Blair's POV
Bago pa masira yung mga dala ko ay inagaw ko na kay Kaia iyon. Nagtatalo ba naman sila ni Callen kung sino ang magdadala nun! Nandito na kami sa tapat ng gate ng bahay nina Yves. Mga naghanda ang mga kolokoy dahil may dala silang gitara.
"May ginawa kayong kagaguhan noh?" tanong ko at lahat sila ay natahimik at nagkanya kanya ng iwas ng tingin.
"Wala noh!" sabi ni Riyon. Lalong naningkit ang mga mata ko sa kanilang apat.
"Hangga't maaga ay umamin." plain na sabi ko at ang hayop na Callen ngising ngisi at napatingin sa mga kasama nya na hindi makatingin ng diretso sa akin.
"Wala nga." sabi ni Callen at kinuha nya yung dala nyang gitara. "I heard that Ate Yves want a romantic Filipino style of courting. We will help you." dugtong nya sabay tapik sa katawan ng gitara.
Napalunok ako. Kapag nagtiwala ako sa mga batang 'to parang inibig ko na din na italon yung huling hininga ko sa bangin ng kamatayan. Hayop!
"Come on! Kaia can sing as well as Ishan!" walang emosyong saad ni Riyon.
Aba't parang kalugihan ko pa na hindi ako magtitiwala sa kanila!
"This is the lyrics..." sabay pakita ng nakatiklop na papel galing sa bulsa nya. Kinuha ko iyon at binasa. Napatingin ako sa kanila at sabay sabay pang umangat yung mga kilay nila.
"I want to hear this..." sabi ko at hinila nila ako malayo layo sa bahay nina Yves.
Nang kantahin ni Kaia iyon ay nagandahan ako. Wow! Hindi ko ini- expect na maganda ang boses nya.
Napatingin ako kay Riyon.
"This two will be my back up singers, Callen will be on guitar... ikaw?" tanong ko kay Riyon.
Napataas ang kilay nya sa akin.
"Kailangan mo pa ba ng backup dancer? Harana ang gagawin mo at hindi variety show." paalala sakin ni Riyon at nagtawanan yung tatlo.
"Ano ka? Pamparami?" tanong ko dahil mukhang di naman nya ko tutulungan. "Wala kang talent noh?" dugtong ko at napaismid sya.
"Aapaw na ang pagiging dyosa ko kung sasakupin ko pa yung lahat ng talent sa mundo. Marunong akong magpaubaya." seryosong sabi nya at inagaw nya sa akin yung mga dala- dalahan ko.
"Pagiging maganda ang talent nya." sabi ni Ishan na natatawa kaya napangiwi ako.
Ang dami nilang alam.
Dalawang rounds ng practice namin ay natutunan ko yung tono ng kakantahin namin.
"Let's do this!" sabi ni Callen bago kami nagpunta sa bahay nina Yves.
"Ang harana ginagawa ito sa tapat ng bintana o ng balcony ng isang bahay na may ikalawang palapag ng bahay ng taong gusto mong pag alayan nito." sabi ni Kaia at napatango ako.
"Wag kang kakabahan Aquaman. Maselan sa tono si Ninang Yvie baka barilin tayo kapag pumiyok ka o nawala ka sa tono." sabi ni Ishan na syang kinakaba ko lalo. Hayop! Sanay naman akong kumanta sa harap ng maraming tao pero kapag pala sa harap ng espesyal na tao sa buhay mo gusto mo nakakahiyang bara- bara na lang.
"This is a good sign... si Mr. Moon!" turo ni Riyon sa may langit. Napaawang ang bibig ko ng napatingin ako sa buwan. Yves introduce me to him that night in Palawan.
Please! Mr Moon. Si Yves lang. Sya lang talaga yung gusto ko.
Pagtapat namin sa may balcony nila ay nag eye signal na si Callen bago nya sinimulang maggitara.