Chapter 08

215K 8.1K 3.5K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG08 Chapter 08

"Sigurado ka na dito ka lang?" tanong ni Clark nang matapos niyang ayusin iyong mga kinalat niya sa bar. Tumango ako sa kanya. Mukhang naguguluhan siya kung bakit stay put lang ako rito sa bar. Ayoko muna kasing umuwi kasi nitong mga nakaraang araw ay pakiramdam ko may naka-sunod sa akin. Nung una ay akala ko praning lang ako—kaso mga isang linggo ko nang nararamdaman iyon. Kaya dito muna ako sa bar hanggang madilim pa sa labas. May guard naman d'yan sa labas kaya sisigaw na lang ako kung meron mang mangyari.

Naka-tambay lang ako sa may sofa habang hinihintay na sumikat ang araw. Agad akong napa-upo nang may marinig akong ingay. Tumakbo ako papunta sa bar para humanap ng ice pick doon kaya lang ay nakita kong si Nikolai lang pala ang nandoon.

"What... are you doing?" tanong niya habang hawak-hawak ko iyong ice pick kasi gi-gripuhan ko talaga siya kung 'di ko siya kilala!

"Bakit ka ba nandito?!" sigaw ko sa kanya.

"I own this place?" tanong niya. Tignan mo 'tong taong 'to! 'Di talaga sure sa maraming bagay! "Can you please put that down?" sabi niya sabay turo sa ice pick na hawak ko. "What are you doing here? The bar's already closed."

Nagkibit-balikat ako. "Ikaw, bakit ka nandito?" Nagkibit-balikat din siya. Ngumisi ako. "Ako pinuntahan mo rito, noh? Miss mo na ko?"

Natawa siya. "Why are you here?" ulit na tanong niya.

"Binabantayan ko iyong mga alak."

"Why?"

"Ang mahal, e! Masyado kayong tubong-lugaw. Tatlong libo sa isang bote ng alak? E sa akin gagapang ka na sa halagang 200 hundred!" sabi ko sa kanya. Malakas kutob ko tutumba agad 'tong si Nikolai kapag pinainom ko ng C2-gin, e.

"We have guards," sabi niya. "You don't have to do that."

"Sure ba? 'Di ko kasi alam ano talaga trabaho ko rito," sabi ko sa kanya. May accountant naman pala kasi sila na nag-aayos nung kita nila rito. Tapos may Clark na. May naghuhugas din ng mga gamit. May guard na. Naniniwala talaga ako na muse ako sa lugar na 'to, e. Kaya nung isang araw, nagpaka-promo girl na lang ako at namigay ng free shot nung bagong alak dito.

"Your job is to make sure everything is running smoothly."

"Manager?"

"Sure."

Taena talaga 'to.

"Ano nga kukunin mo rito? Kung talagang 'di ka pumunta para lang makita ako," sabi ko sa kanya. Tinawanan lang ako ni gago. Umakyat siya sa second floor at mukhang may kukunin nga siya. Pagbaba niya ay may dala lang siyang mga papel-papel. "Ano 'yan?" tanong ko.

"Notes," sabi niya. "No time to make more notes, so I'll just read my old notes."

"Sa 'yo ba talaga 'yan? Bakit may Assia dela Serna na naka-sulat?" tanong ko dahil nakita ko na may pangalan sa harap na naka-lagay. Matagal ko nang gustong magtanong tungkol dito kaya lang ay wala laging tamang timing. Saka minsan ko lang siya makita dahil nasa school palagi. 'Di naman siya madalas nagpupunta dito sa bar—nung isang beses lang dahil nagtext si Clark sa kanya.

Tinignan niya iyong papel. Doon niya lang ata na-realize na may naka-sulat ngang pangalan. "It's a photocopy," sabi niya. "I used to photocopy her notes."

"Jowa mo?"

"I don't have a death wish," sagot niya.

"Ha?" naguluhan na tanong ko.

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon