa Italy.
"Sinong naghatid sayo dito?" tanong ni Mommy Kaia habang kumakain dito sa tabi ko.
"Si Tito Kieron po. Sabi ni Dada sakin dito na lang daw po ako kumain, hindi nya ko iniwanan ng pera. Hindi naman po sinabi kung saan sila pupunta..." sabi ni Kaia na kinataas ng kilay namin ni Mommy.
"Walang sinasabi si Kieron?" tanong ni Mommy.
Kagat ni Kaia yung kutsara nya at alangan napatingin sa amin. Si Yuji natatawa na dahil ang cute ni Kaia kapag ginagawa nya yan.
"May sasali daw pong bigating tao sa fraternity nila kaya sila daw po mag iinitiate ng hazing." kwento ni Kaia.
"Mga gago talaga..." bulong ni Mommy.
Pagkatapos naming kumain ay inaya ko si Kaia sa may garden namin.
"Pinagawan ako ni Dada ng isang botanical garden sa compound namin para makapagtanim din ako ng ganito ate." kwento nya habang tinutulungan nya ko sa pagdidilig ng mga red roses ko.
"Talaga? Sa bakasyon eh yayain ko sina Dada na magpunta sa inyo. Turuan mo ko sa paggawa ng wine." gusto ko din kaseng matutunan yun.
Ang lawak ng pagkakangiti nya sa akin at sobrang excited sya sa idea na makakasama nya ko ulit sa pamimitas sa taniman nila ng ubas.
Mayamaya ang dumadating naman ay sina Callen at Ishan kasama sina Tita Roian at Ninang Shann. After kong batiin sila ay pumasok na sa loob ng bahay. At tulad ng ineexpect ko ay yung napakasayang sigaw ni Yuji. Lagi nya kasing binobola si Ninang Shann.
"Oo na Yuji!" at kasunod nun yung halakhak nina Ninang.
Napatawa ako paglingon ko kina Callen at Kaia.Akala mo mga pusang ang tagal hindi nagkita.
Si Ishan naman ay kiber at nakatitig sa isang pulang rosas. Parang may naaalala sya at mayroon din akong naalala sa kalokohan nya at ni Ully!
Habang nagwawalangyaan sina Kaia at Callen ay nilapitan ko si Ishann. Napaigtad pa sya ng hawakan ko sya. Talagang may kalokohan!
"You know Ullysses?" tanong ko at tiningnan ko sya na para bang okay lang na magsabi sya sakin ng mga bagay na bumabagabag sa akin.
Napaiwas sya ng tingin sa akin.