12

2.9K 196 12
                                    

Yves's POV

Tahimik akong pinapanuod sina Tita Cielo at Mamita Russell habang inaayos yung mga dala nilang isang basket ng bulaklak. Sina Abuela, Baba, Mamita Aya at si Lolo Adam ay nakatindig sa bandang likod nila. Nawala yung mga kaibigan nila na madalas nilang kasama dito.

Lahat kaming Santillan ay nandito sa importanteng araw na 'to. Every year ay nag uuwian kami para sa araw na 'to. Parang tradisyon na namin na umuwi ng bansa kapag ganitong petsa. Napabuntong hininga ako. 

Mommy was named after her as well as Tita Cielo. Sya daw yung pinakamagaling na Santillan dahil nakuha nya ang Emperyo ng negosyo namin sa ibang kamag anakan namin at sila ang mga tumayong bagong haligi nito. Si Tita Cielo na ang pinakahead ngayon ng Santillan Empire at yung legacy nila ay kami na ang susunod na hahawak. Ilang taon na lang magtatransition na ng pwesto.

Napatingin ako kay Yuji na nakikipaglaro sa mga anak ni Tita Orange sila lang kase yung pinauwing mga pinsan namin. Gusto kasi naming magkapatid na magkaroon pa ng bunsong kapatid kaya lang hindi na kaya ni Mommy at hindi nagtuloy noong sinubukan nila noong after wedding. Medyo nagpanic kami noon kaya wag na lang. Mahirap naman na i- risk yung kalusagan nya.

Inakbayan ako ni Dada kaya napangiti ako sa kanya. Yumakap na kase si Mommy kay Mamita Russell.

"Magkikita ba talaga Dada kapag nasa langit na?" tanong ko at napatingin sya sa akin bago tipid na napangiti.

"Siguro.... that's the hardest question dahil wala pa din makasagot." saad ni Dada.

Napatingin ulit ako sa gawi nina Tita Cielo.

Heto yung natutunan ko sa mga Santillan... wag kang mapagod magmahal at magmahal ka na para bang malapit ng maubos ang oras ng mundo kaya dapat wala kang sasayangin habang kapiling mo yung mga mahal mo sa buhay.

Napayakap ako kay Dada at sinandig ko yung pisngi ko sa bandang dibdib nya. Gusto ko ang pakiramdam na 'to yung i-asa kay Dada lahat sa akin. Mahal na mahal nya kase kami ni Yuji.

Narinig ko na parang may humalik kay Dada. Eew! Nagkiss na naman sila jusko in public pa!

"Punta tayo saglit ng mall bago tumuloy kina Tita Russell..." sabi ni Mommy at naipit na ko sa pagitan nila dahil yumakap na din si Mommy mula sa likod ko.

"Wui! brokenhearted yung dalaga natin... umuwi na kase yung manliligaw..." natatawang pang aalaska ni Mommy sa akin bago humalik sa pisngi ko. Napasimangot ako.

"Hindi po noh..." sabi ko at napatawa sila ni Dada. Humigpit yung yakap ko kay Dada.

"Hindi pa pwede... baby pa din kita noh." saad ni Dada bago ako hinalikan sa noo ko.

Pag alis namin sa sementeryo ay dumeretso muna kami sa mall dahil may binili si Mommy. Nakasalubong pa namin si Maddy na busy sa pamimuli ng grocery. Ang dami nilang katangahan ni Yuji sa totoo lang. Magkasundong magkasundo sila sa kagaguhan.

...

Nakapasok ako ng finals ngayong open season kasama ko si Ully. Kaya sagad yung practice namin. Ang sponsor namin eh walang iba kundi sina Ninang Gale at Tita Cyrll. Kaya lahat ng gamit namin ni Ully eh bago!

"Namimiss mo na?" tanong sa akin ni Ully ng makaupo kami after ng head to head practice namin.

Napakunot ang noo ko sa tanong nya.

"Bakit ko mamimiss? Nag uusap ba kami dito sa school?" walang ganang balik ko sa kanya na kinatawa nya.

"Napaka defensive mo talaga kahit kailan Yves." iling na saad nya sa akin.

"Hindi noh...Nagsasabi lang ako ng totoo....nagkikita ba kami dito sa school? Nagbabatian? Nag uusap? hindi di ba?" saad ko at konti na lang talaga mahahataw ko na kay Ully itong bow ko eh!

Dating Mrs. Arcelo's Daughter (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon