Blair's POV
"Ano ulit ang sikretong gagamitin mo for long lasting marriage life kasama ang anak ko?" tanong sa akin ni Dada after nyang humataw ng bola ng golf.
"Puro ka kalokohan Yvie..." natatawang anas ni Tita Cielo.
Napatingin ako kay Dada.
"No matter what happened, she's always right." sagot ko. Lalong napatawa si Tita Cielo sa sinagot ko.
"Good answer!" saad ni Dada na para bang ang dami kong natutunan sa kanya.
"Ganun din po ba ang sikreto nyo ni Mommy kaya po matatag yung marriage life nyo?" tanong ko.
Inakbayan ako ni Dada.
"Hinaan mo ang boses mo.... hindi ako under.... masunurin lang ang tawag doon dahil hindi gulo ang hanap natin...." saad pa ni Dada kaya napakamot ako ng gilid ng kilay ko.
Sobra nga ang takot nya kay Mommy kapag nagwawala ito sa kalokohan nila nina Yuji at Yves.
"Kahit nang aaway ang asawa mo wala kang ibang gagawin kundi ang magbehave.... minsan hindi masayang matulog sa sofa sa labas ng kwarto..." kwento ni Dada at napangiwi ako dahil doon.
"Hindi ko pa po nararanasan sa ngayon iyon...." sabi ko.
"Hindi maiiwasan iyon... basta para syang si Andrea din kapag nagtotoyo... at isa pa palaguin mo ang psychic abilities mo... Kapag tinanong mo sya halimbawa kung anong ibig nyang kainin o ano pero hindi mo pala alam pumapalo na ang toyo nya sa ulo... kapag okay o oo ang sagot nya it means no, at kapag no minsan ay no talaga iyon o kaya yes... basta tantyahin mo na lang." nalilitong payo ni Dada kaya mas nalito ako. Jusko saan ako lulugar doon. Pero minsan ay ganun nga si Yves. Parang nakakarelate ako sa kanya. "Di ba? Nakakalito? Ganun sila ng Mommy nya kapag tinotoyo eh..."
"Yvie marriage life ang pinag uusapan natin dito at hindi gyera!" tawang tawang saad ni Tita Cielo.
Napatingin sa akin si Tita Cielo habang nakangiti.
"All you need to do is love Yves with all your heart. Marriage life is full of upside and down. Kapag may hindi pagkakaunawaan ang dapat nyong gawin ay mag usap settle things right away. Huwag patatagalin. Naka isang taon na kayo kaya parang honeymoon stage pa din yung feeling nyo at wala pa naman kayong anak." saad ni Tita Cielo sa akin at napatango ako dahil totoo iyong sinabi nya.
How to date Mrs. Arcelo's Princess?
Dati iyan lang yung tanong na bumabalot sa isip ko at hindi ko malubos maisip kung paano kong napagtagumpayan lahat ng pagsubok na binigay sa akin ni Dada at ng mga kaibigan nya para lang makalapit ako sa unica hija nya pero ngayon ay iba na......
Paano ko sya mapapasaya sa habang buhay na magkasama kami?
Kung tutuusin ay mas madali pala iyon ang kunin ang loob nila para may mapatunayan ka.
Your heart should be transparent to all of them. Sobra ang pagmamahal nila kay Yves kaya inexpect ko na from the start ay mahihirapan ako na patunayan sa kanila maganda ang hangarin ko sa kanya. Trust and their love always betrayed by the person they thought that can be part of their family.
Ngayon ay nakakapanic naman talaga kapag iniisip ko yung future namin ni Yves. Pangarap kong maibigay sa kanya ang lahat at maiparamdam sa kanya na sa piling ko ang pinakamasayang lugar sa mundo. Gusto kong magkapamilya kaming dalawa.
"Just love her... huwag mo syang sasaktan. Napakadaming nangyare sa kanya simula ng pagkabata nya at sayo ko lang nakita na nagtiwala ang anak ko maliban kay Maddy. Mahal ka ng anak ko at sana huwag mo i- take advantage iyon na saktan sya... walang sasaya at ikapapanatag ng loob namin na magulang ni Yves na makita sya na masaya at reyna sa buhay ng taong pinili nya. Lahat ng pinangako mo sa amin regarding sa anak ko nawa'y tuparin mo. Hindi ka na iba sa amin Blair... simula ng pinapasok ka ni Yves sa buhay nya ay anak na ang turing namin sayo." seryosong saad ni Dada sa akin.