Yves's POV
I was taken a back sa reaksyon na binigay sa akin ni Blair. Wala syang pakialam at parang wala syang narinig sa sinabi ko na tumigil na kami dahil walang patutunguhan na itong relasyon na ibig naming pasukin.
"No. May pinanghahawakan pa ako sayo. Magpahinga ka and clear your mind at mag uusap tayo bukas." she manage to smile at me pero yung mga mata nya ay visible na nasasaktan sya sa dineklara ko.
Masakit man sa part ko itong ibig kong mangyare eh wala na kong magagawa dahil paulit ulit lang babalik sa isip ko na nagsinungaling sila sa akin at sa pamilya ko. Mauungkat at mauungkat lang yung nakaraan. Ayoko na araw araw kaming ganun. Ang hirap makita ng uncle nya sa totoo lang!
Nilagpasan nya ko at muling pumasok sa loob ng hospital.
Napatulala ako habang nasa harap ako ng manibela ng sasakyan ko. Nawawalan ako ng lakas sa mga oras na 'to dahil sa nangyayare sa buhay ko. Pitong bilyon ang tao sa mundo at talagang yung taong naka- date ko eh kapamilya pa yung taong muntikan ng pumatay sa aming magkapatid dati!
Hindi ko matanggap!
Tapos gagamitin pa nya yung sitwasyon na napamahal kaming magkapatid kina Maddison at Blair para mapatawad sila! Kahangalan! Kahit ipilit nya sa amin na nagbago na sya ay hindi namin sya mapapatawad!
Hindi nila alam yung sakit na naidulot nito sa amin. Hindi simpleng pananakit lang yung ginawa nya na sa isang sorry eh kaya ng burahin ng isang salita na iyon ang lahat ng impact ng mga masasamang bagay ba ginawa nya sa buhay namin.
Mayamaya ay nagring yung phone ko. Si Abuela.
Doon nya ko pinapauwi ngayong gabi dahil nasa kanila din si Yuji.
Nagdrive ako papunta sa bahay nila at ng makababa ako ng sasakyan ko ay nadatnan ko si Abuela na waring hinihintay ako sa pagdating ko kaya ang ginawa ko ay yinakap ko kaagad sya. Heto na naman ako naiipon na naman yung lahat ng emosyon ko sa loob ko at namamanhid ako sa lahat ng bagay. I wish I was like Yuji! Na kayang sabihin lahat ng nararamdaman nyang masakit sa kanya! Na nasasabi nyang galit na galit sya at kinamumuhian nya ang lahat ng nanakit sa kanya. Samantalang ako? Heto naiipon lahat sa puso at isip ko!
"M-May cancer daw po si Sid Anderson....." anas ko bago ako pakawalan ng Lola ko sa pagkakayakap.
She smiled sadly at me. Parang alam na nya ang kalagayan nito ngayon. Kaibigan pa din ang turing nya dito sa kabila ng nangyare.
"S-Sana po kasing galing nyo ko sa pagpapatawad..." pabulong kong saad bago kami naupo sa ikatlong baitang ng hagdanan malapit sa main door.
"Matanda na ko Yves, nakakapagod ng magalit at ang kakayahan ko na lang ngayon ay mahalin ang mga taong parte ng puso at buhay ko." malumanay na saad nya habang bakas sa boses nya ang pagmamahal na tinutukoy nya.
Napasandig ang ulo ko sa balikat nya at hinawakan ang isang kamay nya.
"Wala kasi tayong pinatawad sa mga taong nanakit sa atin sa nakaraan kaya minumulto tayo ngayon." saad ni Abuela. "Wala ni isa sa mga Santillan ang nagbukas ng mga puso ng bawat isa sa atin para sa mga taong iyon ng mga panahon ng ibig nilang humihingi ng tawad sa atin."
Napabuntong hininga sya.
"Kahit po ba sila yung gumawa noon sa atin ay dapat tayo pa din po bang nasaktan ang mag aadjust para sa kanila? ------ Mahirap po kaseng gawin ang bagay na iyon dati kahit sa panahon ngayon....ang magpatawad." saad ko. Dahil napakahirap magpatawad ng ganun na lang na sa isang iglap ay okay na. Nature ito ng tao. Ang magalit at hirap sa pagpapatawad.
"Mahirap naman talagang magpatawad kaysa magmahal. Pero hindi mo ba napapansin? Kahit na anong ignore natin sa nakaraan at dahil walang kapatawaran na nangyayare eh paulit ulit lang yung sitwasyon, bumabalik tayo sa sitwasyon at silang nanakit sa buhay natin." saad ni Abuela. "Kailangan mong harapin na silang lahat at hindi kailangan na takbuhan sila. Kapag ginawa mo iyon ay magiging magtatag ka sa buhay."