Chapter 24

189K 7.3K 3.4K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG24 Chapter 24

"When will your grades be released?" naka-busangot na tanong na naman ni Nikolai. Aba, malay ko! Ang tagal nga ring ilabas ng grades namin. Excited na akong ibigay kay Nikolai iyong premyo niya, e. I mean, kahit naman sino ang mas mataas sa amin, iyon pa rin naman ang mangyayari.

"Di ko alam. Crim pa lang nilalabas," sabi ko sa kanya. "Wag kang masyadong atat. 'Di naman tatakbo 'tong bibig ko."

Umirap siya sa akin. Busy kasi kaming dalawa para mag-aral dahil final exams na namin. Mas mauuna siya dahil ewan ko, weird dahil mas nauuna talaga ang senior kapag ganitong mga exam.

Tahimik kami ni Nikolai na nag-aral. Ang bilis ng panahon, grabe. Parang kaka-enroll ko lang tapos ngayon patapos na iyong sem. Ang daming nangyari. 'Di ko pa naman na-try na masigawan ng prof, pero nakita ko na iyong mga blockmates ko na masigawan. Na-try ko na rin na ma-sermunan kami ng isang buong oras. Mostly about lang sa disappointment nung prof dahil marami akong classmates na hindi maka-sagot sa recit ng cases kahit unang kaso pa lang sa listahan.

Ang lungkot lang.

Hirap talaga maging working student—kitang-kita ko iyong pagod at frustration sa mukha nila... kasi hindi naman sa tamad sila, pero more on wala silang time mag-aral.

"San ka pupunta?" tanong ko nang tumayo bigla si Nikolai. 'Di naman siya dito talaga naka-tira... pero parang ganon na rin kasi literal na magkasama kami palagi. Naghihiwalay lang kami kapag papasok na sa school, pero right after, magkikita kami kasi sinu-sundo niya ako. Good influence pa nga raw ako kasi dati after class, suma-sama lang siya kila Vito. Pero ngayon, dahil hinihintay niya matapos ang class ko, sa library lang daw siya and dahil no choice siya, nagrereview na lang din.

Ganda ko lang talaga.

"I'm gonna get us food," sagot niya.

"Sama ako."

"Okay," sagot niya tapos tinulungan akong tumayo. "I just didn't ask because you were so serious studying."

"I know. Thank you," sabi ko sa kanya habang naka-ngiti. Nagsuot lang ako ng jacket bago kami lumabas. Naka-black na Nike jogger pants lang si Nikolai at saka white shirt... White shirt lang 'yan pero na-stress ako sa presyo. Naka-black nylon shorts ako saka white shirt—isa sa mga white shirts ni Nikolai na dineclare ko na na sa akin.

"Takeout or grocery?" tanong niya habang naghihintay kami ng elevator.

"Kain na lang tayo tapos grocery," sagot ko. Bored na bored na ako dahil ilang araw na kaming nagrereview. Wala na kasing pasok sa school dahil finals na. Kumbaga, binigay na ng mga prof iyong oras na 'to para mag-aral kami.

"Ano'ng gusto mong kainin bukas?"

"Why?"

"Exam mo na, e," sabi ko. Mauuna kasi siya sa 'kin.

"You're gonna cook?"

Nagkibit-balikat ako. "Di ako magaling, pero 'di naman ako bobo. Keri ko naman sumunod sa instructions," sabi ko. Feeling ko sobrang unhealthy na rin namin kasi lagi kaming takeout o kaya delivery.

"Well... can you cook sinigang?"

"Di ba ihahagis lang naman sa kaldero."

"Ihahagis?"

"Oo, iyong ganito—"

"No, I know what ihahagis means."

"Bakit ba ang dami mong alam na Tagalog pero baluktot 'yang dila mo?"

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon