Chapter 14

207K 7.9K 2.7K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG14 Chapter 14

"Ano 'yan?" tanong ko kay Clark nang pumasok siya sa office ko. May dala siyang tray. Naka-upo ako kanina pa rito at nagbabasa. Sa totoo lang, 'di ko naiintindihan iyong mga binabasa ko. Maiintindihan ko kaya 'to? O baka magaya lang ako kay Nikolai na nagpapanggap lang.

"Meryenda," sabi niya.

"Naks naman siya. Mamamatay ka na ba bukas? Bakit ang bait natin ngayon?" tukso ko kay Clark nang ilapag niya iyong tray at nakita ko na mayroong kape roon at saka pasta—iyong lecheng overpriced pasta nitong bar na 'to.

"Gago," sagot niya. "May kapatid akong abogado kaya alam ko kung gaano kahirap. Kumain ka na nga lang d'yan," dugtong pa niya tapos ay iniwan ako. Pikon masyado!

Kinain ko nang dahan-dahan iyong pasta dahil ayokong madumihan iyong libro ko. Napaka-ginto pa naman nito! Akala mo gold iyong ink na pinantatak sa sobrang mahal, e! Kaloka!

6:30pm iyong unang klase ko. Medyo malapit lang naman iyong SCA dito, pero syempre ayokong ma-late, no! Sa sobrang ginto ng tuition doon, siguro kahit free cut na e nandoon pa rin ako sa classroom at eenjoyin ko iyong aircon. Aba, kasama sa tuition 'yan! Doon na nga rin ako magcharge ng gamit ko. Kung pwede lang siguro na doon na rin ako maligo, e.

Tsk. Apaka-ginto ng tuition! Nakaka-loka talaga! Kapag ako hindi tumalino talaga!

Bandang alas-cinco ay nag-ayos na ako. Kinuha ko iyong baon kong damit. Wala namang strict na dress code sa SCA—kumpara doon sa Brent na business attire o smart casual daw dapat palagi. Buti pa sa SCA pwede akong magpantalon at blouse. Dagdag stress lang kung iisipin ko pa ang susuotin ko. Grabe pa naman sa Brent nung napunta ako—akala mo nasa fashion show ang mga tao. Paano pa kaya sila nag-aaral kapag ganon?

Kaka-labas ko lang sa CR at kaka-palit lang nung black fitted pants at saka white na blouse nang makita ko si Nikolai na naka-upo sa sofa. Naka-suot siya nung polo-shirt na mayroong logo ng Brent.

"Wala ka bang pasok?" tanong ko sa kanya.

"What time's your class?"

"6:30," sagot ko tapos ay naglakad ako papunta sa lamesa para kunin iyong backpack ko. 'Di na ako bumili ng bag. Ayos na 'to. Wala akong balak makipagsosyalan sa SCA dahil unang-una, hindi pa man ako graduate ay lubog na ako sa utang kay Nikolai.

"It's still early. Let's eat first," sabi niya.

"Kumain na ako."

"Dinner?"

Tumango ako. 'Di ko na sinabi na binigyan ako ni Clark ng pasta. Mamaya e ibawas pa sa sweldo ni Clark. Malay ko sa topak nitong si Nikolai.

Tumayo na siya sa sofa. Mayroon din siyang backpack na kulay itim. Sure ako na sobrang bigat nun kasi nung binuhat ko iyon dati nung gago siyang pina-hanap sa akin iyong sasakyan niya, akala ko e mababali iyong balikat ko sa sobrang bigat. Sabay kaming naglakad palabas ng office.

"What's your first subject?"

"Crim."

"Did you review?"

"Ako pa ba?" Inirapan niya ako. Tumawa ako. "Nag-aral ako, don't worry po, Mayor," tukso ko sa kanya. Naiiyak pa rin ako katatawa tuwing naaalala ko iyong pagtawag niya sa sarili niya ng Mayor. Minsan... 'di mo talaga maintindihan mga trip nitong si Nikolai sa buhay niya, e.

"San mga friends mo?" usisa ko. 'Di ko pa nakaka-usap nang maayos si Sancho, e. May jowa kaya 'yun? Kasi wala talaga akong balak jowain si Nikolai dahil friends kami. Pwedeng iyong friend niya na lang ang jowain ko.

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon