Yves's POV
Pareho kaming tahimik habang nakahiga kami sa kama at nakaunan ako sa braso nya at nakatitig kami sa kisame ng kwarto nya. Pareho kaming may kanya kanyang isipin sa buhay kaya nahihiya ako sa kanya dahil maging yung depression na pasanin ko ay nagiging pasanin na din nya.
"Okay ka lang?" tanong nya at tumagilid sya paharap sa akin.
Napatango ako ng humarap ako sa kanya.
"Dapat magpunta ka doon.... Tita Esther need you. Alam kong nalulungkot sya dahil tumayong ina din sa kanya si----" natigilan ako dahil hindi ko kayang sabihin ang pangalan nya o hindi ko malaman sa sarili ko kung ano ang itatawag ko sa kanya.
Ngumiti sya sa akin ng puno ng assurance.
"Mas kailangan mo ko..... Saka bakit iiwan ko ang asawa ko na mag isa? ang itim na ng ilalim na mga mata mo. Kailangan mong matulog para hindi manakit ang ulo mo." saad nya. Parang humaplos sa puso ko yung sinabi nya. Hindi nya ko iiwan at tama sya, kailangan ko sya.
"Nahihirapan kase ako matulog recently...." pag aamin ko dahil bago kami pumunta dito ay palala ng palala si Yuji. Recently ay nagpupunta si Tita Yuri sa bahay at kinakausap ang kapatid ko at kapag gabi naman ay si Mommy ang kausap nya. Napakatahimk na nya hindi gaya dati at hindi ko malaman kung anong tumatakbo sa isip nya. Hindi din niwawaglit ni Dada ang tingin nya dito. Nakavacation leave din sya kagaya ko at naka- banned kami na magpunta sa Santillan Empire dahil sapilitan ang bakasyon namin na 'to sa utos din ni Tita Cielo.
Ayos lang din dahil wala naman akong magagawang trabaho doon sa lagay ng isip ko ngayon.
Sobra pag aalala ko sa kanya at maging sa pamangkin ko na nasa sinapupunan ni Maddy. Hindi na din maapuhap nina Dada ang gagawin nila.
Natauhan ako ng hilahin ako ni Blair palapit sa katawan nya at yinakap ako.
"Natutulala ka na din.... matulog na tayo..." bulong nya. "Bukas pa- Oregon na tayo. You will love that place for sure. Pinahanda ko din yung bahay na gagamitin natin." masiglang saad nya.
Matagal ko na din pangarap na makarating doon at sana nga lang ay hindi sa ganitong sitwasyon na natutulig ako sa depression at anxiety ko. Simula kase na nasa paligid ulit namin si Lucian ay naaaning ako sa totoo lang.
"Bakit nagsasakripisyo ka sa akin ng ganito? Sinusugal mong lahat ng mayroon ka at alam mo kapag nagtagal na nakipagmatigasan ka sa pamilya mo.... mawawala sila sayo..." bulong ko at yinakap nya ko ng mahigpit. Naramdaman ko na nilalaro ng daliri nya ang hibla ng buhok ko.
"Why not? I love you and you are my wife afterall. You deserved every inch of me. I know someday that you will be fine at matatanggap mo din ang pamilya ko." saad nya at napapikit ako bago ko siniksik ang mukha ko sa leeg nya. Nakakarelax yung amoy nya.
I feel sleepy when she's starting stroking my hair and she's humming a song. And right there nilamon ako ng antok ko.
I was dreaming me and Blair, we are walking while we are holding each other hand at nasa halamanan kami ng Garden.
"I love you...." I mumbled and she answered me with a smile at puno ng pagmamahal yung kulay bughaw nyang mga mata.
.....
Five hours and a half ang biyahe namin papunta dito. Nang makita ko yung sumundo sa amin ay agad ko itong napalapit at yinakap ako.
"Farren!!!" masayang saad ko at napatawa sya bago nya ko pakawalan.
"Kamusta na?" tanong nya sa akin bago nakipag apir kay Blair.
Hindi kami nakasagot pareho kaya natawa sya.