31

3.4K 205 24
                                    

Yves's POV

Namanhid ang buong katawan ko ng tuluyan na kaming nakapasok sa silid na iyon. Hawak ko ang isang kamay ni Abuela at tahimik naman na nakasunod sa amin si Blair. Wala akong lakas na ipagtabuyan sya dahil mahal ko sya. Nilalabanan ko ang sarili ko na huwag syang idamay sa galit na nararamdaman ko para sa tyuhin nya. Masama ito dahil inaasa ko na kay Blair ang buong lakas ko dahil bukod kina Mommy at Dada ay sya lang ang nakakaintindi sa nararamdaman ko. Naiintindihan nya ang galit na pinagdadaanan ko. At yung kay Maddy, pakiramdam ko ay nagtatampo ako sa kanya dahil naglihim sya sa akin ng mahabang panahon sa akin. Kapatid ko na sya halos kaya hindi ko matanggap na ganito yung ginawa nya pero wala din akong lakas na ipagtabuyan sya at yung baby sa sinapupunan nya.

Ganito pala yun noh? Magmamahal ka pa din kahit nasasaktan ang loob mo sa sitwasyon at nakakaya mong lanukin yung ego mo at magpakasama ng ugali para hindi mawala sayo yung taong mahal mo.

Tunog ng aparato at amoy ng gamot na humalo na sa hangin ang sumalubong sa amin. May isang nilalang na nakaratay sa kama ng hospital na wari ko ay nasa dapit hapon na. Humigpit ang pagkakahawak ni Abuela sa kamay ko na kinalingon ko sa kanya dahil sa pag aalala.

"S-Sid...." tawag ni Abuela ng makalapit kami.

Napamulat ito dahan dahan at may kapaguran sa mga labi nya ng mapangiti kay Abuela. Sa buong mukha nya ay halo-halong emosyon ang bumabakas dito.

Sakit, lungkot, pangungulila, pagsisisi at pagmamahal.

Nang makita ko itong mga emosyon na 'to ay alam ko na papatawarin na sya ni Abuela sa lahat.

"K-kamusta?" nanghihinang tanong nito.

Pumantay ang mga mata ko sa tanawin sa labas ng bintana ng kwartong ito. Magkakaibigan na sila noong nasa kolehiyo sila at may isang tao ang nagbubuklod sa kanila hanggang ngayon kahit wala na ito. Yung Dada ni Tita Cielo. Nakamarkang historya na iyon ng kumpanya kung bakit nakarating ito sa tugatog ng tagumpay at dahil iyon sa kanila. Sa mga kabaliwan nila dati kaya naagaw nila ang Santillan Empire sa mga taong hindi dapat umangkin dito. Yung magandang samahan na yun ay nalamatan nga lang pagdating ng mga panahon.

Maraming tao ang nanghinayang dahil doon.

Dahan dahan kong pinakawalan ang kamay ng Abuela ko para malapitan nya ang kaibigan nya. Naupo ito sa gilid ng kama at hinawakan ni Abuela ang isang kamay nito gamit ang dalawang kamay nya.

Tahimik lang akong nakatayo sa may paanan nya habang nakaharap sa bintana. Maganda ang panahon ngayon at nasaliw sa banayad na hangin ang mga dahon sa puno. Napatingin ako sa kamay ko ng lumapat ang mga palad ni Blair sa mga palad ko at pinagsiklop nya ang mga daliri namin. Inalalayan nya kong maupo sa isang gilid kaya nagpatangay ako.

Tama lang siguro ito? Ang ipagdamot ko ang taong 'to sa lahat. Ang gago ko dahil pinipikit ko ang mga mata ko sa pang aagaw ko sa kanya sa mismong pamilya nya. Kainis! Hindi naman ako ganito kadamot at ka-childish eh! Hindi ko din kase kakayanin na wala sya sa tabi ko. Yung kahit na wala syang sabihin o gawin basta nararamdaman ko ang presensya nya ay kumakalma ako at nababawasan kahit papaano ang mga isipin ko.

"Dahil sa katigisan ng ulo mo 'to noh?" tanong ni Abuela habang pinagmamasdan ang mga aparatong nakadugtong sa kaibigan nya.

"Katandaan ito, Dominique." saad nito na bakas mong nahihirapan syang huminga. Napatawa sila ilang saglit at ewan kung guni guni ko lang ba dahil parang pumasok sa balintatanaw ko na animo'y mga itsura nila noong college student sila.

Wala akong kaibigan na marami kagaya ng kay Abuela, sina  Maddison at Ully lang ang mayroon ako. Sina Atticus at Rajan ay kaibigan ko din  pero mas mapapel kase sila sa kapatid ko. Kaya minsan naiinggit ako kina Abuela o kaya kina Dada na ang dami nila at masaya. Wala akong naranasan na kaguluhan at katangahan na kagaya ng sa kanila para sana may maikwento man lang ako sa magiging anak ko. Kasalanan ko din naman dahil nilimitahan ko kase ang tiwala sa ibang tao. Umiikot ang buhay ko na ang kasama ko ay si Yuji at sina Callen sa loob ng Garden noon. Kaya ng mangyare ito, nasasaktan ako para sa amin ni Maddy at wala akong circle of friends na matakbuhan, iba pa din kase na may mga kaibigan ka na mahihingahan ka ng kwento ng mga nangyayare sayo. Nalulungkot ako dahil Nalamatan yung pagkakaibigan namin.

Dating Mrs. Arcelo's Daughter (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon