Yves's POV
Changes.
Tinatantya ko yung sarili ko kung kinapitan ba ko nito after ng maraming taon na nagdaan. Parang wala naman maliban sa sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon. Malapit ko ng mahawakan lahat ng ibig kong kapangyarihan at estado sa kumpanya namin. Hindi nila ineexpect sa aming magkapatid na sa ganitong edad ay magiging maiksi yung trainning years namin under kina Dada, Mommy at sa mga Ninang namin kung paano magpatakbo at maging madiskarte sa posisyon na hahawakan namin.
Naipadala na si Yuji sa Madrid at tulad ng ibig naming mangyare ay malapit ng pumantay si Yuji sa pwesto ni Mommy sa Santillan Empire. Habang ako naman ay pinadala na dito sa Arcelo Group sa Berlin bilang acting sa posisyon ni Dada. Kaya lahat ng execution ng mga plano dito ay nagdadaan sa akin. Heto na yung naging buhay ko sa loob ng mga nagdaang taon. Ang maging magaling sa negosyo namin.
Tita Cyrll is right. We need to be powerful para hindi maulit yung nangyare noon kay Yuji at para maprotektahan namin yung mga mahal namin sa buhay.
At lahat ng ito ay yung changes na dumapo sa akin simula ng gabing huli kong nakita si Blair. Hinabol ko yung mga pangarap ko at naging masigasig ako dito para maging proud sa akin ang buong pamilya ko at para maalalayan ko din si Yuji.
Yung sikreto namin ng puso ko?
Sikreto pa din hanggang ngayon. At hindi yata dinapuan ng changes yung parte na yun. Yung emosyon sa puso ko ay ganun pa din at parang musmos na bata na naghihintay sa taong ibig nya.
Hindi ko kayang ipakita itong side ko na 'to sa lahat dahil baka dito nila ako atakihin. Pakiramdam ko na yung side ko na 'to ang pinakamahinang parte ko.
After ng gabi na nagdate kami ni Blair, yun na yung huling araw na nakita at nakausap ko sya. Si Maddison naman ay nakaikom ang mga bibig nya kapag patungkol na kay Blair sa tuwing nagtatanong sa kanya si Ully. Sa akin ay pabor iyon sa pag aakala ko na magbabago naman ang lahat sa amin kaya no need na malaman pa. Yung Nararamdaman ko at maging yung sitwasyon namin ngayon kapag naaalala ko yung mga araw na kasama ko si Blair dati ay nagconclude ang isip ko na baka puppy love lang iyon dahil mga bata pa kami. Pero akala ko lang dahil nastuck up sa akin yung musmos na emosyon na iyon sa puso ko kapag patungkol sa kanya.
Napakasama talaga ng lagay ng puso ko sa pagkahulog ko sa kanya. Napakawrong timing talaga ng pagdating ng hinayupak na yun sa buhay ko!
Natauhan ako ng bumukas yung pintuan ng office ko at niluwa noon si Ully. Sya ang ginawang General Manager ng Arcelo Group dito sa Berlin at sya din ang isa sa pinakamalakas na kaalyado ko dito. Bilib din ako sa kanya dahil napagsasabay nya din yung pamamalakad sa kumpanya nila habang nasa tabi ko sya.
Iniabot nya sa akin yung report na ginawa ni Tito Ellery na dapat kong pag aralan bago ipasa sa Santillan Empire. May malaking project kase kami regarding sa modernization ng mga plantang under kay Mommy sa Pilipinas.
"Natutulog ka pa ba?" tanong sa akin ni Ully.
"Napuyat ako sa paggagawa ng supporting documents at action plan na kailangan ni Yuji." sabi ko habang pinapasadahan ko yung reports na hawak ko.
Next week na agad yung meeting sa mga bagong investors na nililigawan ng mga Santillan na nakabase sa Europe. Tantya ko mahihirapan kami sa isang 'to dahil empire din ang laki at tanyag ng kumpanya nila.
"Jethro is really pain in the ass. Ang taas ng trust issue nya parang yung magulang din ni Callen kailangan mo munang umiyak ng ginto bago sila mapapayag." turan ni Ully at ang tinutukoy nya ay yung may ari ng nililigawang kumpanya ng mga Santillan. Sa akin nila pinapasubukan na makipag deal sa kanya sa susunod na linggo. At ibig nya sa Pilipinas gawin dahil magbabakasyon sya sa Palawan after that.