Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG34 Chapter 34
Naka-kunot ang noo ni Atty. Marroquin habang naka-tingin sa akin. Nang makita ko kasi na magkaka-salubong kami ni Nikolai ay talagang tumagilid ako para hindi kami magkita. Oo, may feelings pa ako sa kanya na matindi, pero tangina, sobrang wasak ako sa sinabi niya. Ang tanging dahilan na lang kung bakit nakakaya ko pang tumayo rito ay dahil pwede kong idahilan na lasing lang ako.
Pero alam namin pareho na kalokohan lang 'yon.
Alam ko lahat ng sinabi ko—nagkaroon lang ako ng lakas ng loob dahil sa alak.
Alangan na ngumiti lang ako kay Atty. Marroquin tapos ay sumunod na ako sa kanya. Bakit ba kasi nandito si Nikolai?! Dami-dami ng business nila tapos nandito siya naglalaboy sa hotel nila!
"Ms. Lorenzo," pagtawag sa akin ni Atty. Marroquin.
"Y-yes po, Attorney?" kinakabahang tanong ko kasi kapag ganito na bihirang magsalita, talagang kinakabahan ako kapag may sinasabi siya.
"Are you okay?"
Agad akong tumango. "Yes po, Attorney," sabi niya. Tumingin lang siya sa akin at hindi na nagtanong pa after nun. Sumunod lang ako sa kanya. Nung una kasi ay iyong pro-bono case lang nung sa sweldo ni Manong iyong kaso kaya lang ay nagalingan yata sa kanya iyong kausap namin kaya kinuha na rin siya bilang lawyer nung SEBA sa hotel nila Nikolai. Ngayon ay may meeting kami para idiscuss iyong mga existing provisions sa CBA nila. Mag-e-expire na kasi iyon kaya kailangan ng pag-usap kung may bagong demands ba sa economic provisions. Hindi naman ako dapat kasali dito, pero tinanong ako ni Atty. Marroquin kung gusto ko bang mag-assist since ako naman na iyong maghawak nung sa kaso ni Manong.
Nung una ay gusto kong tumanggi kasi konektado 'to kay Nikolai... pero naisip ko rin na bakit ko idedeprive sa sarili ko iyong ganitong opportunity dahil sa kanya?
Kung mahal niya ako pero okay na sa kanya na wala ako sa buhay niya, dapat ako rin.
Nagnotes ako habang nakikipagmeeting si Atty. Marroquin sa head nung bargaining unit. Usually ang hiling lang naman nila ay mas mataas na sweldo pati additional benefits. Alam ko na hindi magiging madali 'to kasi sino ba namang business ang kusang loob na magbibigay ng mas mataas na sweldo? E usually pera-pera lang naman 'yan sa kanila.
"Nagrequest ako ng kopya nung existing CBA," sabi ni Atty. Marroquin. "Na-discuss naman na kanina iyong demands nila, pero basahin mo pa rin at kung may suggestion ka."
Tumango ako. "Okay po, Attorney," sagot ko. Nagbilin pa siya ng mga dapat kong gawin. Nakaka-tuwa lang kasi parang may tiwala siya sa akin kasi parang ako na talaga iyong gagawa, pero syempre siya iyong abogado kaya pangalan niya pa rin iyong naka-taya.
Sobrang nag-e-enjoy akong makinig sa mga sinasabi niya. Medyo marami na rin akong na-assist na kaso sa Legal Clinic—karamihan ng lumalapit talaga e iyong mga may problema sa lupa nila. Ayoko talaga 'dun kasi sobrang hassle... Sakit sa ulo na mga magkaka-pamilya pa iyong nag-aaway. Tapos usually iku-kwento pa sa 'yo iyong mga iringan nila. Kaya kahit ayoko madamay naiistress din ako, e. Sa criminal cases naman, okay lang ako. Iyong ibang mga kasama ko sa legal clinic ay hindi nila bet kasi deliks daw sa buhay namin. Usually sa akin napupunta. Okay naman ako sa criminal cases. Kung patayin ako, e baka hanggang doon lang talaga ang buhay ko.
Pero sa labor cases talaga ako nag-e-excel... feel ko lang. Sarap kasing idemanda nitong mga kapitalista na 'to.
Habang seryoso akong nakikinig sa mga bilin ni Atty. Marroquin ay nahagip ng mga mata ko si Nikolai. Agad akong nag-iwas ng tingin at nagpanggap na wala akong nakita. Punyeta. Ayoko talagang makita siya pagkatapos nung lahat ng kahihiyan na nangyari nung birthday ni Vito!
BINABASA MO ANG
Wreck The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw siya 'di siya pina-abort ng nanay niya nung nabuntis siya ng tatay niya. Pero araw-araw din naman sa k...