Yves's POV
Para akong nanaginip sa mga nangyare kagabi. Lahat ng effort nya para sa akin kagabi ay sobrang naappriciate ko. Ganito yata kasaya ng may nanliligaw sayo tapos pareho nyong gusto ang bawat isa. Magaan sa pakiramdam at hindi nakakasakal o nakakailang. Nag- give way na sina Dada kay Blair para maligawan ako at parang expected na nga nila na tinanggap ko yung red rose na binigay nito sa akin. Ang rules lang nina Dada ay gawin formal ni Blair ang panliligaw sa akin at sa bahay namin iyon gawin. At may "Don't do bad things behind our back or else.....!" may ganyang banta si Dada. Syempre itong si Blair panay ang 'Opo, Dada.' sobra ang takot nya kay Dada. Kagabi nga napansin ko kada bubuka ang bibig ng mga magulang ko ay parang kinakapos ng hininga itong isa. Napakaduwag ng lintik!
Yung apat kagabi hindi ko na nausisa dahil pagkakain nila ng miryenda ay iniwan na nila si Blair sa akin. Mga hayop talaga dahil halatadong may ginawa silang katangahan. Wala silang maililihim sa akin sa get together naming lahat sa may Garden.
"Hibang na hibang..." namalayan ko na lang nasa harap ko na si Maddy. Naupo sya sa sofa na nandito sa loob ng opisina ko.
"Kanina pa ko dito habang tulala kang nangingiti dyan sa kinauupuan mo. Mukhang wala kapang nasisimulan sa trabaho mo." lintaya nya.
Napatikhim ako at napasandal sa kinauupuan ko.
"Nasa bahay si Blair kagabi..." umpisa ko at napataas ang isang kilay nya sa akin.
"Nakita ni Yuji?" tanong nya at ako naman yung napataas ang kilay.
"Oo, bakit?" takang tanong ko at napasimangot sya.
"Pasabi sa kapatid mo ganun ang pangliligaw..." reklamo nya kaya natawa ako.
"Ikaw na ang magsabi..hindi ako paniniwalaan ng kapatid ko noh..." saad ko.
"Ayoko nga.... Hindi naman ako desperada magkaboyfriend." sabi nya.
"Wala pang ginagawang effort sayo yung kapatid ko?" takang tanong ko sobrang contradicting nilang dalawa samantalang ang saya ng awra ng kapatid ko recently.
"Bukod doon sa red rose? wala na...." reklamo nya na ikinatigil ko.
Napatayo ako sa swivel chair ko at napatabi ng upo sa kanya.
"Kailan?" masayang usisa ko.
Kapag kase nakatuluyan ito ng kapatid ko, may kakampi na ko!
"Last week..." bored na sagot ni Maddy.
"Wala syang ibang sinabi sayo?" usisa ko.
"Wala na.... bakit ang chismis, ang mga Arcelo ay may mabolang salita na kinahuhulog ng mga kababaihan sa lahi nyo tapos may dugo pa kayong Santillan at Espinosa! Talaga namang napakamatitinik eh wala kang masabi! Pero anong nangyare kay Yuji? Napakatorpe!" reklamo nya.
Natatawa ako dahil pasimple kong nirecord yung mga sinabi nya. Paparinig ko sa kapatid ko ito. Pakasupot ng lintik!
"That red rose means he is giving his whole life and his heart to you. Ikaw lang yung mamahalin nya sa buong buhay nya at paninindigan ka nya kahit na anong mangyare.... Red rose is sacred to us, that's part of our tradition." saad ko at doon sya natigilan. Para syang nabingi at namutla kaya napangiti ako.
"Ikaw ang una at huling aabutan nya ng pulang rosas sa tanan ng buhay nya bukod sa mga magulang namin.... Sweet ng kapatid ko noh?"nakangising tanong ko.
Napangiti ako ng makita kong nanggilid ang luha nya. Bakit nabalutan ng pag aalala ang mga mata nya? Eh, sya lang naman yung nagustuhan ng kapatid ko sa buong buhay nito.