Yves's POV
Kinuha nya sa akin yung susi ng kotse ko at heto sya ang nagdadrive. Hindi ako kumikibo buong biyahe namin. Alam nya daw kung nasaan sina Riyon.
Para na kong lalagnatin sa nangyayaring dilemma sa isip ko!
Naramdaman ko na napahinto na yung sasakyan at natigilan ako ng marealize ko kung nasaan kami.
Napatingin ako sa kanya. Paanong?
"Sinama na ko ni Dada dito... pwede na daw ako dito." saad nya.
Kainis si Dada. Feeling ko mas spoiled pa nya si Blair kaysa sa akin.
Pagkabukas ng gate ay mabilis nyang minaneho ulit yung sasakyan papasok.
Alam na din nya yung pwesto ng South Maige! Ibang klase!
"Napakasipsip!" saad ko bago bumaba ng sasakyan.
Naramdaman ko na nakasunod na sya sa likod ko habang naglalakad ako papunta sa tambayan na pinagawa namin ni Yuji dito. Paborito nina Riyon na tumambay dito.
Tama ako, nandito nga ang mga kolokoy maliban kay Callen.
Nakagawa na sila ng script dahil napakacasual na ng mga pagmumukha nila sa harap ko!
"Bakit nyo naisipan yun?" paumpisa ko at isa isa ko silang tinitigan.
"Yung ano Ate?" inosenteng tanong pabalik ni Kaia sa akin. Napataas ang kilay ko at nilabanan ko ang sarili na sumabog sa galit sa mga oras na 'to.
"Amin na. You know me guys. Alam nyo ang kapasidad ko." saad ko. Nahuli kong napalunok si Ishan. Sabi na!
Mga sarado talaga ang mga bibig ng mga gagong 'to! Kahit si Riyon ay walang pag amin na gagawin.
"Okay let's end our blood compact here-----" naputol ang sasabihin ko ng humirit si Riyon.
"Callen do that, kaso bukal sa puso mo ang pumirma sa marriage contract nyo." saad nya.
"Bukal? Tang ina! Lasing ako ng pinapirma nyo ko!" wala na kumawala na yung galit ko!
Nakakabwisit!
"Wala na Ate, nandyan na eh. Kahit sabihin mo na dahil sa kalokohan ni Callen kaya kayo nakasal eh hindi naman kayo papaniwalaan dahil pumirma pa din kayong dalawa at saka nasa legal age na kayo at aware na kayo sa batas." saad ni Kaia kaya ang ginawa ko ay nilapitan ko sya at inipit ko ang ulo nya sa mga braso ko.
"Bakit hindi pag aabugado ni Callen ang ginawa mong profession huh?" inis na inis kong tanong kay Callen.
"Woh! Magdivorce kayo! Ouch!" balik ni Kaia. Tang ina napakagaling! Saan kumuha ng talino 'tong ungas na 'to.
"Hindi nya kayang makipagdivorce..." wala sa sariling saad ni Ishan na kinalingon ko sa kanya. Napalunok pa sya at nagtatakbo palabas ng tambayan!
"Bakit kayo naghihimasok sa----" lintaya ko at biglang nakawala si Kaia sa pagkakasakal ko sa ulo nya sa mga braso ko.
"Ate naman! Mahal mo naman yung tao! Okay na yan atleast tipid yung naging kasal nyo!" inis na saad nya na kinatigalgal ko at nataranta sya ng marealize nya yung sinabi nya sa akin.
Tang inang batang 'to talaga!!!!!
"Riyon takbo!" sigaw nya at hindi sila magkandamayaw kung paanong makakaalis ng mabilis sa harap ko.
Napatigalgal ako sa kawalan ng mawala sila sa harap ko. Hayop! Bakit ganito sila kagago???? Hindi nila naisip ang mararamdaman ko at wala silang kinatatakutan!