Yves's POV
Habang sina Farren at Ully ang nag aayos ng thesis namin at sinasabayan nila ng inuman ay nandito ako sa kusina at inaasikaso ko si Blair. Napasobra yung sipa ko sa mukha nya.
"Napakasadista mo..." natatawang saad nya habang kinocompress yung ilong nya ng yelo.
"Bakit ba kase ang lapit lapit mo!" at tinulungan ko syang dampian ang ilong nya ng yelo.
Hindi sya kumibo at nailang ako dahil nakatitig sya sa mukha ko.
"Before I went home, mag date tayo." sabi nya na kinatigil ko saglit at dahil mabili akong mag isip eh pinatong ko yung cold compress sa buong mukha nya para mahimasmasan sya. Tawang tawa syang inalis yun sa mukha nya kaya naupo ako sa katabi nyang upuan.
"Parang hiningi mo na din yung kamatayan mo sa mga magulang ko..." sabi ko at parang hindi sya aware na bwisit na bwisit sa kanya si Dada.
"Nagpaalam ako sa Dada mo...Pero ang sama kase kasama sina Callen at Kaia." sabi nya at parang hindi nya matanggap yung kondisyon ni Dada. "Ano ayos lang sayo?"
"Scammer ka? Hindi mo mapapayag si Dada noh...lolokohin mo pa ko..." seryosong sabi ko at napatawa sya.
"Pinagbaklas nya ko ng flat na gulong ng kotse nyo kahapon tapos sinabi ko na papauwi na ko sa darating na June at kung pwede eh mayaya ka ng date...ayun pumayag sya basta kasama yung dalawa o si Yuji. Pinili ko yung dalawa kaysa sa kapatid mo." amin nya at gusto kong matawa sa part na pinagbaklas sya ni Dada ng gulong. Parang ang dami nilang kalokohan na pinaggagawa.
"Kung titingnan mo? Hindi iyon date dahil apat tayo...Okay." sabi ko at parang nagliwanag yung mukha nya. Bwisit na mga matang yan nakakadala!
Nang maging okay na sya ay bumalik na ko sa salas at kinuha ko yung laptop ko sa dating kinauupuan ko dito. Si Farren na ang tumatapos ng part ni Ully at nakakaamaze sya dahil partida lasing syang dumating dito tapos nag iinom ulit sya habang gumagawa ng thesis.
Naupo sa tabi ko si Blair at tahimik na nakatingin doon sa ginagawa ko. Nagpalit sya ng oversize na white tshirt! At naka top knot bun na yung mahaba nyang buhok. Sa totoo lang maganda 'tong gagong 'to eh.
Ang daming nagkakandarapa sa kanya sa school pero hindi nya pinapansin.
Napataas ang kilay ko ng inaabutan ni Farren si Blair ng isang basong alak.
Nagulat ako ng nagtawanan sina Ully at Farren habang nakatingin sa akin.
"Partida hindi pa nanliligaw yung brother ko sa lagay na yan pero kung paghigpitan...." natatawang saad ni Farren.
"Yeah! Farren what a nice joke for this night!" sabi ko at binato ko yung tissue box sa kanya.
"Kung ayaw mo syang painumin eh di ikaw na lang..." ngisi nya at nasa harap ko na yung basong inaalok nya.
Mayamaya ay yung palad na ni Blair yung nakaharang.
"Brother kapag pinainom mo 'to at nalaman ni Dada...gago ka ako ang tatalupan hindi naman ikaw..." natatawang natatakot na saad ni Blair na kinangisi naman ni Ully.
"We will keep this as a secret...Come on! Just for tonight.." kumbinsi ni Farren.
"Hayop ka bakit hindi ka tinatalaban ng jetlag?! Sana na jetlag ka na lang ng todo!" sabi ni Blair at parang naiinis na sya sa kaibigan nya.
"Come on Yves..." ngisi ni Ully at parang hinahamon nya ko na gumawa ng kalokohan. "This is bad if we do this everyday."
Okay just for tonight!