14

2.9K 218 21
                                    

Yves's POV

Magkatapatan kami ng inuupuan ni Blair at hindi sya makatingin sa akin na hayop sya! Gago! Nilaglag ako kay Dada! Nakakapanabang makipag date sa lintik na 'to!

Pinuntahan kase ni Dada si Mommy sa kwarto at sinabihan ako na bantayan ko ang isang 'to hangga't hindi pa sila bumababa.

"Sorry na---" sumamo nya pero tinaasan ko sya ng isang kilay ko.

"Dapat pala sa leeg na lang kita ginarote noh?" seryosong tanong ko at napangiwi sya.

"Wag ng magalit... ngayon na nga lang tayo nagkita eh..." nakangusong saad nya na lalong kinasalubong ng mga kilay ko.

"Feeling close pa ang hinayupak..." mahinang anas ako. Mayamaya ay pababa na sina Mommy kaya napatayo sya sa kinauupuan nya.

"It's nice to see you again, Blair." nakangiting bati ni Mommy na kinataka ko. Wow! Ang bait nya dito sa isa.

"Good morning po." nakangiting bati pabalik ni Blair sa Mommy ko. Sinenyasan sya ni Dada na maupo na. Nakapagitna si Dada sa amin ni Mommy ng maupo ito.

"Ask it now..." utos ni Dada at napatango si Blair sa kanya. Napatikhim pa sya bago humarap kay Mommy. Parang naiilang sya sa presensya ni Dada na ngayon ay nakaakbay sa akin habang kalmadong nakaupo sa tabi ko.

"Tita... I know it's kinda late to ask you this, still I'm hoping you will give me your permission..." may bahid ng kaba iyan ng ilintaya nya kay Mommy na tahimik na nakikinig sa kanya. Para syang kakatayin na baboy dahil sa pagkawalang kulay ng mga labi nya. Sobra takot nya sa mga magulang ko kahit wala pa itong ginagawa o sinasabi.

"Payagan nyo po sana ako na i- date ko po yung anak nyo mamayang gabi...." parang walang hangin ng sabihin iyan ni Blair sa Mommy ko.

Parang nalaglag ang panga ko sa kalokohan ng babaeng 'to.

"What the! I thought you already.....! Pambihira!" inis na saad ko at ibig kong tadyakan itong center table na nasa pagitan namin para madakdak yung mga tuhod nya para matauhan syang gago sya. Alangan syang napangiti sa akin.

"Ang hirap suyuin ng mga Ninang mo...saka ni Dada." at napalunok pa syang napabaling ang mga mata nya kay Dada.

"Sana inuna mong kausapin yung Mommy ko bago sina Ninang Gale.... Napapayag mo nga yung mga Ninang ko tapos pagdating sa Mommy eh hindi naman sya pumayag..." kakapika!

Napalunok sya at nagpunas ng panyo sa gilid ng noo nya.

"Wag mo kong awayin sa harap nila... mamaya na lang..." alangang sabi nya sa akin na lalong kinanuot ng noo ko. "Hindi nila ko papayagan...Nakakahiya kay Tita Art."

"You meet Artemis?" gulat ni Mommy at napatango si Blair sa kanya.

"Kamusta?" tanong ni Mommy ulit.

"Medyo malambing po pala sya in person?" at napangiwi sya ng sabihin iyan kaya natawa sina Dada.

Nahihilo na ko sa totoo lang habang kausap namin itong tao na 'to. Napakatapang nya na pati si Tita Art eh nagawa nyang utuin sa ganito.

"Okay papayag ako in one condition... magbebehave ka at wala kang gagawing kalokohan. Know your limitation katulad ng napag usapan natin dati. Kapag nakuha na ni Yves yung mga pangarap nya after ng mga taon na palugit sayo ng Dada nya ay saka ka palang manliligaw sa anak ko. I know Yves will be safe kase nandoon ang mga Ninang nya para maging mata naming mag asawa mamaya." turan ni Mommy at parang nagliwanag yung kulay na bughaw na mga mata ni Blair. Napaiwas ako ng tingin dahil napa-facinate talaga ako sa mga yan!

"Promise po! You have my words Tita at wala po talaga akong masamang intensyon para sa gabing ito.... Gusto ko lang pong iparamdam kay Yves na kung gaano po sya ka espesyal sa buhay ko bago po ako bumalik sa US para habulin naman po yung mga pangarap ko." turan nya at ewan bakit ganito yung nararamdaman ng puso ko ngayon. Sobrang lakas ng pintig nito at parang nalulunod sa masayang bagay na hindi ko naman nakikita pero humahaplos sa puso at sistema ko.

Dating Mrs. Arcelo's Daughter (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon