Yves's POV
Hindi maipinta ang mukha nya habang yakap ko sya. Hindi pa din kami pumapasok sa loob ng bahay dahil malilintikan sya kay Dada kapag ganito syang humarap sa kanila.
Natatawa ako dahil para syang batang nagtatantrums ngayon sa harap ko.
"She's Chloe...." umpisa ko sana pero lalo syang nalumbay.
"I already know." plain na sabi nya kaya napangiwi ako.
"Katiwala sya nina Dada at ng mga ninang ko sa isang joint property nilang lugar. Kaya kaibigan na namin sya simula pa noon." sabi ko at napatitig lang sya sa akin na wari bang nilalabanan nya yung bagay na lumulukob sa sistema nya. Ngumiti ako sa kanya.
"Saka sabi ko naman sayo na gusto kita..." paalala ko sa kanya at parang doon sya natauhan napabuntong hininga sya. May sasabihin sana sya kaya lang biglang bumukas yung gate namin kaya napahiwalay kami ng mabilis sa isa't isa ni Blair.
"Bakit nakatayo lang kayo dito? Pumasok kayo, tulungan nyo si Mommy na magprepare ng mga regalong ibibigay sa bahay ampunan." sabi ni Yuji habang bihis na bihis.
"Saan lakad mo?" usisa ko.
"Pupuntahan si Maddy sabi ni Aticus nasa 4th street daw 'to.... baka maglasing yun." sabi nito kaya napatango na lang kami ng sumakay na ito sa kotse nya at humarurot paalis.
.....
Habang nagbabalot kami ng mga laruan ay nagkukwentuhan sina Mommy at Blair regarding sa negosyo nito sa US na naiwan nya. Kay Dada lang talaga sya takot na takot at sa mga Ninang ko. Natutuwa ako dahil kahit papaano ay komportable sya kay Mommy at balang araw ay makakasundo din nya si Dada ng ganito."Tita pwede po bang dalhin ko po si Yves sa art exhibit po ng pinsan ko bukas?" paalam nya kay Mommy.
"Oo naman pero after ng date nyo eh sumunod kayo sa bahay ampunan kahit bago mag 3pm." paalala ni Mommy at sobra ang pagkakangiti ni Blair na akala mo nanalo sya sa lotto.
Mayamaya ay nakita namin si Dada na pababa na ng hagdanan habang may kausap sa phone nya.
"Nakarating ka na dyan?" tanong ni Dada sa kabilang linya. "Okay good. Chloe ikaw na ang bahala sa mga bagong installation ng security dyan. Si Ate Puffy mo ang magpapadala ng mga taong makakatulong mo. Walang kang ibang papasukin dyan kundi yung kasama nya sa mismong araw na yun huh?---- Okay. Thank you, Goodnight." paalam ni Dada. Napatingin ako kay Blair at ibig kong matawa dahil nauuto na naman sya.
"Bakit nagchange ng security system sa Garden?" tanong ni Mommy ng mapahinto sya sa paglalagay ng mga nabalutan naming regalo sa isang malaking box.
"Gawa ni Callen at Kaia, may nakaabot sa North Alley na magnanakaw eh nahagip nung dalawa, muntikan ng---- hindi talaga sila pwedeng pagsamahin na magpinsan dahil makakapatay talaga sila." sabi ni Dada at natigilan ako.
Napatingin ako kay Dada dahil parang sobra yung nangyare.
"Ang tigas ng ulo ng anak ni Cyrll na yun..." sabi ni Mommy at muling pinagpatuloy yung paglalagay ng nabalot naming regalo sa may box.
"Nahahawa na din sina Riyon at Ishan.... ewan, si Roian at Cy ba naman ang magulang kundi ba naman hindi ka mautas..." natatawang saad ni Dada.
Napatayo si Dada at napatingin kay Blair na busy sa pagbabalot ng regalo habang nakanguso. Nagsalubong yung kilay ni Dada at napatingin sa akin si Dada. I mouthed Chloe at napatango sya bago muling tumingin kay Blair.
"Bata." tawag ni Dada at natigilan si Blair. Napatingin sya kay Dada. Ang cute nya habang nakatingin sa magulang ko. Ang bait nyang tingnan.
"Samahan mo ko may kukunin tayo sa bahay nina Mommy." sabi ni Dada at mahinang binato nya kay Blair yung susi ng kotse. "Hindi ka kasama." ngisi ni Dada sa akin kaya ako naman yung napasimangot.