Blair's POV
Nang makagraduate kami ng senior high ay nagmakaawa ako kay Kuya at Daddy na sana dito ko na lang tapusin yung pag aaral ko dahil napamahal na ko sa lugar na 'to. Ayun, medyo tagilid yung desisyon nila. Hindi na ko player ng swimming club noong nagkolehiyo ako. Hindi ko na kakayanin dahil sa commitment ko sa school at kina Dada kapag Sabado. Tuloy tuloy pa din kase yung hazing ceremony ko dahil parang hindi sila nauubusan ng kalokohang idea para mapasuko ako. Pero matatag to noh! Nasimulan ko na susukuan ko pa ba? Worth it naman yung dahilan ko.
Mula nung araw na naisayaw ko sya malapit sa lawa sa bahay nina Tita Carol ay hindi ko na ulit nilapitan si Yves ng kagaya nun dahil iyon ang kondisyon ng araw na yun. Ayos na din at nangyare iyon. That's the sweetest day of my life. Hindi mabura bura sa isip ko iyon. Para kasing panaginip na nangyare sa akin yun.
She's doing great in school, sila ng kambal nya. They taking up Engineering Management. Kagaya daw iyon ng sa Dada nila. Kasama nila si Maddison na kumuha ng kurso na yun. Tapos sina Rajan at Aticus ay management ang kurso nila. At ako? I'm taking up Industrial Engineering. At may ilang subject na dapat magkakaklase kami pero pinagawan ko ng paraan para hindi mangyare iyon dahil maattempt lang ako na kulitin sya na syang ikayayamot ng Dada nya. Kailangan kong sumunod para balang araw matanggap nya ko bilang manliligaw ng anak nya.
Yung dating si Callen lang ang problema ko? Ngayon dalawa na sila! Nagtransfer na din dito si Kaia!
Yung araw lang ng linggo yung kapayapaan ko dahil weekdays itong sina Callen at Kaia ang delubyo sa buhay ko sa school tapos kapag weekends? Yung mga magulang naman nila yung bangungot ko sa totoo lang!
Si Yuji nakakausap usap ko yan dahil puro kalokohan din yung mga pinagagawa nya sakin! Napakalakas din nyang mandiscriminate na mambabae na lang daw kami at wag na daw yung panget nyang kapatid. Hindi nya ko mauuto noh!
"Nakita mo yun?" turo nya sa isang babae.
Nandito kami sa may rooftop at nakadungaw sa ibaba kung saan naglalakad ang mga estudyante na kagaya namin.
Napataas yung kilay ko sa kanya.
"Bigay mo 'to." utos nya at abot ng love letter na gawa nya.
"Hindi ka ba nagagwapuhan sa sarili mo at sa akin mo pa ito inuutos?" reklamo ko. Pakatuod ba naman!
"Akala ko ba kukunin mo yung tiwala ko para sa kapatid ko? Mareklamo ka na huh." saad nya at muling napatingin sa ibaba.
"Hindi mananalo sa akin si Maddy this time!" ngisi nya. "T-teka---" parang nagpanic sya kaya napadungaw ulit ako sa tinitingnan nya.
Sinasabi na nga ba!
"Talo ka na...Sumama sa kanya yung babae." sabi ko at iniabot sa kanya pabalik yung sulat.
Paano ba naman syang magugustuhan ng mga babae dito sa school? Hindi sya dumidikit o nakikipagholding hands man lang...hindi ko nga masabi sa kanya na kalat na kalat na napagbibintangan syang bakla at supot dahil parang sya na lang yata yung walang scandal dito sa school na 'to sa mga kalalakihan eh!
Maddison changed a lot hindi naman nya sinasabi sa akin kung anong dahilan pero may kutob ako na baka sa pamilya nila ang may problema. Kaliwa't kanang mga babae ang winawalanghiya nya. Lalo na sa company ng tatay nya...mapaartista o modelo eh ginagago nya.
Pero kay Yves ay ganun pa din yung pakikitungo nya and she love and she protect Yves like her sister. Magbestfriend talaga sila. Sya yung tumutulong sa akin para madispatya yung ibang nanliligaw kay Yves. Malaking tulong sa akin iyon.
Mga kalahating oras ng pagstay namin ay may tumatawang Maddison yung dumating dito sa rooftop. Naupo sya dito sa pagitan namin ni Yuji na naiiling.