Yves's POV
"Yves wag kang malikot baka mahulog ka..." reklamo nya habang magkaduluhan kaming lulan ng isang maliit na bangka at sya yung taga sagwan.
May maliit kase na lawa malapit sa bahay ni Tita Carol na nadaanan namin kanina. Pagkahatid namin sa pinapitas nilang strawberry ay bumalik kami dito.
"Anong gagawin ko? Ganito na lang yung upo ko buong duration na mamangka tayo?" ayokong magmaldita pero hindi ko mapigilan!
Napatawa sya dahil sa inasal ko at parang aliw na aliw sya nagmamaldita ako sa harap nya.
Nagsagwan sya hanggang sa makarating kami sa may gitna ng maliit na lawa. Namangha ako ng mapagmasdan ko yung kinalalagyan ng bahay nina Tita Carol. Ang ganda. Parang ginaya nila yung mga bahay sa Berlin na may halong style ng bahay sa Australia.
"Kapag nagkatuluyan tayo eh mas maganda dyan ang papagawa ko..." kaya napalingon ako sa kanya at seryoso sya habang nakatingin doon sa tiningnan ko kanina.
"Sure na sure kang magkakatuluyan tayo huh? Mahaba ang walong taon at marami pang mangyayare." ngisi ko dahil totoo yun. Madaming nangyayare sa bawat segundo sa buhay ng tao. Hindi ito fix. Kaya nga may dalawang palad tayo na magkaiba ng guhit. Isang nakatakda at yung kabila eh yung may kakayahang magbago ng nakatakda sayo. Hindi lahat ng nasasaisip ng isang tao para sa future nya eh natutupad ayon sa perspective nya.
Kaya nga kapag kinukwento ni Dada si Mr. Moon? Sinasakyan ko lang dahil iyon totoo. Kahit paulit ulit nyang sinasabi sa amin ni Yuji na doon nya hiniling na mapasakanya si Mommy.
"Kapag pangarap mo hindi masamang antayin mong matupad..." sagot nya habang ayun na naman yung desididong emosyon na bumabalot sa mga mata nya.
Nagpatay malisya ako sa sagot nya at pinagmasdan na lang yung paligid. Nakakadala syang magsalita. Hindi mo malaman kung totoo ba o eching eching lang.
"What is your dream Yves?" tanong nya.
"To become great like the other Santillan." sagot ko.
Napatango tango sya.
"Your the bravest person I ever met na nakaharap sa Ninang ko...." sabi ko dahil naririnig ko nitong mga nakaraan na natatawa si Ninang Gale sa mga katangahan nitong si Blair.
"Kailangan kong makipagsabayan para maapuhap ko yung hininga ko." sagot nya at nagpigil ako ng tawa sa narinig ko. Nakakatakot naman kaseng talaga sina Ninang Gale. Lalo na kapag sumisigaw na sila sa frustration at galit.
Mayamaya ay napabuntong hininga sya kaya nagsalubong ang mga kilay ko at mukha syang natutuyuan ng lalamunan sa harap ko.
"S-sorry...pakiramdam ko kase parang nananaginip ako ngayon." sabi nya. Ngayon ko napansin parang kinakabahan sya.
"What are you doing in Maobit that time?" tanong ko at alam nya yung tinutukoy ko.
"That was the time na nawalan ng lahat yung pamilya ko at kailangan na desisyunan na ilayo muna ko sa stress na nangyayare sa trabaho ni Daddy.Too devastating when you see your Dad lost everything and you can't do anything is just to watch them....But When I see you smiling that time while you talking to your family that time....It gives me hope.....believe it or not? Your smile is the brightest thing I ever seen that day..." seryosong saad nya. Feeling ko magkakasakit ako sa puso sa tuwing nagsasalita sya dahil parang may epekto yung mga salitaan nya dito eh!
"Senior high school palang tayo, Apat na taon pa sa kolehiyo at allowance na apat na taon para matupad ko yung pangarap ko ang hiniling sayo ni Dada di ba bago ka makaakyat ng panliligaw sa bahay?" tanong ko at ngayon palang ay didiretsahin ko na sya.