Blair POV
Kami yung unang papalo! This is good!
Si Master Cy yung pitcher. Ako ang unang papalo.
"Galingan mo bata..." sabi ni Kuya Leo at napatango ako.
Kontrolado ko ang hininga ko habang taimtim na nakatitig sa posisyon ni Master Cy. At nakabwelo na ko. Tinaon nyang papalunok ako saka nya mabilis na binato yung bola at hindi ko napalo iyon. Ang galing!
"Focus kid." natatawang saad ni Tita Shann dahil syung catcher sa likod.
Winasiwas ko muna yung bat sa ere at napahinga ng malalim. Ang bilis nyang bumato at kalkulado nya yung bibigyan nya ng bola.. Kuha ko na.
Bumwelo ako. And right there!
Tumilandang iyon palayo at nagtatakbo ako.
Nakita ko yung ngisi ni Master Cyrll sa akin nung naka-home run ako. Sa lahat ng sports dito ako hindi madadaya.
Cyrll's POV
"That kid is freaking good---" natatawang puri ng kapatid ko.
"Sporty---" saad ni Carol habang nakatingala at mukhang malapit na syang maasar sa tirik ng araw. "May nadagdag sa team ni Yvie bukod kay Yuji."
"Okay guys...let's do this in a nice way..." ngisi ko at gusto kong sagarin yung batang yan kung ano yung kakayahan nya. Lagi syang kinukwento ng anak ko dahil natalo sya nito sa match nila sa school. At batay sa observation ko sa kanya magaling syang mag adjust sa kritikal na sitwasyon. She remind me of Hunter. Ganito si Hunter lumusot sa mga kritikal na sitwasyon...
"Shann!!!" sigaw ni Gale at napatingin sa kanya si Shann.
"Nice way!!!" sigaw ulit ng kapatid ko at nagthumbs up si Shann.
"Pati bata pinapatulan!" masungit na sabi sa akin ni Roian kaya napatawa ako.
"Never let that kid win!" sabi ko sa mga kaibigan ko. Carol is my game changer here. Papakitaan namin ang batang yan ng baseball na walang batas!
Blair's POV
Napalunok ako sa way ng paglalaro nila ng baseball! Hayop bakit parang walang rules! Parang magpapatayan kami sa lalakas ng palo ng bola at paghagis nito. Yung tunog ng pagsalpok ng bola sa may mismong bat eh nakakangilo! Sa mga mata ko parang giyera ang nangyayare. Kahit sina Kuya Kieron at Kuya Leo eh nalulula sa mga pitch ni Master Cy.
"Makakapag adjust ka din bata..." sabi ni Tita Puffy na wari bang normal lang itong nangyayare. Napakaalikabok na ng paligid! Masahol pa sa street baseball itong mangyayare!
"Down!" sigaw ni Tita Carol ng hindi makaabot yung yapak ni Kuya Kieron sa second base dahil nasalo na nya yung bola.
Napalunok ako dahil ako na ulit yung papalo.
Napabuga ako ng hangin mula sa bibig ko bago ako pumwesto at bumwelo na papalo.
Natulala ako sa sobrang bilis na pangyayare dahil isang pulgada lang yung layo nung bola ng mabilis itong dumaan sa gilid ng mukha ko kaya napaatras ako. Tangna!
Parang nawala yung puso ko sa tamang posisyon nito dahil nangatog ang mga tuhod ko. N-nasalo iyon ni Tita Shann at napatawang napatingin sa akin. Lupet!
"Ayos ka lang?" tanong ni Tita Shann at napatango ako.
Pakadaya! Parang si Callen!
Alam ko na.
Lumipat ako ng pwesto at papalo ako bilang kaliwete. Natahimik silang lahat sa akin. Kapag ganyan sya bumato eh mas mataas ang tyansa ko bilang kaliweteng batter!