Yves's POV
I love you.
Paulit ulit yang bumabalik sa isip ko at hindi ako nakatulog dahil sa sinabi nyang yan. Nayanig ako sa totoo lang. Not in a bad way but in a sweet way. Blair never change! Pero hindi pa pwede. Kung tutuusin parang ngayon palang kami ni Blair nagkakakilanlan dahil 8years ago ay hindi naman kami nag uusap ng kagaya nito ng sa ngayon. Sobrang nawiwindang pa din kase ako ng malaman ko yung estado ng pamilyang kinabibilangan nya. Samantalang nung senior high at yung ilang taon na nagkolehiyo sya dito ay saksi ako sa pagiging buraot nya sa lahat. Maging yung mga ninang ko hindi ko alam kung paano nyang na-scam para maging sponsor sa date namin dati.
Kahit si Maddy, akala ko dati ay yung Entertainment Station lang na iyon ang negosyo nila. Ang gagaling nilang magtago ng status sa buhay.
Nakaramdam ako ng gutom at dahil Malapit lang din yung kwarto ni Maddy sa akin kaya ang ginawa ko ay nagpalit na ko ng damit at nagtungo sa kwarto ng kaibigan ko. Nagpatulong ako sa isang staff para mabuksan iyong pintuan ng kwarto ng kaibigan ko. Saya di ba kapag Ninang mo ang may ari ng resort.
Napadamba ako ng higa sa kama nya at yinakap sya habang nakatalukbong ng kumot.
"Maddy para ka talagang gago! Nakatodo yung aircon mo tapos balot na balot ka naman!" sabi ko at idinantay ko yung binti ko sa kanya at yinakap sya ng mahigpit.
"Masasakal talaga ako ni Dada..." naiiyak na reklamo ko. Napatingin ako ng tumunog yung door knob ng banyo at nagbukas iyon. Natigilan ako at para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"Goodmorning..." bati sa akin ni Maddy habang pinupunasan nya yung buhok nya ng tuwalya. Nang mag angat yung tingin nya sa akin ay pareho pa kaming nanlaki ang mga mata at natigilan.
Napatingin ako sa bulto na yakap ko na balot na balot ng kumot.
"Yves---" saad ni Maddy at napalunok ako habang nagstart na akong magpanic. Pabangon na ko ng higa dahil may idea na ko kung sino yung taong nayakap ko! The next thing I knew, nakasukob na din ako sa loob ng blanket na iyon at nakakulong na ko sa yakap nya.
"Asar! Ang aga aga ang lalandi!" rinig kong muryot ni Maddy at tumunog yung pag on ng blower. Mayamaya ay tumunog naman yung cellphone nya at nagpunta sya sa balcony ng kwarto na 'to. Pero hindi nakaligtas sa pandinig ko sa tinawag nya sa kausap nya sa kabilang linya. Mas sila ng kapatid ko!
"Goodmorning..." pabulong na bati nya. Nalunod ako sa pagkakatitig ko sa mga mata nya na bagong gising. Sobrang saya kase ng bumabalot dito.
"M-Morning..." feeling ko nataranta ako lalo ng napangiti sya lalo dahil binati ko sya pabalik which is the first time na ginawa ko.
Ang nasa isip ko ngayon ay yung tula na nabasa ko dati habang nakatitig sya sa akin na wari bang pinapanuod yung kaluluwa ko sa mga mata ko.
She has a stars in her eyes
And poetry in her lips,
and loving a girl like her
will bring you to your kneesGanito ba yung pakiramdam na kapag nahuhulog ka na sa isang tao ay lahat ng sa kanya ay naappriciate mo kahit flaws na ito sa paningin ng ibang tao.
Nakita ko sa mga magulang ko yung kakaibang pagmamahal na hindi pasok sa standard ng lahat. Mahirap maintindihan yung sistema ng pamilyang mayroon kami dahil yung mga magulang namin ay parehong babae. Pero kapag kaharap mo yung taong naiibigan mo, wala ng mali sa paningin mo.
Halos kapusin ako ng hininga ko ng dumausdos palapit sa akin yung mukha nya. Napapikit ako ng halikan nya ko sa noo ko.
Hayop kang puso ka!!! Suwail!