Blair's POV
Jusko Sabado na naman!
Kung sa ibang estudyante eh biyaya ang araw na 'to pero sa akin? Hindi.
Ito yung araw na tumitigil ang pintig ng puso ko dahil ito yung araw ng hazing ceremony namin. Kahit ilang buwan ko ng ginagawa 'to eh parang lagi eh first day ko dahil sa takot sa sistema ko.
Ang swerte ko lang ngayong araw eh wala si Master Gale dahil umuwi ito ng Italy at gusto kong magpasalamat sa asawa nya dahil pinauwi nya 'to. Atleast dalawa lang itong poproblemahin ko buong maghapon.
Bar?
Nang ganitong kaaga?
Inakbayan ako ni Master Cy ng makita nya ang alangan sa mukha ko na pumasok doon.
"Magpaparty tayo...hindi naman puro hirap." ngisi nya sakin at sa totoo lang? Hindi ako nagtitiwala.
Makababalaghan syang magbitaw ng salita.
Si Dada naman ay kalmang pumasok sa loob ng bar habang nakasunod kami ni Master Cy.
Kung titingnan mo yung physical appearance nina Dada at ng mga kaibigan nya eh parang nastuck up sila sa katawan ng 27years old. Parang mga kapatid nga lang nila yung mga anak anak nila.
Namangha ako sa loob ng bar na 'to. Ang ganda ng interior parang pang VIP lang talaga at bawal yung mga jejemon na makapasok dito. Parang binuksan ngayong umaga na 'tong lugar na 'to para sa kanila.
Walang katao tao maliban sa ilang staff na naglilinis.
Umakyat kami ng hagdan papunta sa isang silid na may nakaukit na rosas sa pintuan.
Napakaluwang nito at parang sa kanila lang 'tong lugar dahil may mga kung anu anong sports materials na nakapaskil sa dingding. Bow and Arrow, baseball bat, dart, swiss knife at hunting riffle.
Pinaupo ako ni Master Cy sa isang mahabang itim na sofa at sila naman ay nag tig isa ng single sofa.
Mayamaya ay may pumasok na dalawang nilalang. Isang napakamaldita ng mga mata at yung isa naman ay kulay abo ang kulay na animo'y sa isang bagyo.
Napalunok ako.
Sabi nila lima lang yung member ng fraternity na binuo nila eh bakit sa bilang ko sa daliri ko eh anim na halos sila? Don't tell me pati mga asawa nila eh member din nito?
Nanghihina akong napasandal.
Napaupo sa tabi ko yung may abong kulay na mga mata at yung mukhang masungit ay naupo sa armrest ng sofa na kinauupuan ni Master Cy.
"You pray?" tanong sa akin nitong katabi ko.
"Recently? Napapadalas po..." sabi ko at napatawa yung katabi ni Master Cy.
"Ghad! Yvie parang ikaw din sya..." saad nito na natatawa at sinamaan sya ng tingin ni Dada.
Magkaugali kami?
Mayamaya ay may iniabot sa akin na rosaryo itong katabi ko.
"Pagkatapos mong gamitin eh ibalik mo sa akin mamaya..." nakangising saad nya na kinalunok ko. Feeling ko may delubyong mangyayare mamaya.
Nagbatuhan sila ng tinginan na magkakaibigan kaya rumagasa na yung kaba sa dibdib ko.
"Stay here." utos sa akin ni Master Cy at napatango ako. Nagsipaglabasan sila. Napaupo ako ng pasadsad sa sofa at napatingala sa kisame.
"Magaling ako...Gagalingan ko...paiiksiin ko yung walong taon na yun para magustuhan nila ko para kay Yves." bulong ko sa hangin.
Sa tanan ng buhay ko sya lang yung gusto kong mangyare sa buhay ko.