Yves's POV
Hindi ko maramdaman ang buong katawan ko sa mga oras na 'to. Hindi ko alam kung gaano kami kabilis na nakarating dito sa hospital nina Tita Yuri.
Jusko! Balik ba ito dahil hindi ko kayang magpatawad? Siningil din ako pabalik?
Namalayan ko na lang nasa harap ko si Callen.
Hindi ko na maabsorb lahat... si Blair na nasa operating room at itong taong ito na nandito pala sa Pilipinas ngayon, she's in panic!
"Ate si Aquaman....." tarantang saad nya.
Nagulat ako ng hilahin ako ni Ishan papunta sa harap ng operating room.
Hindi ako makahinga sa tensyon na bumabalot ngayon sa sistema. Hindi ko talaga kakayanin kapag mawawala sa akin si Blair!
Namalayan ko na lang ay umiiyak na ko sa takot ko dahil sa kalagayan ng asawa ko.
Yinakap ako ni Riyon at pilit akong pinapakalma.
Hindi ko kaya!
"Yung bagong resident doctor..." anas ni Ishan at pinigilan nya ito at sya namang pagbitaw ko ng yakap kay Riyon.
Hindi ko alam kung paano ko aapuhapin ang isip ko para simulang magtanong sa kanya patungkol sa kalagayan ng asawa ko kaso wala akong boses dahil sa pag iyak ko sa takot.
"Kamusta ang pasyente nyo ngayon sa operating room?" paumpisa ni Ishan habang hawak nya ang kamay ko at nakaalalay naman sa tabi ko si Callen. Nang napatingin sa akin si Ishan ay napapaiyak na din ito.
"May bali syang dalawang ribs sa kaliwang part na syang dahilan ng paghirap nya sa paghinga. Yung left elbow nya medyo hindi maganda ang injury nya at may malalim syang sugat sa kaliwang noo nya. Maliit din ang tyansa nyang makalakad pa." malungkot na saad nito bago nagpaalam na papasok ulit ng silid na iyon.
Napaupo ako sa sahig habang takip takip ko ang buong mukha ko dahil sa pag iyak ko sa hinagpis dahil sa narinig ko. Parang gumuho ang mundo ko dahil sa sinapit ng taong mahal ko!
Hindi ko na sya naprotektahan!
Napakapabaya ko! kasalanan ko kung bakit sya nagkaganito! Napakatanga ko! Nang dahil sa galit ko ay hindi ko na sya naisip.
Para akong mababaliw! Naaksidente si Blair dahil sa akin!
Kasalanan ko!
"Yves?" napaangat ang tingin ko sa tumawag sa akin. Sina Jethro at yung Mommy nya.
Nakagat ko yung ilalim na labi ko sa pagpipigil ng hikbi ko pero hindi ko magawang pigilan ito! Napatayo ako at para akong batang napasugod ng yakap sa Mommy nya.
"Kasalan ko po...." iyak ko sa balikat nya at naramdaman kong hinahagod nya yung likod ko at pilit akong pinapatahan.
Pero hindi maalis sa pagkatao ko ang pagsisisi dahil sa sinapit ni Blair!
Mayamaya ay may humahangos na babae na tumapat din dito sa pintuan ng operating room habang umiiyak.
"Jusko! Mahal ko!" piping dalangin nya habang umiiyak gaya ko. Napabitaw ako ng yakap sa Mommy ni Blair.
Sina Ishan, Riyon at Callen ay tahimik na nakatitig doon sa babae. Ngayon ko napansin na wala sina Arthy at Kaia.
T-tinawag nya si Blair na Mahal ko? The nerved!
Si Jethro ay nakatingin din doon sa babae.
Parang umurong lahat ng luha ko dahil may pagwawala ng nabubuo sa dibdib ko!