Yves's POV
Wala! Biglang nanabang ang paligid ko sa totoo lang kahit sina Yuji o maging sina Ninang Gale ay napapatingin sa akin dahil sa nakikita nilang pagkadisgusto ko na sa sitwasyon. Kilala nila ko eh. Alam nilang may mali.
Yung Operation Manager nila ay tahimik na nakaupo sa gilid ni Mrs. Trevino sa kaliwa nito at nasa kanan naman si Blair na tahimik na pinapasadahan yung proposal namin.
"What do you think?" tanong ng Mommy nya sa kanya.
"Si Kuya naman po ang hahawak nito kung sakaling pumayag kayo." sagot nya na kinaangat ng tingin ko sa kanila.
"Rocky? Anong sa tingin mo?" tanong ni Blair sa kasama nila na tahimik lang na nakikinig sa amin at mula kanina ay hindi na ito kumikibo.
Tinaasan lang sya ng isang kilay nito ng mabilisan. Wow! May attitude si Ate Gorl mo!
"Wag kang magrereklamo mamaya huh..." saad ni Blair.
Talagang sa harap pa namin sila nagmeeting. Napatingin ako kay Tita Cyrll and she mouthed to me that everything is okay.
Nasa kabilang meeting kase sina Dada at yung ibang Santillan. Sana pala ako na lang yung pinadala doon at sila dito.
Tumingin sa akin si Blair and I really bat my eyes on her para malaman nyang ayoko ko na syang makaharap kahit kailanman! Narinig ko yung mahinang pagtawa ni Ninang Gale.
"Mommy like this proposal. Pero hindi ako ang hahawak ng project kasama ng mga Santillan. Si Kuya Blaize Jethro pa din ang tutulong sa inyo sa modernization ng ibang mga planta nyo at pagsusupply ng mga makabagong makina para sa process." seryosong saad nya.
"Actually, mas pabor sa akin na si Jethro ang hahawak ng project dahil kung ikaw ay ipapasa ko ito sa ibang Santillan." prangkang sabi ko.
Natahimik sya. Napaangat yung isang sulok ng labi ng Mommy nya na para bang naaaliw? Dapat sa part na 'to ay awayin na nya ko dahil start na 'to ng pangsusupalpal ko sa anak nya.
"We are not afraid to loose this project also. We heard a lot about Santillan for having this kind of behavior...." walang emosyong saad nung demonyita I mean nung Operation Manager.
At wala akong pake! Ibig ko sanang isagot pero kailangan kong huminahon dahil kapag sumabog ako sa mga oras na 'to? Sang katutak na kurot ang sasapitin ko kay Mommy.
"How many machines you can deliver to us in case na matuloy ito?" tanong ko ng diretso sa mga mata ng squirrel na 'to. Sina Tita Cyrll ay naaaliw ng pinapanuod ako. Yung Sales Manager nila ang nakipag usap sa mga heads namin dati regarding sa ganda ng mga makina nila at sobrang nagustuhan nina Tita Cielo at Tita Orange yung naunang proposal nila tapos ganito eh hinamit lang kami hanggang sa ang lumabas ay kami ang naghahabol sa kanila. Though sikat si Blaize Jethro Trevino sa pagmomodernize ng mga plantang hawakan nya ay hindi ibig sabihin na wala kaming makikita na kasing galing nya. Saka ilang taon na lang ang hihintayin namin sa anak ni Tita Carol na si Riyon noh at maging si Ishan na ngayon ay nag o- ojt na sa department ni Tita Orange.
Alam ko ang capacity ng export nila kapag sa ganitong kalayo na bansa mula sa main nila. Hindi nila kaya dahil doble ang expenses na babayaran nila sa shipping fee.
Ako! Ako pa din ang susi mo bitch para mapabilis ang export nyo at galitin mo pa ko dahil kung si Yuji ay takot mawala itong project na 'to pwes hindi ako!
"We don't have anytime for another meeting with you guys... itong araw lang na 'to sana. Mga investors din kami at kailangan na namin ng flow ng projects na ibig namin." saad ni Ninang Gale.
"Under sa management ni Yves dito sa Santillan Empire sya ang may hawak ng Import Export process dito dahil kaalyado nya ang pinakamalaking shipping line ng mga Ricafort at ang airline nitong kapatid ko. Kung talagang ayaw nyo, madaming nag ooffer sa amin na mga kalaban nyo para sa proyekto namin na 'to." seryosong saad sa kanila ni Tita Cy marahil ramdam na nila kapag nagsalita pa ulit ako ay dagat dagatang apoy na pupulutin si flamingo!