35

3.1K 223 17
                                    

Yves's POV

Yung palusot ni Callen ang hindi ko matantya kung totoo ba o kung ano!

"Gusto nyo ng harap harapang gulo noh?" nagpipigil kong isigaw sa kanya mula sa kabilang linya. Mga hindi nag iisip! Hindi nila alam na kami ni Blair ang maiipit dito. Sa sarili ko ay humahanap lang ako ng lakas ng loob na makaharap sa pamilya ng asawa ko.

"No! ofcourse not! Inutusan lang kami." sagot pa nya.

"Yung kapatid ko?" tanong ko dahil ga- hibla na lang talaga yung pasensya ko sa batang 'to.

"Bumalik na ng New York....." sagot nito.

"Bumalik? Gago talaga! Iniwan nya si Maddy!" kainis puro na sila katangahan!

"Sa amin pinapasundo si Ate Maddy. We will take good care of her." sabi pa nya.

"No. She will stay with me. Oo wala akong tiwala sa inyo." saad ko at napatawa sya.

"Judgemental mo Ate! Ako kaya ang bumili ng mga chocolates para sa kanya. Sabi nya nagke-crave sya tapos makahusga ka ate.... mabait ako! Kita mo? pinaglilihan pa nya yata ako!" lintaya nya habang natatawa. Napaikot sa ere yung mga mata ko ng sabihin nyang mabait sya. Jusko! saang parte!

"Huwag nyong idadamay si Blair sa mga katangahan nyo." saad ko dahil tinuturuan nilang magsinungaling sa akin yung isang yun!

"Sige na ate choppy na yung linya....hello? hello? Tutututoooooot!" saka nya ko binabaan!

Nakakagigil ang lintik!

Napaupo ako sa gilid ng kama namin ni Blair. Nasa baba sya at kasalukuyan na kinukuha nina Angelo si Drake para dalhin sa isang hospital.

Hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa mga nangyayare at dahil sa mga Anderson na yan! Bakit ayaw nila kaming tantanan!

Hindi ganitong pagsasama yung ibig ko para sa amin ni Blair. Hindi ko ibig na ilayo sya sa pamilya nya dahil lang sa pagkadisgusto ko sa isang myembro ng pamilya nila. Hindi ko talaga mapigilan yung galit ko sa taong iyon. Hindi ko kayang buksan yung pang unawa ko sa kanya para pakinggan yung mga excuses nya gayong sinadya nyang lahat yung pananakit nya sa amin noon.

Magpatawad ka dahil nagmamahal ka naman ngayon.

Para sa akin ay different aspect ng buhay ko si Blair. Hindi sakop ng pagmamahal ko kay Blair yung nangyare dati. Kahit palipitin ang leeg ko ngayon, sigurado akong hindi ko kayang magpatawad at hindi ko kayang dayain ang sarili ko na  magpanggap na napatawad ko sya for the sake na makaharap ko ang Mommy at Kuya nya o maging yung ibang myembro ng pamilya nya. Hindi ko din kayang harapin si Tita Esther at tingnan yung kamay nya na hininging kabayaran ni Dada dati.

Ganito ba kapag nagmahal ka eh nagiging isip bata ka at madamot?

Sobrang naiipit na si Blair sa sitwasyon ko sa pamilya nya.

Naalala ko si Maddy at yung pamangkin ko sa sinapupunan nya. Lumabas ako para sana silipin sya. Nakaawang yung pintuan ng kwarto nya at hindi man lang nya napapansin yung presensya ko dahil sa headset sa tenga nya. Naka indian seat sya sa ibabaw ng kama habang nakabukas yung bag sa harap nya at may hawak syang isang tinapay na nakaplastic pa.

Sobra pangingitim ng ilalim na mga mata nya marahil sa kakulangan sa pagtulog.

Natuwa siguro sya kay Callen kaya nagpabili sya dito.

Natigilan ako ng may inilabas syang tshirt at isinuot nya iyon sa isang unan. Tshirt iyon ng kapatid ko.

She need Yuji! Pero wala akong magawa. Hindi ko kontrolado ang isip ng kapatid ko.... wala ako sa kalagayan nya noong gamuntikan syang mamatay sa kamay ng taong iyon kaya hindi ko sya mautusan kung anong dapat nyang gawin. Hindi ko masukat yung traumang binigay noon sa kapatid ko.

Dating Mrs. Arcelo's Daughter (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon