Blair's POV
Magkakasakit yata ako sa puso kapag kausap ko sya ng ganun kalapit! Hindi pa din kase nakakarecover yung puso ko sa saya at sa kilig! Good start ito ng araw ko!
Feeling ko ang gaan gaan ng bawat pagkilos ko. Parang nakalutang ako sa langit!
"Huy! tumahimik kayo papadating na si Yves!" irit ng isang kaklase ko na lalake at napakunot ang noo ko dahil mga nag ayos silang lahat ng mga itsura nila na animoy magpapacute.
Mayamaya ay tumayo yung kaklase naming suplada at naglakad palabas.
"Ai! bakit hindi sya pumasok sa loob ng room natin?" panghihinayang nung isa. Napatayo sila at sumilip sa may pintuan. Nacurious tuloy ako at nakichismis din sa kanila.
A-ang daya!
Bakit sa kanya eh nagagawa nyang ngumiti ng ganyan?
"Bagay talaga sila ni Ully..." anas nung isang kaklase namin. Parang nabingi ako ng marinig ko iyon at nanghina ako.
Naglakad palayo si Yves ng matapos silang mag usap na akala mo sila lang yung tao sa mundo.
Nagtakbuhan yung mga kaklase pabalik ng upuan nila ng pumihit pabalik ng classroom namin yung Ully.
Nilagpasan nya ko at muli syang naupo.
Tsk!
Expected ko na 'to! Maganda kase si Yves kaya given na madami talagang nagkakandarapa sa kanya.
Yung saya mula kaninang umaga tapos hanggang sa ngayon ay naputol na. Nakakapanabang! May pag asa itong Ully sa lahat dahil kinakausap at nginingitian sya ni Yves.
Wala pa kong nasisimulan pero sobrang talo na ko!
Walang sukuan!
Malakas ka Blair!
Sigaw ko sa isipan ko.
Nung breaktime...syempre bago ako kaya loner ang drama ko. Napakatagal ba naman magtransfer ng kaibigan ko dito!
Naisip ko na sa may malapit sa baseball field ako magbreaktime. Habang kinakain ko yung chocolate na baon ko ay napatingin ako sa isang grupo na papasok ng canteen.
Sina Yves kasama nya yung kakambal nya at sina Aticus.
Kailangan dapat relax at medyo cool ang maging dating ko sa harap ni Yves at hindi kagaya ng mga asong humahabol sa kanya.
"Aquaman!" sigaw ng isang estudyante at napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakatingin silang lahat sa akin.
Tinuro ko yung sarili ko at napatango sila bago nila ko kinawayan na lumapit.
Taragis! Aquaman! Blue ba mata ni Aquaman?
M-mga first year? Nakakahiya kapag nabully ako ng mga 'to! Senior nila ako!
"Marunong ka nito?" tanong nung tumawag sa akin. Ang galing itim na itim yung iris ng mga mata nya!
Callen.
Yan yung nakasulat sa jersey nya.
"Ilalakad kita kay Ate Yves kapag natalo mo ko dito." sabi nya na kinalaki ng mga mata ko.
May mapaglarong ngisi sa mga labi nya. Kinabahan ako sa batang 'to dahil mukhang may gagawin syang hindi matino.
Pero mas uto ako kaysa sa kanya. Batikan to oy!
"Paano kapag nanalo ka?" tanong ko at kinuha ko yung baseball bat.
"Sagot mo yung one year na miryenda at tanghalian ko." sabi nya.